CHAPTER UNDETECTED
NAKANGITI KONG PINAKATITIGAN ang napakagandang mukha ng babaeng una kong minahal ng sobra.
"Ang tagal na rin pala. Bakit pakiramdam ko parang kahapon lang nangyari ang lahat? Sariwa pa rin sa isip at puso ko ang bawat pangyayari, mahal. Hindi mawala sa isip ko ang bawat salitang binitawan mo." Naiiling na naupo ako sa tabi niya at saka nakangiting pinagmasdan ang kalangitan. "Ang ganda ng langit, ano? Kasing ganda mo."
Nakangiti akong nahiga ako sa tabi niya at saka pinanood ang mga ulap na maglikot sa kalangitan. "I'd been praying for years now. Na sana panaginip na lang lahat. Na sana hindi totoo ang mga nangyaring iyon. Miss na miss na kita, Tia. Sobrang miss na kita," hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay napaka-emosyonal ko pa rin sa tuwing naalala ko ang labing apat na araw na nakilala kita.
Nahihirapan pa rin akong tanggapin hanggang ngayon. Nahihirapan pa rin akong kumbinsihin ang sarili ko. Hanggang ngayon hindi ko makumbisi ang sarili ko na wala na ang babaeng minahal ko ng sobra. Wala na si Zetia.
Matapos ng gabing iyon, lumipad kinabukasan ang eroplanong kinasasakyan niya na magdadala sana sa kaniya sa America kung saan siya ooperahan. Pero hindi pa man tumatagal sa byahe ay tuluyan ng bumigay ang katawan niya. Tumigil na sa pagtibok ang puso niya at hindi na rin siya humihinga. At dahil nandoon na rin naman sila, doon na nila ibinurol ang katawan ni Zetia. Inilibing sa tabi ng labi ng mommy niya na sa San Francisco rin pala namatay.
Kaya ito ako ngayon, lumipad pa America para lang mabisita siya sa ika-5 months ng pagkamatay niya.
Oo, limang buwan na ang nakakalipas mula ng mamatay siya. Pero hanggang ngayon, masakit pa rin sa akin. Pakiramdam ko mali ang lahat ng nangyari. Pakiramdam ko pinaglalaruan lang ako ng tadhana. Pakiramdam ko nga kaya hindi matanggap ng sistema ko na wala ka siya kasi hindi pa naman talaga siya nawawala sa akin.
Pero itong grave na nasa tabi ko, itong puntod na ito? Ito ang nag-iisang patunay na wala na talaga siya sa akin. Ito ang nag-iisang bagay na nagpapagising sa diwa ko. Ang nagpapaalala sa akin ng katotohanang kailan man ay hindi ko na siya makikita pang muli.
"Alam mo ba? Sumikat yung libro ko matapos ma-publish ng ZM Company. Sikat na author na ako ngayon. Halos lahat kilala na ako at ang mga gawa ko. Natupad na yung mga pangarap ko, Tia. Natupad na silang lahat." ..maliban sa isa. "Kilalang kilala na ako ngayon sa lugar natin ay halos lahat sila nagpapa-autograph na ngayon. Sayang nga lang kasi hindi mo inabutan, eh. Hindi mo na nakita yung mga achievements na naaabot ko ngayon."
Hindi ko na napigilan pa ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko ng maalala ko na naman siya at ang mga alaala naming dalawa. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at saka yumukod sa mga tuhod ko.
Hindi ko na mapigilan ang pagdaloy ng emosyon sa buong katawan ko. "Miss na kita. Miss na miss na kita, Tia. Hindi ko pa rin matanggap na wala ka na sa akin. Hindi ko pa rin makuha yung ideyang hindi na kita makikita at makakausap kahit kailan. Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko hindi ka naman nawala sa akin? Bakit pakiramdam ko pinapanood mo lang ako mula sa malayo? Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin na tanggapin na wala ka na talaga? Sobrang sakit, Tia. Sobrang sakit.
"Please come back to me, babe. Bumalik ka na sa akin. Please, Zetia." Humahagulgol kong sabi habang nakatingin sa pangalang niyang nakaukit sa kulay ash white na lapida.
Ilang sandali pa akong nanatili doon bago naisipan tumayo at umalis na. Kailangan ko ng bumalik sa hotel dahil maggagabi na. Kanina pa akong ala una dito at mag-aalas sais na ng gabi.
Nakangiti akong bumaling dito. "I'll be back tomorrow, Tia. Isasama ko na si Ayes sa susunod para naman may kasama na akong dalawin ka. Miss ka na rin daw kasi niya, eh." Malungkot ang ngiting sabi ko. "I love you, Zetia. See you tomorrow."
My mind is your mind. My heart is your heart. My soul is your soul. And if you die.. I die, too Zetia. That's how much I love you. Thank you for being my 14 day paradise.
SEROXYMINE
YOU ARE READING
Fourteen-Day Paradise (Completed)
Short StoryDear Zetia, Love is like a river. You'll see the starting line but never the finish line. It is like a waterfall. It'll gather all the water and spread it like wildfire. Like an ocean that'll drown you once you fight back on it. Hi ZAM. This is me...