WARNING:
Ang programang ito ay rated SPG. Striktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan.
Maaring may Maseselang Tema (T), Lenggwahe (L), Karahasan (K), Seksyuwal (S), Horror (H) o Droga (D) na hindi angkop sa mga bata.
~~•~~
ISANG MALAKING WARNING!
WARNING!
DAY 13
3: 56 P.M.
NAIILING NA NAPALAKAD AKO PABALIK ng kwarto ko. Kanina pa ako hindi mapakali. Pabalik-balik sa kwarto ko at hindi maisip kung ano ang dapat gawin.
Kaninang umaga kasi paggising ko, naabutan ko siyang nakaupo sa tabi ng kama ko. Umiiyak siya at mukhang may problema na namang naisip kaya kamuntikan na naman siyang atakihin ng asthma niya. Mabuti na lang at napatahan ko siya.
Pero matapos noon, matapos niyang tumahan mula sa pag iyak niya, b-bigla na lang niya akong sinunggaban ng halik.
Syempre pinigilan ko siya. Hindi naman tama iyon at saka may respeto ako sa kaniya. Masamang hinahalikan ang lalaki lalo na paggising sa umaga dahil may nagagalit talaga. Hindi man ako iyon... Ah, basta may nagagalit!
Nakakahiya naman kung mas mauuna pa akong bumigay sa kaniya samantalang siya yung babae sa aming dalawa.
Mula ng umagang iyon, hindi na niya ako pinansin at maghapon na siyang nagkulong sa kwarto niya. Lumabas lang siya sandali kanina para kumain ng tanghalian pero matapos niyon ay bumalik din agad siya sa kwarto niya at hindi na lumabas pa. Hanggang ngayon.
Nag-aalala na ako. Baka kung anong mangyari sa kaniya habang nakakulong doon. Baka atakihin na naman siya ng sakit niya at dahil naka-lock ang pinto ay mahihirapan siyang humingi ng tulong.
Nag-aalala rin ako na baka na-offend ko siya dahil sa pagtangging ginawa ko kanina. Alam ko at nakita ko sa mukha niya ang pagkapahiya matapos ko siyang ilayo sa akin.
Ano ba kasi ang dapat kong gawin?! Ayokong samantalahin ang kahinaan niya bilang babae at hinding-hindi ko siya gagalawin hangga't wala ang apelyido ko sa pangalan niya. Hindi ako ganoong klase ng lalaki.
"At sino ba naman kasi ang nagsabi sa iyo na roon agad iyon aabot?" Naiinis na paninita ko sa aking sarili at saka wala sa sariling nasabunutan ang aking buhok. "This is not good. Kailangan ko ng gumawa ng paraan."
Kinakabahan man ay may pagdadalawang isip pa rin akong tumayo sa harap ng pinto ng kwarto niya. Patuloy na nagtatalo ang aking isipan kung kakatok ba ako o hahayaan na lang siyang mapag-isa.
Kaso nag-aalala talaga ako, eh! Paano kung hindi pala siya okay tapos sa sobrang panghihina niya, hindi na niya magawa pang humingi ng tulong sa akin? Baka naghihingalo na iyon sa loob, ah! Naku!
Dahil sa naisip na scenario ay agad akong lumapit sa pinto at sunod sunod na kumatok doon. "Tia?! Ayos ka lang ba?! Zetia? Are you okay? Open the door please." Sabi ko dito ngunit wala akong natanggap na sagot. Tanging mahinang paghinga lang ang naririnig ko sa loob at ang tila lagaslas ng tubig mula sa banyo.
Anong ginagawa niya? Naliligo ba siya? Naghihilamos ng mukha?
Teka! Baka nagpapakalunod iyon, ah!
Fuck!
"Zetia! C'mon, babe! Open this goddamn door! Kapag hindi mo ito binuksan, sisiraan ko ito! Bibilang lang ako ng tatlo!" Banta ko dito saka ako lumayo ng medyo malayo. Kailangan kong bumwelo kung gusto kong masira ang pinto at mabuksan iyon.
Saka ako nagsimulang magbilang. "One!"
Ngunit wala pa ring magbubukas ng pinto. Mukhang hindi yata nito naririnig ang pinagsisigaw ko.
Pero kailangan kong malaman kung ayos lang ba siya!
"Two!" Pagpapatuloy ko pa.
Inihanda ko na ang aking sarili sa pagsipang gagawin ko. "Last na bilang na, Zetia! Sisipain ko na ang pinto kapag hindi ka pa lumabas riyan!" Bilin ko bago ako tumakbo palapit sa pinto. "Thre--" nabitin sa ere ang pagbibilang maging ang paa ko ng bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang bagong ligong si Zetia.
Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin at sa paa kong muntik ng tumama sa mukha niya. Natataranta ko iyong ibinaba at saka siya nilapitan at sinipat ang kabuuan niya. "Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa iyo? Wala ka bang sugat? Hindi ka nahihirapang huminga? Ano?! Sagot!"
Nagitla ito sa bigla kong pagsigaw. Mukhang hindi nya inaasahang mapagtataasan ko siya ng boses. Well, kahit naman ako. Lintik!
Wala sa sarili itong tumango sa akin at saka nagtatakang tumingin sa akin. "Ano bang nangyayari sa iyo? Walang masakit sa akin. Wala rin akong sugat at maayos rin ang paghinga ko. Bakit ka ba nagkakaganiyan?"
Nakahinga naman ako ng maluwag sa isinagot niyang iyon. Naiiling na naupo ako sa backrest ng sofa. "Akala ko kasi kung anong nangyari sa iyo. Maghapon ka kasing hindi lumabas ng kwarto mo mula nung... n-nung nangyari yung kanina." I stuttering answered her. Napabuntong hininga na lang ako. "I'm glad you're okay. Pasensya ka na nga pala sa ginawa ko kanina. Ayoko lang naman kasi na mabastos kita kaya ko ginawa iyon. I hope you understand." Naiilang na sabi ko pa.
Magmamaktol na sana ako maghapon dahil sa hindi niya pagpansin sa akin pero agad iyong nabura sa isipan ko ng marinig ko ang mahinang pagtawa niya.
I didn't know na pwede palang maging ganito kaganda ang pagtawa ng isang babae?
Iba talaga kapag in love. Nahihibang na.
Tsk.
WALA AKONG NAGAWA KUNG HINDI ANG TAWANAN na lang ang kainosentehan niya. Sino ba talaga ang babae sa aming dalawa? Bakit kung umakto siya, eh, para siya ang mas dehado sa ginawa ko kanina?
Eh mukhang nagustuhan rin naman niya, eh. Pakipot lang.
To be honest, I feel ashamed of what I did earlier. I kissed him senseless the time he woke up. And that's an ambush for an innocent guy like him. Mukhang ako pa nga ang first kiss niya, eh. Hahahaha..
Naisip ko lang kasi, since I'll soon leave this paradise, I want to experience the most intimate scenario na nangyayari sa buhay ng isang tao. I wanna leave this life na pakiramdam ko kumpleto na ako kahit na sa ganitong edad lang matatapos ang buhay ko. I want to reach heaven kahit sandali lang.
Kahit na alam kong malaki ang magiging epekto noon sa puso ko.
At sa lahat ng naiisip kong lalaki na pwede kong makatabi sa kama, isa lang ang binibigyan ko ng pagkakataon na gawin iyon.
At siya iyon. Si Zariah.
"Let me sleep with you." Walang pasubali kong saad dito na mukhang ikinagulat nito.
Nagdare-daretso ito ng upo pabagsak sa sahig habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Natawa na lang ako sa itsura niya.
"S-stop joking around, Tia. Napaka-mapanganib ng ganiyang mga klase ng biro. Nakakahibang kung biro nga talaga," pahina ng pahina nitong sabi at saka natatarantang tumayo. Hindi ito makapaniwalang nakatingin lang sa akin habang nakaturo ang isang kamay sa mukha ko. Ngumiti lang ako ng malawak sa kaniya at saka nagsimulang humakbang palapit na siya namang naging dahilan ng pag-atras niya. "H-huwag kang lalapit sa akin! Jusko! Patawarin ka nawa ng Panginoon! Napakapilya mong babae! No! Stop!" Pigil nito sa akin habang atras naman siya ng atras.
Ako naman ay tawa lang ng tawa. Nangingiti kong hinawakan ang braso niyang kanina pa nakaturo sa akin at saka siya mabilis na hinila palapit sa akin. Ginaya ko lang ang ginawa niya sa akin kahapon.
Nakangisi akong dumukwang palapit sa kaniya na siya namang ikinalaki ng mga mata niya. "Just tonight. Let me sleep with you. And then we're going home tomorrow. I promise." I whispered before capturing his lips.
I'm happy to give my everything to you. I love you, Zariah. Good night.
SEROXYMINE
YOU ARE READING
Fourteen-Day Paradise (Completed)
Short StoryDear Zetia, Love is like a river. You'll see the starting line but never the finish line. It is like a waterfall. It'll gather all the water and spread it like wildfire. Like an ocean that'll drown you once you fight back on it. Hi ZAM. This is me...