Hiiiii RowenDS!! Oh sayo na😂 Enjoy-in ang buhay😂 Thank you😊
DAY 12
MAAGA KAMING UMALIS NG hotel. Gusto kasi niyang mapanood ang sunrise sa Faro de Punta Bugui also known as Bugui Point Lighthouse. Nasa Sitio Bajo iyon sa Aroroy. Isa iyong maliit na coastal community kung saan kilala ang century-old na lighthouse na jyon.
Based on my history class when I was in college, Bugui Point Lighthouse was built in 1893 but stopped in 1896. Americans took over the construction and they finished it to completion in 1902. But sad to say that the lighthouse is already decommissioned and replaced by a newer one also erected on the same ground while the attached keeper's house is in ruins, neglected and abandoned.
Sabi sa amin ng professor namin noon, kung bibisitahin mo ito ngayon at pagmamasdan, hindi mo na mababakas ang kalumaan nito. Wala ng historical landmarks sa lugar at maging ang original plate kung saan ito unang itinayo ay wala na rin.
Tanging ang nag-iisa na lang nitong dahilan ang siyang nagpapanatili ng kagandahan nito.
Ang gabayan ang mga barko.
Nakangiti akong bumaling ng tingin sa kaniyang kanina pa pala nag-aabang sa akin na lumabas.
Alas kwarto pa lang ng madaling araw at mamaya pang exact 5:38 a.m ang sunrise. Pero dahil may kahabaan ang byahe mula Masbate City papuntang Sitio Bajo ay kailangan talaga naming gumising ng ganito kaaga.
Sabi ko nga sa Port na lang ng Masbate siya manood kaso tumanggi siya. Mas maganda raw ang view doon lalo na at lighthouse iyon.
"Nasa gilid iyon ng buong isla ng Masbate at nakatapat pa sa karagatan kaya napakagandang pagmasdan doon ng araw."
Yan lang naman ang idinahilan niya sa akin.
"Kuya, narerentahan po ba itong motor ninyo? Pwede po ba kaming magpahatid sa Sitio Bajo? Don't worry. We'll pay you naman po." Rinig kong pakiusap nito sa may hindi katandaang lalaki na nakaabang sa sakayan na pinuntahan namin.
"Ay! Opo naman, madam! Ihahatid ko na po kayo ng kasama ninyo." Nakangiti namang sagot ng lalaki dito at saka iniabot dito ang isang helmet.
Ngunit bago pa iyon abutin ng babae ay ako na ang naunang kumuha doon. Nagtataka nila akong binalingan ng tingin ngunit hindi ko iyon pinansin bagkus ay hinila ko siya palapit sa akin at ako mismo ang nagsuot sa kaniya ng helmet.
"Next time, huwag basta-basta ngingiti sa kung kani-kanino, okay?" Nakangiti at pabulong kong tanong dito. Bakas ang awtoridad pero hindi ko iyon pinansin at pinanatili na lamang ang tingin sa kaniya. "I'm territorial, Miss Smiley Face."
Ngunit sa halip na seryosohin ay tinawanan lang ako nito. Naiiling na nauna akong sumakay sa motor sa likod ng driver.
I won't let her seat in between me and the driver. That's a big big no!
"I didn't know na joker ka pala. Sana sinabi mo sakin noon. Baka nagkasundo tayo ng mas maaga kesa sa inaasahan." Tatawa-tawa nitong bulong sa akin ng makasakay siya.
I just tsked and let her hug me from behind. Kailangan niyang kumapit kung ayaw niyang mahulog lalo na at siya ang nasa likod.
At ang isa pang dahilan kaya hinayaan kong siya ang sumakay sa likod. Kasi alam kong yayakap siya sa nasa unahan niya.
It's better to be me than this driver.
No way in hell I'll let her hug this guy. Ako lang.
Ako lang dapat.
YOU ARE READING
Fourteen-Day Paradise (Completed)
Historia CortaDear Zetia, Love is like a river. You'll see the starting line but never the finish line. It is like a waterfall. It'll gather all the water and spread it like wildfire. Like an ocean that'll drown you once you fight back on it. Hi ZAM. This is me...
