Unknown

17 0 0
                                    

CHAPTER UNKNOWN

NAKANGITI AKONG SINALUBONG ang masayang mukha ng isa sa mga fans ko.

May pa-book signing kami ngayong mga writers. Sampu kaming writers ngayon na nandito at nagpapasaya ng mga readers namin.

Ito na ang pang-labing-isang book signing na isinagawa ko matapos kong ilabas ang isa sa pinakapumatok kong libro. Pinamagatan ko iyong 14 Day Paradise.

Tungkol iyon sa dalawa tao na nagkakilala sa isang simpleng paraan. Isang sikat na writer at isang nangangarap na maging isang sikat na manunulat. Nagkakilala sa isang masakit na dahilan.

May sakit sa puso ang babae. Dalawang linggo na lang ang itatagal niya sa mundo at inilihim niya iyon sa lalaking una niyang minahal mula ng mabuhay siya sa mundong ito. Nagkakilala at natutunan nilang mahalin ang isa't isa sa loob lang ng dalawang linggong pagsasama. At matatapos sa isang napakagandang katapusan.

Oo, tungkol nga sa amin ang kwentong isinulat ko. Mula umpisa hanggang dulo. Lahat ay totoong nangyari. Lahat ay totoong naganap.

"Pa-autograph po, idol! Ang galing po ninyo." Masayang sabi ng isang pamilyar na tinig.

Hindi ko naiwasang mapangiti ng magtama ang mga mata naming dalawa. "My pleasure... idol."

~~THE END..~~

This is the ending. Hope you all enjoy reading 😊 Thank you for supporting this story.

Adiós, Happies. See you on my next story!

Fourteen-Day Paradise (Completed)Where stories live. Discover now