Happy reading AwierDamsel! Keep on writing! Soon... I'll check out for your stories and I'll support you din😊
Good luck!
DAY 6
MAG-IISANG BUONG ARAW na siyang tulog. Hindi ko talaga alam ang nangyari kahapon. Basta bigla na lang kaming nakarinig ng malakas na lagabog mula sa kwarto nitong babaeng ito. Akala ko kung ano lang kaso kasunod noon ay malakas naman na pagkabasag ng kung ano naman ang narinig namin.
Hindi naman ako manhid para hindi makaramdam ng pag-aalala para doon sa tao kaya naman mabilis ang naging pagkilos namin ni Ayes. Hindi naman naka lock ang pinto ng kwarto niya kaya nakapasok kami agad. At doon nga namin siya naabutang namimilipit sa sakit.
Wala naman siyang sugat.
Isusugod na nga sana namin sa hospital kaso pinigilan kami ni Tita Irah. Hindi raw namin pwedeng ilabas ng compound ang babae sa hindi ko malamang dahilan. Kinabitan lang siya ni tita ng oxygen at sandaling hinilot ang dibdib nito. Matapos noon ay hinayaan na kami ni tita na bumalik sa mga kwarto namin.
Hindi na ako nakaangal noon kasi sabi naman ni tita na siya na ang magbabantay sa babae.
Oo na! Hindi ko naman itatanggi na nag-aalala ako sa kaniya kahit na ilang beses niya akong pinahiya. May puso pa rin naman ako kahit papaano.
Kahapon kasi nung lapitan ko siya, sobrang higpit ng kapit niya sa akin at paulit-ulit na umuusal ng masakit. Halos mapunit na nga niya yung damit niya sa sobrang paglamukos doon, eh. Kaya nataranta rin ako noon. Ang putla-putla pa niya at umiiyak pa siya. At mukhang hirap na hirap huminga.
"Haist... Sana ayos na siya." Mahinang bulong ko at saka sumulyap sa pinto ng kwarto ng kapitbahay ko.
Kasalukuyan akong nagsasampay ngayon ng mga nilabhan kong damit. Malawak naman ang hallway ng building na at mas trip kong magsampay dito kesa sa veranda sa likod ng kwarto ko. Study area ko kasi iyon, eh. Kumbaga, doon ako nagsusulat at nag-aaral ng mga maaring isunod na scenario para sa istoryang isinusulat ko. At saka t-shirts at pants lang naman ang sinasampay ko rito. Sa cr na yung underwears ko at iba pang maliliit na gamit na tela.
Maglalakad na sana ako pabalik ng kwarto ko ng bumukas ang pinto ng kwarto nung babae at tumambad ang medyo maayos na nitong mukha. Hindi na namumutla ang labi nito at hindi na rin mugto ang mga mata niya.
Nagulat pa ako ng ngitian niya ako. "Hi," halos bulong na para sa akin ang sinabi niyang iyon. Sobrang hina ng boses niya.
Malayong malayo sa boses na narinig ko noong unang beses kaming mag-usap.
"G-gising ka na."
MATAMIS AKONG NGUMITI NGAYON sa kapitbahay kong nakatulala lang sa akin.
Kanina pa talaga ako gising. Mag-iisang oras na. Naabutan ko pa si Tita Irah na kumakain sa mesa sa maliit kong salas at nagkakwentuhan pa muna kami bago ako nakalabas.
Yung Akie raw ang nakakita sa akin sa sahig na namimilipit sa sakit. Siya rin daw ang tumulong sa akin na madala sa kama ko at makabitan ng oxygen pero si tita naman ang nagmasahe ng dibdib ko.
Gusto kong magpasalamat sa taong iyon kaya narito ako ngayon. Naglakas-loob na lumabas ng kwarto at harapin ang lalaking mortal enemy na yata ang turing sa akin.
YOU ARE READING
Fourteen-Day Paradise (Completed)
Storie breviDear Zetia, Love is like a river. You'll see the starting line but never the finish line. It is like a waterfall. It'll gather all the water and spread it like wildfire. Like an ocean that'll drown you once you fight back on it. Hi ZAM. This is me...
