Day 10

9 0 0
                                    

Good day queen_penny.. please continue doing your best and hope to meet you all soon😊 thank you😊

DAY 10

"OH, YEAH! HIII–YYYAAAA!! WAAAHHH!" Malakas na sigaw nung babae habang nanood ng inaabangan nila ngayong 23rd Rodeo Festival dito sa Masbate.

Hindi ko alam kung pinlano ba niya ang bakasyon na ito para mapuntahan niya ang ganitong klase ng pagdiriwang or sinadya lang talaga niya.

Kanina kasing umaga, paggising ko ay sinabihan agad niya ako na magbihis na pang cowboy. A-attend nga raw kasi kami ng festival na ito.

Pero dahil nga wala akong alam na may ganito palang uri ng festival dito at sumakto pa talagang sa araw ng bakasyon namin naganap ay hindi ako nakapaghanda ng ganoong klase ng damit. Kaya naman dumaan pa kami ng ukay-ukay para lang makasabay ako sa kaganapang nais niyang masaksihan at saka niya ako hinila sa gitna ng kalsada kung saan marami ring Masbateño na nagdiriwang katulad niya.

Gusto raw kasi niyang sumali kahit sa street barn dance ng festival. Hindi naman kasi siya pwedeng sumali sa mga extreme sports na meron ang festival. Baka hikain na naman siya at masundan pa ang halikang nangyari kahapon.

"Why don't you join the festival? Marami silang pa contest ngayong taon, ah? Mr. Governor and Mr. Chairman of Rodeo Masbateño Incorporated announced that the competition is open for any participants who wants to join the competition. You can join if you want." Tila excited nitong sigaw sa gitna ng malakas na musika na pinapatugtog ng isang malaking speaker mula sa kung saan.

"No thanks. I am more comfortable with my feet on the ground." Naaasar na ngumiti ako dito ng peke at saka wala sa sariling napairap.

Eh?

Babae lang, ate? Tsk.

Nang-aasar naman siyang lumapit sa akin habang tumataas-taas pa ang mga kilay. Kunot-noo ko naman siyang binalingan ng tingin. "Tell me..." bitin nito sa nais sabihin.

"What?"

"Are you afraid of joining those kinds of competitions?" Nakangisi nitong tanong sa akin na mabilis ko namang inilingan.

"I am not," proud kong sagot dito kahit na wala naman iyong katotohanan.

Hindi naman sa takot ako sa mga ganiyang activities. I can do swimming and biking and hiking and many more outdoor activities. But that kind of thing? No thanks. Hindi ko kaya ang ganiyang ka-extreme na activities.

"Then, why?" Curious nitong tanong sa akin at saka sandaling tumigil sa pagsasayaw niya.

Ako naman na kanina pa nakatayo sa harap niya ay kunot noo siyang tiningnan. "Why what?"

Inabot pa muna nito ang dalawang plastic bag kung saan nakalagay ang binili namin kaninang Carmelado at Molido. Dalawa sa pinaka-ipinagmamalaking pagkaing gawa ng mga Masbateño.

Ang Carmelado ay ang sariling version ng mga taga-Masbate ng pastillas. Gawa siya sa purong gatas ng kalabaw at asukal na ibinebenta nila sa halagang 100 per pack of 30 pieces.

Habang ang Molido naman ay isang klase ng desert na gawa sa sweet potato na binudburan ng dinurog na pili nuts at coconut bits. Ibinebenta nila ito sa halagang 50 pesos per pack of 30 pieces.

Tig-limang balot ang binili niya kanina. Pasalubong daw namin para kila tita at Ayes pag-uwi.

Ayos. Ang yaman talaga.

"Why don't you join the contest? That's an experience, you know?" Inilingan ko ang sinabi nito. Kahit pa sabihing new experience ang bagay na iyon, hinding-hindi ko iyon gagawin. Never in my whole life na sasali ako sa mga ganiya—"Here! My friend here wants to join the contest. Let him in!" Sigaw nung babae.

Fourteen-Day Paradise (Completed)Where stories live. Discover now