Hiiii Elisaaaaay❣️❣️ Thank you for following me😊 So in return.. I'll dedicate this chapter for you 😊 Thank you so much😊
DAY 14
HINDI KO ALAM KUNG MAIIYAK BA ako o magagalit sa mga nalaman ko.
Kasalukuyan ako ngayong nandito ngayon sa hospital sa Masbate. Matapos ng nangyari sa aming dalawa ni Zetia kahapon ay bigla na lamang itong nawalan ng malay. Ilang beses ko siyang sinubukang gisingin pero hindi siya nagmulat ng mata. At ng kapain ko ang pulsuhan nito ay wala akong naramdamang kahit na anong pulso. Kaya ng dahil sa labis na pagkataranta ay dinala ko siya sa ospital ng walang suot na damit maliban sa boxer shorts ko.
Nakakahiya man iyon pero mas nakakahiya na hindi ko man lang naalala na may sakit nga pala siya bago ako pumayag na matulog ng kasama siya. Kasalukuyan siya ngayong nakaratay sa hospital bed dito sa Agio General Hospital. Dito ko siya dinala.
Natawagan na ang daddy niya at maya maya lang ay darating na ito para sunduin kami. Nakausap ko na rin ang doctor na nag-check sa kaniya at hindi ko malaman kung paniniwalaan ko ba ang sinabi niyang resulta sa akin.
Zetia's dying.
It was a sudden ventricular fibrillation. Her heart abnormally pumps blood. Mas mabilis kesa sa normal na pagpa-pump ng puso sa dugo. I really thought na wala na siya sa akin pero mabuti na lang at nadala ko agad siya dito sa ospital. Naagapan ang mas malala pang maaaring mangyari sa kaniya.
Akala ko talaga noon asthma lang ang sakit niya. Akala ko kaya lang siya nahihirapang huminga kasi may asthma siya. Pero mali pala ako.
May sakit siya sa puso. Dilated cardiomyopathy ang sabi ng doctor at kailangang kailangan na nitong madala sa ibang bansa para makapagpaopera siya. She needs to undergo heart transplant surgery. Kung hindi ay baka tuluyan ng bumigay ang puso nito.
At sobrang nag-aalala na ako ngayon pa lang. Sobrang nag-aalala ako sa maaaring mangyari sa kaniya. Nag-aalala ako sa kaniya.
Natatakot ako na baka hindi niya kayanin ang byahe. Baka hindi kayanin ng puso niya ang surgery at baka hindi pa man natatapos ang operasyon ay tuluyan na iyong bumigay.
Natatakot akong mawala siya sa akin.
"Wake up, babe. I know you'll survive. I know you'll gonna make it. I'm just here. Hindi kita iiwan." Naiiyak kong bulong dito habang mahigpit na hawak ang kamay niya.
Kanina pa kami nandito. Madaling araw pa lang. Mabuti na nga lang at pinahiram ako ng damit ng isa sa mga staff ng hospital dito eh. Kung hindi baka kanina pa ako nagkasakit sa sobrang lamig.
Agad na umikot ang ulo ko at bumaling ng tingin sa pinto ng bigla iyong bumukas. Doon bumungad ang isa sa mga mukhang hindi ko inaasahang makita dito.
Natataranta itong lumapit sa kama sa tabi ni Zetia. Naiiyak na tiningnan ang dalaga at saka ito niyakap ng mahigpit. Akala ko ay hindi na ako nito papansinin ng bigla na lamang itong nag salita.
"What happened to her? Did she enjoy her vacation here?" Naiiyak na tanong ng isa sa mga hinahangaan kong tao noon pa lang. Hindi ko sana ito sasagutin dahil hindi ko naman alam kung ako ba ang kausap nito ngunit bigla na lang itong tumingin sa akin. "Did she enjoy staying here alone? Did she enjoy her vacation?"
Wala sa sarili akong napatango dito. "Y-yes, sir. She did enjoy her stay."
Malungkot itong ngumiti sa akin at saka tatango-tangong muling bumaling sa kaniyang anak. "I never thought she'll soon leave our house and travel alone. In this kind of place..." sabi nito at saka mahinang natawa. "C'mon, young man. Iuuwi ko na ang anak ko. Kailangan ko pa siyang dalhin ng America para maipagamot."
Tulala akong napatango dito. I didn't know na anak pala niya ang babaeng mahal ko. Nakakatuwa namang isipin ang ang dalawang taong hinahangaan ko noon ay kaharap ko na ngayon at minahal ko pa ang isa sa kanila.
Tahimik lang akong sumunod dito. Inilipat na sa stretcher si Zetia at saka iyon dinala kasunod namin. Sa roof top yata kami pupunta. Iyon kasi ang pinindot na button ni Mr. Moore.
Walang imik akong tumayo sa gilid. Wala ng pake kung maiwan man sa hotel ang mga gamit ko. Basta maiuwi lang namin ng ligtas si Zetia. Mas mabuti iyon kesa sa mga naiwan kong gamit.
"Ikaw si Azariah Keaton, hindi ba? Yung bago naming writer?" Biglang tanong ng ama ni Zetia.
Oo. Siya ang ama ni Zetia. At siya rin ang boss ko na siyang may ari ng ZM Publishing Company kung saan na-publish ang libro ko.
Tipid akong ngumiti dito at saka siya tinanguan.
"And you're my daughter's boy friend?" Dagdag na tanong pa nito na ikinagitla ko. Nanlalaki ang mga mata ko siyang binalingan ng tingin na ikinatawa naman nito. "I mean kaibigang lalaki. Boy friend," tatawa-tawa nitong tanong.
Nakahinga ako ng maluwag ng linawin niya ang bagay na iyon. Akala ko naman ay intimate relationship ang tinutukoy niya.
Hay nako.
"I am, Sir." Mahina kong sagot dito at saka tipid na ngumiti.
Nakangiti naman siyang tumango sa akin. "I'm happy na may naging kaibigan pala ang anak ko. At isa ring magaling na writer ang naging kaibigan niya." Masaya man paraan ng pagsasalita niya ay malungkot naman ang emosyong sinisigaw ng mga mata niya. "She'd been suffering for almost half of her life because of heart disease. Her heart is weak. Sabi ng doctor niya, nakuha niya ang mahinang puso dahil nagkaroon ng pagkataon na nagkasakit ang mommy niya noong ipinagbubuntis pa lang siya. Because of that, we didn't let her stay outside of our house. Palagi lang siyang nasa loob. Hindi pwedeng lumabas sa takot na baka bigla na lang humina ang puso niya at bumigay iyon.
"Never in her life na nagkaroon siya ng kaibigan maliban kay Dream na minsan lang naman niya kung kausapin. Ngayon lang ako nakakilala ng kaibigan niyang nagawang tumagal ng isang linggong kasama niya sa klase ng ugaling meron siya. Nakakakilabot!" Umakto pa itong tila natatakot na sabay naman naming tinawanan. Ngunit natigil rin ng seryoso itong ngumiti sa akin. "Thank you for assisting my daughter, Azariah. I really appreciate what you've done for her. I owe you a lot."
Ngumiti lang ako dito at saka siya hinayaang maunang lumabas ng elevator. Isinakay sa helicopter ang stretcher na kinahihigaan ni Zetia. Sumunod naman kami dito at naupo sa magkabilang tabi nito.
Kung noon na bus at ferry ang sinakyan namin, umabot ng 16 hours, itong helicopter ay mahigit apat na oras lang ang itinagal sa himpapawid at agad ding lumapag sa helipad ng ZM Company building.
"Umuwi ka na. Babalitaan na lang kita kung anong lagay niya sa oras na dalhin namin siya sa America." Bilin ng matanda. Tumango na lamang ako dito. Sandali ko pang tinitigan si Zetia at saka napapabuntong hiningang bumaba ng helicopter. "Mag-iingat ka, Azariah. Maraming salamat sa tulong mo." Pahabol pa nito bago tuluyang umangat ang helicopter at umalis.
Malungkot naman akong nakamasid lang dito hanggang sa tuluyan iyong mawala sa paningin ko.
Magpagaling ka, Zetia. Hihintayin kitang bumalik sa akin. Hihintayin kita, Zetia.
SEROXYMINE
YOU ARE READING
Fourteen-Day Paradise (Completed)
Short StoryDear Zetia, Love is like a river. You'll see the starting line but never the finish line. It is like a waterfall. It'll gather all the water and spread it like wildfire. Like an ocean that'll drown you once you fight back on it. Hi ZAM. This is me...