Day 5

10 1 0
                                        

PenOnDuty.. I want to dedicate this chapter for you. Hope for your effort to write and write stories that'll inspire others. Thank you for your support😊


DAY 5

HINDI KO AKALAING KAPITBAHAY ko na pala ngayon ang lintik na babaeng troublemaker na iyon! At hindi lang troublemaker, ha! Lapitin ng gulo at lampa pa!

Grrrr! Bakit ba naman kasi sa lahat lahat ng makakasalubong ko, eh, yung katulad niya pang babae? Bakit hindi na lang katulad ni mommy na mabait na nga, maganda pa.

Tsk.

Mabuti na nga lang talaga at babae siya, eh. Kung hindi baka matagal ng nagdilim ang paningin ko doon. Ilang beses na niya akong pinahiya sa harap ng maraming tao. Never pang ginawa iyon sa akin ng mommy ko tapos siya, papaulit ulitin lang niya in 3 fvcking consecutive days. Ang lupit niya, hindi ba?

Matapos nung paghaharap namin kahapon...hindi na nasundan iyon.

Well, as if naman na puntahan ko pa siya, ano? Like duh!

Ay lintik! Nababakla na ang gago! Tsk.

Nagkulong na naman siya maghapon sa kwarto niya. Tanghali na ngayon pero hindi pa rin siya nalabas doon. Ni pag-awang nga ng pintuan niya ay hindi ko nakita, eh.

Hindi naman sa binabantayan ko ang bawat kilos niya. Kaso kasi... sobrang putla niya kahapon nung makita ko siya. Mugto rin ang mga mata at namumula ang palibot niyon. Nanginginig din ang mga kamay niya at ang tamlay-tamlay niya tingnan.

Malayo roon sa babae na naka-engkwentro ko noong nakaraang tatlong araw.

"Kuya Akie, okay lang po ba si Ate Ganda? May sakit po ba siyang nakakahawa? Bakit hindi po soia nalabas ng kwarto niya? Takot po ba siya sa araw?" Sunod-sunod na tanong ni Ayes na kasalukuyang nagbabasa ngayon ng libro sa kama ko.

Wala ngayon si Azes. May part-time job siya at sa tuwing may pasok siya ay sa akin niya ibinibilin si Ayes. Na syempre hindi ko naman tinatanggihan. Why would I, hindi ba? Parang mga kapatid ko na rin naman ang mga iyan, eh.

Sinenyasan ko itong manahimik na lang. "Shhh... Baka marinig ka noon. Tapos yung ate ganda mo biglang mag-transform na monster. Magalit pa sayo iyon," biro ko dito.

15 na si Ayes kaya sigurado akong hindi na naniniwala iyan sa mga ganiyang biro. Binata na iy— "Totoo, kuya? Ay naku! Sorry po, ate ganda! Huwag na ikaw magagalit, ah? Joke lang iyon. Hehehe.." biglang bulalas nito. Tumayo pa ito sa kama at humarap sa pader na nakaharap sa kwarto ng kapitbahay ko saka paulit-ulit na yumukod. "Sorry talaga, ate. Huwag ka pong magagalit, ah! Sorry!" Dagdag pa nito.

WHAT THE HECK?!

"Sa tanda mong iyan, naniniwala ka pa rin sa mga ganoong klase ng biro? Are you for fucking real, Ayes?" Hindi makapaniwalang tanong ko pa rito na ikinasimangot lang nito.

Kakamot-kamot itong muling naupo sa kama at saka nakayuko akong sinagot. "Eh, sa takot ako sa monsters, eh. Tulad niyang mukha mo. Mukha kang monster kaya tak—wahhhhhhh! Joke lang, kuya! Biro lang! Wahhhhhh!" Sigaw nito habang tumatakbo paikot sa buong kwarto ko.

Hinabol ko matapos akong sabihan na mukhang monster! "Monster pala, ha?! Hala, sige! Takbo! Hinahabol ka ngayon nitong monster mo! Grrrr!" Sigaw ko rito pabalik at mas lalo pang binilisan ang pagtakbo para lang maabutan siya.

Mahilig mag-parkour ang batang iyan. Track and field player rin sa school nila kaya ganiyan na lang kabilis tumakbo. Nagagawa pa niyang pagsabayin ang dalawang iyon kaya mas lalo siyang hinahangaan ng lahat.

Famous iyan. Huwag kayo.

Pero mas mabilis ako.

Agad na nahuli ko ang braso niya kaya naman pabato ko siyang hinila pabagsak sa kama. At mula sa kinatatayuan ay mabilis akong gumapang paibabaw sa kaniya hanggang sa magtama ang aming mga mata. Ilang segundo pa kaming nagkatitigan ng bigla na lang niya akong sunggaban ng halik. And then... that thing happened.

Ohh sandali... akala ninyo yun talaga ang nangyari?

Pwes nagkakamali kayo. Mabilis ko siyang dinamba pahiga sa kama at saka ipinulupot sa leeg nito ang braso ko. Sunod-sunod ko siyang binatukan ng hindi kalakasan.

"Ngayon, sinong mukhang monster, ha? Sino?" May pagbabanta kong tanong dito habang nakaamba ang kamay ko para kung sakaling mali na naman ang isasagot niya ay mabilis akong maka-opensa.

Yes! Offense! Offense! Offense! No to defense! Yes to offense!

"A-ako! Ako na! Bitawan mo na ako, kuya! Nasasakal ako huhuhu.." reklamo nito.

Tatango-tango ko siyang binitawan at saka muling bumalik sa kinauupuan ko kanina. Nagkatinginan pa kaming dalawa at sabay na lang na natawa sa kalokohan naming dalawa.




RINIG KO MULA DITO SA KINAUUPUAN ko ang malakas na sigawan ng dalawang tao mula sa kabilang kwarto. Kanina pa ako mahinang tumatawa habang pinapakinggan ang pagkukulitan nila.

Bigla ko tuloy na miss ang bunso kong kapatid. Sa mommy ko siya ngayon nakatira. Lola ko si mamita at iba pa ang biological mother ko.

Naghiwalay noon sila dad at mom dahil sa hindi ko malamang issue at dinala ni mommy ang bunso kong kapatid. Mas kailangan kasi ni Zeijih si mommy noon kasi 1 year old pa lang siya noon samantalang 9 na naman ako.

Nagkikita naman kami ng madalas at nagkaka-bonding. Pero hindi kami kasing lapit na katulad nung dalawa sa kabilang kwarto.

Lumaki si Zeijih kay mommy at hindi kay daddy. Magkaiba ng paraan ng pagpapalaki sila dad at mom kaya nagkakaroon kami ng ilang hindi pagkakaintindihan kasi magkaiba kami ng opinyon.

Haist... I already missed my family.

Hindi ko napigilan ang pagkawala ng mga luha sa aking mga mata. Sunod-sunod na naman iyong pumapatak at hindi ko na napigilan pang mahinang mapahikbi. Sobrang hirap umiyak sa tahimik na paraan. Masakit. Nakakamatay sa sakit.

Muli na namang nanikip ang dibdib ko. Unti-unti ay nahihirapan na naman akong huminga. Paulit-ulit akong huminga ng malalim para lang ibalik sa normal ang paghinga ko ngunit lalo lang niyong pinalala ang nararamdaman ko.

Dahan-dahan ay parang pinipiga at pinupunit ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Pinilit kong tumayo at kahit na nanlalabo na ang mga mata ko sa pinaghalong luha at sakit na nararamdaman ay pinilit ko pa ring humakbang. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako ay kusa ng bumigay ang tuhod ko.

Bumagsak ang katawan ko sa sahig kasabay ng malakas na lagabog ng bumagsak rin sa gilid ko ang flower vase.

Nasagi ko yata nung pinilit kong kumapit ngunit napaluhod pa rin.

Doon ako namilipit sa sakit. Hirap na hirap na akong huminga at pakiramdam ko ay iyon na ang katapusan ng aking buhay.

Unti-unti ay kusang bumibigay ang mga mata ko. Ngunit bago pa ako lamunin ng dilim ay isang pamilyar na mukha na naman ang bumungad sa akin.

Ikaw na naman?

SEROXYMINE

Fourteen-Day Paradise (Completed)Stories to obsess over. Discover now