Day 8

12 1 0
                                        

notoriouskiller

This chapter's for you! Thank you sa support and keep on writing😊 good luck!!

DAY 8

MAAGA PA LANG AY GUMISING na ako at naghanda ng mga gamit na dadalhin sa one vacation na ito.

Nagkasundo kami nung babae na kailangan ko siyang samahan sa lahat ng pupuntahan niya kapalit ng 20k amount for the whole week of service. Kaya ito at pang-isang linggong gamit na ang dala ko.

Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi ko pa rin mapaniwalaan na may ganoon siya kalaking pera. Tapos sa Masbate pa niya nais magbakasyon.

Saan ba nanggaling ang perang ipapanggastos niya para lang sa bakasyon na ito?

Bakit parang sa bakasyon niya na ito inuubos ang lahat ng pera niya?

Madaming araw pa naman ang dadaan at sa mga araw na iyon pwede siyang magbakasyon pero bakit parang huli na ngayon?

Tsk.

"Hindi ba talaga ako pwedeng sumama, Kuya Akie? Bakasyon naman iyon, eh." Nakasimangot na tanong ni Ayes habang pinapanood akong mag impake ng gamit.

Kahapon pa niya iyan tinatanong sa akin. Mula ng malaman niyang magbabakasyon ako kasama nung babae ay hindi na niya ako tinantanan ng kakatanong kung pwede ba siyang sumama.

Napapabuntong hininga akong umiling dito. "Hindi naman yung bakasyon ang ipupunta ko roon, eh. Trabaho iyon, Ayes. Trabaho." May pagpapaunawa kong sagot dito. Mas lalo lang itong sumimangot sa akin. "At saka may pasok ka. Hindi ka pwedeng um-absent ng ganong katagal."

Naiiling na ginulo ko ang buhok nito at saka siya inakbayan palabas ng kwarto ko. Dumaretso kami sa kwarto nung babae at ilang beses na kumatok. Sandali pa kaming naghintay bago tuluyang lumabas yung babae bitbit ang isang maleta at isang maliit na shoulder bag.

"Let's go?" Nakangiti nitong bungad sa akin.

Tanging tango lang ang isinagot ko dito at saka kinuha dito ang bitbit niyang maleta. Nginitian lang niya ako at saka naunang naglakad kasabay si Ayes na kinukulit siya kung maaari ba siyang sumama.

Sa Masbate ang target destination namin. Sa LV Hotel and Resorts kami tutuloy sa Masbate City at sa loob ng pitong araw ay lilibutin namin ang buong probinsya.

Yun nga lang, sa halip na eroplano ang sasakyan namin ay mas pinili niyang mag-bus mula Turbina Bus Terminal dito sa Calamba, Laguna hanggang Bicol Region daretsong Masbate.

16 hours bus trip iyon, mga tol. 16 hours akong nakaupo lang sa bus! Ang sakit noon sa pwet.

Ngayong umaga ang byahe namin. Mula 5 ng umaga hanggang 9 ng gabi. Mabuti na lang talaga at wala akong planong kausapin siya kaya pwede pa akong matulog sa byahe. Wala naman kasi talaga akong sasabihin sa kaniya.

Sa Masbate Bus Terminal kami bababa at mag-aarkela ng tricycle na siyang maghahatid sa amin sa LV Hotel. Tapos tulugan na!

Naiiling na sumunod na lang ako sa kanila. Nang makababa kami ay nandoon na ang tricycle na magdadala sa amin sa Turbina Bus Terminal maging sila tita at Dream.

"Mag-iingat kayong dalawa doon. Huwag pababayaan ang mga sarili." Bilin ni tita at saka bumaling sa babae. May ibinilin ito doon na hindi ko naman masyadong naintindihan kaya ipinagsawalang bahala ko na lang.

Isinakay ko na sa tricycle ang mga gamit. Sa loob ng maleta niya habang sukbit ko lang ang bag ko. Naiiling na sumakay ako sa likod sa tabi ng driver at doon na lang siya hinintay.

Fourteen-Day Paradise (Completed)Stories to obsess over. Discover now