Day 9

13 1 0
                                        

Hiii plethorxa!! Welcome to my story😊 Enjoy reading. This chapter's for you.

DAY 9

NAGISING AKO MULA SA ILANG malalakas na katok mula sa pinto ng kwartong tinutuluyan ko ngayon.

"Wake up, Zariah. C'mon. Time's running." Sigaw nung babae mula sa labas kasabay ng malalakas na katok niya sa aking pinto. "We'll be late for our first itinerary kung hindi ka pa babangon riyan. Wake up!"

"Yes! Yes! I'm awake already!" Naiinis na sagot ko. Padabog akong bumangon mula sa aking pagkakahiga at saka dumaretso sa bag ko kung nasaan ang mga gamit ko.

"That's good! Move fast, okay? I'll prepare our breakfast." Dagdag pa nito.

Ng marinig ang papalayo nitong yabag ay agad akong pumasok sa banyo at sandaling naligo. Nagbihis na rin ako ng panlakad at saka lumabas ng kwarto.

Medyo madilim pa sa labas ng napadaan ako sa veranda. Patay pa rin ang ilaw sa salas kaya naman nagtataka akong nag-angat ng tingin sa wall clock sa itaas na parte lang ng tv.

4:27 am

Kaya pala medyo inaantok pa ako. Kasi alas kwatro pa lang ng madaling araw. Ayos.

Nilibot ko pa sandali ang buong kwarto bago tumuloy sa kusina. Ngayon ko lang kasi nakita ang kabuuan nitong kwarto na pina-reserve niya.

Kagabi kasi ay madilim na at talaga namang napagod ako sa byahe kaya hindi ko rin nagawang siyasatin ang buong lugar. Ngayon ko lang nagawa dahil ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon.

Kakamot-kamot akong dumaretso ng kusina kung saan ko naabutang nagluluto yung babae ng pang-agahan namin.

Well, marunong naman akong magluto. Sa walong taon ko ba namang tumira mag-isa sa apartment ko na iyon. Napaka-imposibleng hindi ako marunong ng mga gawaing bahay.

Paktay kapag ganoon.

Naupo ako sa stool na nasa harap ng island counter sa pagitan ng kusina at dining area at doon siya pinanood na kumilos sa kusina. Napakapino ng mga galaw niya. Walang halong arte pero para siyang sumasayaw sa saliw na rin ng musikang kaniyang pinapakinggan.

Tahimik ko lang siyang pinanood hanggang sa mapansin niyang nandito na ako. Nakangiting inalis niya ang earphones na nakakabit sa tainga niya at saka ako sinenyasang lumapit sa kaniya.

Kunot-noo akong umiling dito. Ngunit paulit-ulit niya akong sinenyasan.

Napapabuntong hininga akong tumayo at saka pumasok sa kusina. Mapapapalakpak sa sana ito sa tuwa ng lumihis ako ng daan at dumaretso sa coffee maker na nandoon.

Pinainit ko pa sandali ang kape bago ko iyon isinalin sa mug na nakahanda na. Hinaluan ko iyon ng kaunting creamer at asukal bago muling bumalik sa kinauupuan ko kanina.

Nakangiti akong bumaling sa babae at saka nang-aasar na inangat ang mug ko na may kape. "Cheers."

Nakasimangot nitong inihanda ang pagkain sa harap ko at saka kumuha ng isa pang stool. Inilagay niya iyon sa kabilang parte ng island counter sa tapat ko at saka naupo doon.

"Sa Catandayagan Falls tayo unang pupunta. It'll take us an hour bago makarating doon mula sa port malapit dito. Mahaba ang byahe. Pwede kang magdala ng damit kung gusto mong magpalit bago umuwi." Panimula nito at saka nagsimulang kumain.

Tinanguan ko lang ito at saka nagsimula na ring kumain.

Wala akong planong magsalita sa buong bakasyon na ito. Hindi ko gustong ubusin ang laway ko sa babaeng ito.

Fourteen-Day Paradise (Completed)Stories to obsess over. Discover now