Chapter 2❤️❤️

1.9K 35 0
                                    

Justin Pov

At the Mall[national bookstore]

"Saan na tayo pupunta sunod dito?"tanong ni Moby habang nagbabayad sa counter, samantalang si Altheo ay malapit sa front door busy magtext o magchat nang makatapos na magbayad ng mga binili niyang gamit.
"Kain tayo sa Flowerin Cake Shop"
"Sige gutom na rin ako"ani ni Moby. Si Moby ang kabatch rin namin ni Altheo. Kaya kapag dumadating kami sa classroom ay tinatawag kaming 3 musketeers dahil lagi kaming magkakasama sa pagdating sa school at paguwian at sabay rin naming sumali sa varsity sa basketball pero pagdating sa inuman ay hindi na.
"Daming kachat ahh, mga chix??"
"Si Teff ba yan?!"punan ni Moby nang lumapit Kay Altheo nang ako naman ang sumunod na magbabayad sa counter.
"Bagong chix naman ahh!!"bungad ko.
"Magbestfriend talaga tayo, Noy!!😂😂"
"249 po sir"singit ng cashier.
"Kailan mo naman yan nakilala, Noy??"tanong ni Moby nang umabot ako ng bayad sa cashier.
"Kahapon lang Noy"sagot ni Altheo.
"Tara na"
"Teka bago tayo umalis magpicture muna tayo para may ipakita ako kay Mom na kasama ko kayo at para maniwala yun"suhestiyon ni Moby.
"Sige dito tayo sa labas ng National Bookstore at isend mo kay Tita o ipost mo na lang sa fb"
"At ilagay natin sa harap natin ung mga binili natin, at isend mo lang sa messenger kasi kay Tita lang naman"saad ni Altheo.

[criick]tunog ng cam ng phone

"Ok, send and let's go"ani ni Moby nang umaya na.

After 30 minutes of driving..

Flowerin Cake Shop💐🎂

"Andito pala sina boss Rex"habang papasok kami sa loob ng shop

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Andito pala sina boss Rex"habang papasok kami sa loob ng shop.
"Saan kayo galing, mga Noy?"tanong ni Rex ang nakatatandang kaibigan namin.
"Bumili ng mga gamit para sa pasukan, boss"sagot ni Moby. Boss tawagan namin na magkakaibigan sa aming group chat dito sa aming village. At ang Noy naman ay pagpersonal.
"Oo nga pala June na"puna ni Boss Rex.
"Bakit pala kayo nandito?"tanong ni Edison na kapatid ni Boss Rex. Nakatatanda din siya saakin ng 4 years.
"Kakain at nagutom na kasi ako"sagot ni Moby.
"Bakit hindi ka nagalmusal sainyo?" Tanong ni Chris na pinsan nina Boss Rex. Nakakatanda din siya saakin ng 2 years. Ang kaedad ko lang naman kasi ay itong dalawa na kasama ko na sina Moby at Altheo.
"Daming chix, Theo at busy magchat?!"puna ni Boss Addy na kapatid din ni Boss Rex. Si Addy ay sunod kay Boss Rex at si Edison naman ay sunod kay Boss Emerold. At ngumiti lang si Theo.
"Gutom at walang nagoorder alin sainyo, 😂😂😂"saad ni Chris.
"Ako na magoorder at ako ang nagaya dito, pero kayo mga Boss kumain na kayo??"
"Parang manlilibre si Justin ahh"untag ni Chris.
"Salamat pero tapos na kami"ani ni Boss Edison.
"Oh kayong dalawa ano order niyo?"
"Creamy cheese cake at americano,sayo Theo?"sagot ni Moby.
"Strawberry cheese cake at coffee cream frappe"sagot din ni Theo na busy pa rin magchat?o naglalaro na?.

At the counter..

"Good morning Sir, ano po order niyo?"tanong ng cashier.
"1 creamy cheese cake, 1 strawberry cheese cake, 1 chocolate mousse cake, 1 americano, 1 coffee cream frappe and dark macchiato"
"Copy sir, is that all po sir? Meron po kami ngayong free taste po sir at bagong menu na rin po namin baka magustohan niyo po sir"engganyo ng cashier.
"Anong flavor at cake din ba yun?"
"Dalgona coffee truffles po sir, masarap po siya"sagot ng cashier.
"Sige bigyan mo ko ng 3 nun"malasahan nga kung masarap ba yun.
"Ok po sir, at siguradong magugustuhan niyo po yun"at kinuha at ibinigay ang sinasabi niyang truffles na free taste daw.
"Ito na po sir ang iyong 3 dalgona coffee truffles, enjoy!!"tinig ng cashier.
"Theo, pwede patulong dito!?"
"Sige at papunta na"ani ni Altheo.
"Oh truffles!!anong flavor?magkano yan?"puna at tanong ni Moby nang makita ang nadagdag na order.
"Dalgona coffee truffles, bagong menu at free taste daw yan ngayon"sagot ko. Matikim ko nga kung masarap talaga itong dalgona coffee truffles. Hmm..masarap nga!!!
"Masarap!!at ito na rin sa susunod ang ioorder ko, ikaw Theo?"pahayag ni Moby.
"Masarap at bagay siya sa creamy latte"sagot ni Altheo.

Mr. Playboy meets Ms. MatarayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon