Chapter 45❤️❤️

333 9 0
                                    

Shanica Pov

Bago kami ni Jennica at ng kanyang boyfriend pumunta sa court ay nag-iwan muna ako ng good luck kiss kay Justin sa labi ng ilan segundo sana nang siya naman humalik sakin na tila nabitin siya sa halik na iyon na tinugon ko rin hanggang huminto kami.

Ngayon ay nandito na kami sa likod ng kanilang bench at naghihintay sa kanila na lumabas at magsimula na.
"Tingin ko adik sa labi mo si Justin dahil halata kasi kanina bago tayo pumunta dito"punang batid ni Jennica.
"Ganoon ba, Oo, minsan nga kulang na lang kainin niya labi ko"
"Hahaha, baliw talaga iyon si Justin"tinig na biro ng boyfriend ni Jennica.
"Whoo!!!!SMU Eagles!!!"sigaw ng ilan mga estudyante sa aming harap. Dahil naglabasan na ang mga cheerleaders galing sa aming paaralan.
"Meron na tayong kasabay na sumigaw mamaya, haha"sambit ni Jennica.
"Oo nga eh, ikaw pala saan ka nag-aaral?"
"Sa SMU din"ani na sagot ni Jennica.
"Anong course tigtake mo?"
"Accounting, minsan nga kita makita"saad ni Jennica.
"Ano ang schedule mo?"
"Lunes, miyerkules at biyernes"ani na sagot ni Jennica.
"Whoo!!!go LEU!!!"sigaw naman sa kabilang team na mga estudyante at iba pang manonood.
"Tila mabigat ang laban dahil mga magagaling iyan na mga players"pahayag ng boyfriend ni Jennica.
"Nagoopinyon ka pero hindi ka naman nagpapakilala kay Nicx, siya pala si Paulo"untag ni Jennica na pinakilala ang kanyang boyfriend sakin.
"Hi"bating saad ni Paulo.
"Hello"
"Magandang umaga sa lahat na naririto ngayon blah, blah, blah...."bati ng lalaking tagapagbalita.
"Pare, simulan na kaya natin ipakilala ang mga manlalaro ngayon"batid ng isang tagapagbalita.
"Oo at simulan muna mula sa SMU"untag ng unang tagapagbalita.
"Sige blah, blah, blah..."nang ipinakilala na ang mga manlalaro ng magkabilang team at lahat ng mga manlalaro ay nakipagkamayan sa isa't isa bago sila pumunta sa kani-kanilang pwesto. At bago pa man sila magsimula maglaro ay nagdasal muna sila at nagcheer team shout. Pakatapos ay pinili na ni Coach ang limang papasok para sa unang kwarter at ang unang lima na manlalaro sa unang kwarter ay sina Justin, Altheo, Drew, Dave at EJ. Maya't maya na ilan minuto ay tumunog na ang timer para magsimula na sa paglaro.

Pakalipas ng ilang oras ay nagtie ang score ng magkalaban at nang umabot kalagitnaan ng kwarter ay tumaas ng 15 ang score nina Justin at sila ang nakakataas ngayon na score kumpara sa kanilang kalaban. Ngayon ay nagpahinga muna sila. Ngunit napansin ko na nakatingin si Justin sa mga cheerleaders at dahil sa mga maikli ang mga suot nito at kita ang mga makikinis na binti at paa.
"Tila sa iba nakatingin si Justin, bhi"batid ni Jennica.
"Nakita ko nga bhi, hayaan mo at maya't maya meron yan na araw sakin"makakita lang ng legs ay ang mata iba.
"Subalit bhi, meron na ibang mata ang nakatingin o sulyap sayo, iba ka talaga"wikang saad ni Jennica at hinahanap ko kung sino na mata ang tinutukoy niya at iyon pala ay si Altheo. Hindi ko alam kung ano irereact ko, tila kasing awkward ang naramdaman ko ngunit ngumiti na lamang ako sa kanya subalit bigla siyang lingon sa kateam niya nang ngumiti ako sa kanya. Snobber naman ito hindi tulad kay Moby na bumabati at ngingitian ka.
"Tila snobber itong si Altheo bhi"
"Nahiya siguro sayo, hayaan mo na, subalit nagutom ka ba?ito oh"sambit at alok ni Jennica.
"Salamat, nagbaon pala kayong pagkain?haha"
"Oo kasi kapag nagutom habang nanonood dito, hehehe"wika ni Jennica.
"Nagheavy meal kasi ako kanina kaya busog pa ako pero salamat dito sa pagkain"
Maya't maya naramdaman ko na meron umupo sa aking tabi at iyon pala ay si Thurp na kaibigan ko.
"Kumusta Nicx, long time no see"saad ni Thurp.
"Ito cute pa rin at balita ko nagbalik ka, ikaw?"
"Oo at nakita nga kita isang araw palabas ng paaralan nakasakay sa motor, boyfriend mo ba kasama mo nun?"ani ni Thurp.
"Oo, bakit hindi mo kasama girlfriend mo?"
"Kakabreak lang namin last month"wika ni Thurp.
"Bakit?"
"Mahabang kwento"untag ni Thurp.
"Oh ok, mga kasama ko pala na sina Jennica at Paulo"nang ngumiti si Thurp bilang pagbati niya.
"Nica at Paulo, si Thurp kaibigan ko"
"Hi"balik bati ni Jennica kay Thurp.
"Pagpunta ko kay Jay, nagawa akong babysitter "bungad ni Thurp.
"Hahaha, nasabi nga sakin ni Jay"
"Magkatabi lang pala kayo ng unit"aniya ni Thurp.
"Oo, ngunit sino nagbabantay ngayon ng anak niya?"
"Nasa ex niya iyong anak niya"wika ni Thurp. Nang tumunog ulit ang timer simula ng ikatlong kwarter ng game.

Mr. Playboy meets Ms. MatarayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon