Chapter 46❤️❤️

314 8 0
                                    

Justin Pov

Nang umabot sa pagtapos ng ikalawang kwarter ay inaamin ko na lumingon ako sa mga cheerleaders at napatukso ako ng kunti na tumingin sa kanilang mga legs na makikinis ngunit para sa akin ay si Nicx pa rin ang pinakamakinis at lalandiin habang buhay. Maya't ay meron akong naririnig na tawanan at nilingon ko ito kung sino...

Walang iba kundi si Nicx na meron kausap at katabi na lalaki. Habang naririnig ko silang naguusap ay naiinis ako at gusto kong hilahin si Nicx na umupo dito sa bench ngunit hindi maaari. Isa pa ata itong si Altheo dahil narinig ko sila ni Moby na naguusap kanina na napatingin raw si Theo kay Nicx ng ilan oras. Ngayong hindi ko katabi si Nicx ay madaming nangyayari. Pero mabuti nga na lumipat na ako sa apartment ni Nicx nun isang araw para minsan mabantayan ko siya kahit papaano. At mabuti na tumunog na ang timer para matapos na ito nang makasama ko ulit si Nicx. At kakausapin din si Theo. Akin lang si Nicx!!.

Ngunit ngayon naman ang naglalaro na lima ay sina Moby, Carlo, Drake, Kevin at Tom. Habang naglalaro sila at nasa bench naman kami ni Theo parehas ay kinausap ko na siya tungkol kanina.
"Narinig ko kayo ni Moby kanina na naguusap tungkol kay Nicx"
"Napatingin lang naman ako sa kanya dahil simple siya, friendly at mabait, at"saad ni Theo na meron pang nais sabihin at pinutol niya.
"At?kilala kita, Theo, ano iyon na at??"
"Sana meron akong makilala na ganyan"wika ni Theo.
"Haha, diba meron kang kaibigan sa mga cheerleaders, malay mo isa na doon ang para sayo"akala ko pa naman meron na siyang gusto kay Nicx ngunit hindi ako magpapakampante agad. Subalit nang tumingin ako kina Nicx sa kanilang kinauupuan ay wala siya gayundin si Jennica. Ngunit ayos lang iyon dahil si Jennica naman kasama niya at hindi iyong katabi niyang lalaki.

Altheo Pov

Ako nga pala si Altheo Blinks best friend ni Justin. Inaamin ko na tumingin ako kay Nicx at hindi ko alam or nacurious o nagandahan ako sa kanya. Siguro oo na nagandahan at sa personality niya kung kaya't nafall in love si Justin sa kanya. (Ang gulo mo!!!) Ako na magulo author. Nawa'y sana ganyan din matagpuan ko. At matagal tagal din ako naging single pakatapos ng break up namin ng ex ko na minahal at kung ikumpara ko siya kay Nicx, malapit sila ng kunti sa personality at hindi siguro malabo na magustuhan ko siya ngunit girlfriend siya ni Justin. Hindi niya naman siguro malalaman na nagustuhan ko ang kanyang girlfriend kung hindi ko sasabihin at huwag lang ako magpahalata. Madami nga akong nakilala na mga babae pero walang feelings kundi kaibigan lang at lapitan lang talaga ako ng mga babae. At isa pa sa nagustuhan ko kay Nicx ay kanyang labi na tila malambot kapag hinalikan ito. Iadd ko kaya siya sa fb. Ngunit mamaya na pakatapos ng game.

Ngayon naman nang tiningnan ko ang score ay nakakataas kami ng ilang puntos mula sa kalaban at binigyan ako ng sinyales ni Coach na ako ang papalit kay Drake na maglalaro.
"Tila mananalo ang SMU partner"puna ng isang tagapagbalita.
"Oo nga partner, mas mahuhusay na ngayon ang mga players ng SMU at ito ngayon papasok si Altheo na papalit kay Drake"wika ng isa naman tagapagbalita.
"Pinaghandaan talaga nila ito at dahil din sa makukuhang scholar mula sa NBA"saad ng isa pang tagapagbalita.
"Sino ba naman hindi magkakagusto na makakuha ng ganoong premyo ngayong World Cup Basketball Championship diba!?"untag ng unang tagapagbalita.
"Pero partner tingin ko hindi nila alam ito dahil sa unang pahayag na pagkakaroon nito ay wala pang nasabing premyo"bungad ng pangalawang tagapagbalita.
"Ganoon ba mga partner, so ngayon lang nila nalaman at ikaw mismo partner DJ ang nagsabi kung kaya't tingnan mo ang mga nasa bench na mga manlalaro ay nabigla ng sinabi mo iyon"mariing sabi ng ikatlong tagapagbalita.
"Mas mabuti na pala na nalaman nila ngayon"aniya ng unang tagapagbalita.
Ngayong araw lamang ito na laro. Ngunit hindi pa namin alam kung alin pang mga university ang aming mga makakalaban.

Habang naglalaro ako ay sulyap kong hawak ni Justin ang kanyang cellphone at siguro nagmessage siya kay Nicx. Bago pa man makapagshoot si Carlo para sa kanyang foul ay minasdan ko si Nicx at hindi siya nagreply sa mensahe ni Justin. Nakita niya siguro si Justin kanina na nakatingin sa mga cheerleaders kung kaya't siya ay nagselos at tiningnan lamang niya ang mensahe sa kanya ni Justin. At nagfocus muli ako sa laro pakatapos maishoot ni Carlo ang bola sa ring.

Mr. Playboy meets Ms. MatarayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon