Chapter 47❤️❤️

328 9 1
                                    

Justin Pov

Matapos ang game ay nanalo kami at nakuha namin ang scholarship galing sa NBA foundation. Subalit nagkaroon kami ng tampuhan ni Nicx at alam kong dahil sa nagawa ko kaya't humingi ako ng tawad at sinuyo ko siya at pinatawad niya ako. Ngunit hindi lamang iyon ang unang away at tampuhan namin dahil nasundan pa ito ng mga nagdaan na buwan na nauwi din sa batian. Hindi talaga mawawala ang away at bati sa isang relasyon at kung marunong kayo umunawa at magtiwala sa isa't isa. Tulad minsan ng pagkakaroon ng selosan na hindi maiwasan.

Meron naman na araw na masayang masaya kami tulad ng wedding anniversary nina Lola at Lolo na inihanda iyon sa resort at kasabay nun ay nagpropose ako kay Nicx kinagabihan na ikinagulat niya at hinanda ko talaga iyon at alam iyon nina Lola kung kaya't wala nang makakaagaw mula sakin kay Nicx dahil engage na kami. At hindi lang kami ang masaya sa araw na iyon kundi sina Mama, Papa, Aily at pamilya ni Nicx. Hinding hindi ko iyon malilimutan. Ngayon naman ay bibigyan ko naman ulit siya ng surpresa sa aming nalalapit na ikasiyam na monthsary namin. Syempre sa tulong ng aking team. Hindi lang sa monthsary namin kundi sa pagpapasalamat ko kay Nicx dahil nagkaroon kami ng trabaho ni Moby kahit part-time muna iyon. Habang nasa trabaho si Nicx ngayon ay naghahanda na kami dito sa aming mini cottage ni Nicx sa likod nitong Park ng Villa. Tila wala si Theo dito, nasaan kaya iyon?
"Noy, nasaan pala si Theo?"
"Hinatid si Tito sa airport pero didiretso din iyon dito pakahatid, bakit?"sagot ni Moby na siyang itinuka mag-ayos sa mga bulaklak.
"Napansin ko lang, akala ko kasi nandito siya"
"Ok at ayos na ba sayo itong pakakaayos namin sa mga bulaklak?"batid ni Moby.
"Galing mo talaga mag-ayos, Noy, ikaw na lang kukunin ko na magorganize sa venue sa kasal namin, haha"
"Basta swelduhin ninyo ako, haha"wika ni Moby.
"Hahaha"sabay naming tawa ni Moby.
"Iisa lang pala pinapasukan natin na trabaho at nahiya naman ako kay Nicx kaya't kung kukunin niyo ako bilang designer ay libre na lang"panayam ni Moby.
"Tatanungin ko muna si Nicx tungkol diyan"
"Nagtext si Theo, papunta na daw siya dito"ani ni Moby.
"Anong oras na pala?"
"4:30 bakit?"aniya ni Moby.
"Susunduin ko si Nicx"
"Ah oo nga at aalis na din kami pakatapos dito dahil baka maabutan niyo at makita ito ni Nicx"mariing sabi ni Moby.
"Sige at sa susunod naman iyong iba dahil baka mahalata tayo ni Nicx, mabilis pa naman iyon makapansin"at kailangan ko nang umalis dahil baka mamaya meron umaaligid kay Nicx kahit engage na kami. Si Theo nga wala pa pero papunta na raw dito. Kaya kahit habang tinatahak ko ang daan papunta kay Nicx ay hindi ako napapanatag hanggang hindi ko kasama si Nicx.

Altheo Pov

Habang nasa jeep na ako ay nadaanan ko ang pinagtatrabahuhan ni Nicx at nakita ko si Nicx na palabas na ng building at pumahinto't nagbaba na ako ng jeep. Pakababa ko ng jeep ay lumakad na ako papunta sa direksyon ni Nicx at nakita niya naman agad ako at bumati sakin.
"Hi"bati ni Nicx.
"Hi din, hinihintay mo si Justin?"nang nakalapit na ako sa kanya.
"Oo, ikaw saan ka galing?"punang tanong niya.
"Hinatid ko si Papa sa airport dahil babalik ulit siya sa trabaho"
"Ganoon ba, saan nagtatrabaho si Papa mo?"sambit niya. Tingin ko hindi ko lang siya gusto ngunit crush ko na din siya dahil alam kong hindi rin siya mapapasa akin dahil engage na sila ni Justin at nalaman namin iyon ng magpost si Justin sa Facebook. Kaya't hanggang tingin, crush at gusto na lamang ako kay Nicx.
"Sa Italy"
"Nasa contract pa ba siya?"untag na tanong niya.
"Regular na siya".
Mabuti't nabigyan ako ngayong araw na makausap at makasama siya habang wala pa si Justin. Subalit tila nadinig ang aking wika ng hangin dahil dumadating at papalapit na sa amin si Justin.
"Andito ka Noy, sabi ni Moby papunta ka na doon pero nandito ka, ano ginagawa mo dito?kakalabas mo lang, Love!?"pahayag ni Justin.
"Papunta na sana nga ako kaso meron akong naalala na dadaanan at nakita ko si Nicx na kakalabas pa lamang kanina kung kaya't sinamahan ko muna siya"nawa'y hindi mahalata ni Justin na nagsinungaling ako ng kunti sa sinabi ko na dadaanan.
"Ilan minuto lang, Altheo, salamat at mauna na kami"batid niya at sumakay na siya sa motor at isinuot ang helmet.
"Sige alis na kami, Noy, ingat na lang"at umalis na sila.

Mr. Playboy meets Ms. MatarayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon