Chapter 28 ❤️❤️

393 11 0
                                    

Shanica Pov

"Paano iyan iha, gabi na at uuwi na kami dahil walang tao doon, kita na lang tayo sa susunod"sambit ni Lola Wen.
"Hindi ko po iyon maipangako Lola sa susunod subalit susubukan ko na isingit po sa schedule ko at ingat po kayo" nakakatuwa naman si Lola Wen kahit kakikilala pa lang namin ay tila naging maganda ang pakaloob ko sa kanya. Namiss ko tuloy si Lola. Nakakamiss magkaroon ng Lola.
"Mamimiss kita iha or pwede kunin ko na lang ang iyong cellphone number para magtawagan na lang tayo sakaling matagal tagal tayong magkita"panayam ni Lola Wen.
"Sige ho Lola, ito po ang aking cellphone number 09*********"
"Salamat iha, sige alis na kami at magluluto pa kasi ako"aniya ni Lola Wen.
"Naku Lola, itake out niyo na lang po itong niluto natin kanina at initin niyo na lang pakauwi niyo at magluluto na lang kami ni Justin maya"at kinuha ko na ang ilang tirang pagkain sa kusina.
"Huwag na iha, dahil mamalengke kami ngayon ng Lolo Sedie mo"ani ni Lola Wen.
"Sige ho, subalit ano sasakyan niyo?mamasahe po kayo?mabuti pa ho samahan kayo ni Justin pauwi at papuntang palengke"
"Love, samahan mo sina Lola na umuwi at sa palengke at baka mapano sila sa daan"
"Sige Love, tara na po Lola and 'Lo"wika ni Justin.
"Paalam iha"batid ni Lola at Lolo. Pakaalis nila ay naghanda na rin ako ng lulutuin para mamayang gabi at hindi ko inakala na dalawang araw pala kami dito ni Justin at isang gabi magstay. At unexpected din na araw nang makilala ko sila.

Samantala, habang nagluluto ako ay nakabalik na rin dito si Justin at yumakap sa aking likod.
"Sarap naman ng amoy, anong linuluto mo?"nang nakadikit na ang kanyang ulo sa aking balikat.
"Chopsuey at ininit ko iyong kunting tirang pagkain kanina kasi sayang naman at bakit hindi ka nagsabi na bukas pa tayo uuwi?"
"Hehe, sino nagsabi saiyo?"tanong niya habang nakayakap pa siya sa akin.
"Si Lolo Sedie"
"Wala naman akong sinabi kay Lolo at tama ka dahil hindi kita nakasama na tayo lang kaya naisip ko iyon kanina pa lang, hehe, ang bango mo, Love, payakap ng mahigpit para mapasa akin din ang bango mo"
"Paano ako nito makapagluto ng maayos kung ganito ang posisyon natin?"
"Kunting oras lang, please!!!!!"mabuti at malapit na ako maatapos magluto. Habang nakayakap pa siya sa akin ng mahigpit ay hinawakan ko ang kanyang kamay bilang balik sa kanyang pagyakap.
"Tabi tayo sa pagtulog, Love"suhestiyon niya.
"Tulog lang ahh"
"Hehe, na may yakap na ganito, pwede!?"sambit niya na tila nakapouty ang labi niya upang pagbigyan ko ang hiling niya.
"Ok at pwede paabot ng mangko, Love"
"Yes!!opo Love, ito na po"nang iabot sa akin ang mangko. Pakaabot niya nito ay sinalin ko na rin ang pagkain dito at ilinagay na ito sa mesa habang ang kamay niyang isa ay nakayakap pa sa aking bewang.
"Kain na tayo at magayos ka na ng mesa maglagay ng mga plato't kutsara, tinidor at baso natin"utos ko sa kanya para umalis muna sa pagkakayakap sa akin.
"Opo Love"sagot niya at ginawa naman niya. Pakatapos ay umupo na kami parehas at kumain nang magkaharap.
"Teka nasaan na iyong rice?"hindi ko pala nasalin. My ghad!!!
"Hahaha, akala ko nga ikaw magsasalin nun, tila tayo foreigner ngayon na ulam lang kakainin"tinawanan niya talaga ako. Mabuti't hindi pa kami tapos kumain.
"Tatawa tawa ka ehh kasalanan mo rin kaya kasi hindi ka nagmamasid kung ano ang kulang sa mesa"at ilinagay ko na sa mesa ang kanin.
"Kasalanan ko ba talaga o nadala ka sa yakap ko kanina, haha"biro niya.
"Haha, bakit ako madadala doon?baka ikaw, hahaha"
"So ako talaga, diba nga inutusan mo ko maglagay at magayos nitong mesa at ikaw nagsasalin ng pagkain kanina at akala ko nagsalin ka na rin ng kanin, hehe"bungad na saad niya.
"Kumain na tayo at aamin na ako ok, kasalanan ko na"
"Hahahah-"nang sinubuan ko siya ng madaming pagkain. Hahaha at kinuha ko ang aking phone upang kuhanan siya ng picture and done!! Pakatapos ay pinakita ko sa kanya na hawak ko ang phone na malapit lang sa akin.
"Ganito pala trip mo"wika niya nang matapos malunok ang sinubo kong pagkain sa kanya.
"Tinawanan mo ko ehh so patas lang tayo, hahaha"at tinago ko na phone ko dahil tingin ko maya't nito tila kukunin niya.
"Idelete mo yun"untag niya.
"Hahaha, ayaw ko nga at ang cute mo doon, hahahaha"nang natapos na akong kumain at tatayo na sana nang nahuli niya ang kamay kong isa.

Mr. Playboy meets Ms. MatarayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon