Chapter 48❤️❤️

358 11 1
                                    

Justin Pov

Tama nga ang aking hinala na meron aaligid kay Nicx ngunit hindi ibang lalaki kundi si Altheo at nahuli kong nag-uusap ang dalawa. Hindi ako maniniwala sa sinabi niya kanina na meron siyang dadaanan bukod kay Nicx na di umano na sinamahan niya. Dahil tila kutob ko na nagkakagusto siya kay Nicx. At ano kaya napag-usapan nila habang wala pa ako kanina?pakarating na lang namin sa apartment ako magtatanong kay Nicx tungkol doon. Nang tumapi ng dalawang beses sa aking balikat si Nicx at huminto kami sa tabi ng daan.
"Ano iyon, Love?meron kang dadaanan?"
"Daan muna tayo sa market dahil kunti na lang stock natin doon sa pagkain"saad ni Nicx.
"Sige"

At ******* Market

"Madami ba ibibili mo?"
"Kunti lang, hintayin mo na lang ako dito"wika niya.
"Sige or susunod ako mamaya sa loob"
"Ok"ani niya at pumasok na sa market.

Bago man ako sumunod na pumasok sa market ay tawagan ko muna si Moby kung nandoon na si Theo.

[riinng, riinng]

On mobile phone..

:hello, Noy, nandiyan pa ba kayo sa cottage?
:nasa bahay na ako, bakit?
:itatanong ko sana kung nakarating na si Theo, wala na pala kayo, pero dumating na ba siya kanina bago kayo umuwi?
:oo at sabay kami umuwi kanina, bakit?
:nakita ko kasi siya kanina doon kina Nicx sa labas ng building at magkausap iyong dalawa pakarating ko
:ganoon ba, kaya matagal siyang dumating doon sa cottage, narinig mo iyong pinagusapan nila?
:hindi na kasi natigil sila pakarating ko, sige tawag ulit ako, Noy, sayo mamaya, puntahan ko si Nicx sa loob ng market
:sige, Noy

End call..

Pakapasok ko sa loob ng market ay hinanap ko agad si Nicx kung nasaan na siya at natanaw ko rin siya sa mga lagayan ng prutas at linapitan ko na.
"Ito na ba lahat ang ibibili mo, Love?"
"Oo at sa susunod naman iyong iba"ani niya.
"Ako na magbubuhat nito"
"Salamat, Love"wika niya.
At pumunta na kami kay Manang sa counter para magbayad.
"Magkano po lahat, Manang?"tanong ni Nicx nang ilabas niya ang kanyang wallet na simple. Tatlo kasi ang wallet ni Nicx, itong ilinabas niya na wallet ay pangmarket niya talaga dahil nagiingat siya sa magnanakaw o snatcher, at iyong isa naman sa trabaho niya at iyong isa naman kapag namamasyal siya o meron okasyon, iyan ang sabi niya sakin nang minsan magdate kami sa ******* Resto and Garden.
"Sa halagang *** pesos po, Miss"sambit ni Manang kay Nicx.
"Ito po"nang iabot ang bayad ni Nicx kay Manang at kinuha ko na ang aming mga ibinili at umalis na patungo sa sasakyan.
"Wala ka na bang nakalimutan na ibibili?"
"Isama ko na lang iyon sa susunod"sambit niya. At sumakay na siya't umalis na kami papuntang apartment.

At ******* Villa
Apartment

"Sinong magluluto ng ulam natin ngayon?"saad na tanong niya.
"Anong araw ngayon?"
"Huwebes, ah oo ikaw pala, haha"wika niya.
"Meron ka bang nasali sa ibinili mo na coconut cream?"
"Wala, ano sana iluluto mo?"mariing tanong niya nang ilinalagay niya sa ref ang aming mga binili na gulay at prutas.
"Pinangat ng bicol sana kaso walang coconut cream"
"Anong lulutuin mo?"ani na tanong niya.
"Corn soup na lang"
"Ok, tulungan muna kita bago ako magbihis"panayam niya nang magumpisa na siyang maghiwa ng kakailanganin sa corn soup. Pakatapos ay ilinagay na niya sa counter top na malapit sa stove saka siya pumunta sa kanyang kwarto at nagbihis pambahay. At ako naman ay lumuluto na nang corn soup na paborito namin parehas. Maya naman ay magsasaing ako at siya naman gagawa ng inumin at project niya sa trabaho nila.

Pakalipas ng ilang minuto ay nakaluto na ako ng ulam at kanin subalit gagawa pa lamang si Nicx ng inumin. Tagal niya naman magbihis!?
"Bakit ang tagal mo ngayon magbihis?"
"Hinahanap ko kasi kanina sa bag iyong isa kong wallet, nakatago pala dito sa isang bulsa ng bag ko dahil nandoon ang pambayad natin dito sa apartment"wikang pahayag niya.
"Siguro kamamadali mong umalis kanina kaya nakalimutan kung saan mo ilinagay, anong gagawin mong inumin natin ngayon?"
"Ice choco macchiato"ani niya.
"Ok at tila malakas at mabango ang pabango mo ngayon!?"
"Huh?!hindi naman, tama lang sa pangamoy ko"aniya niya at ang hot niya sa suot niya ngayon kahit simple lang na short na jeans at loose shirt. Tila mapresko ang kanyang suot.
"Pasensiya na kung natagalan ako sa kwarto"mariing sabi niya habang naguumpisa na siyang gumawa ng ice choco macchiato.
"Ok lang, Love"at yumakap na ako sa kanya mula sa kanyang likod dahil nahuhumaling ako sa kanyang amoy ngayon na classic na meron kunting tamis. At sumiksik ako sa kanyang leeg.

Mr. Playboy meets Ms. MatarayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon