Chapter 31❤️❤️

383 14 0
                                    

Justin Pov

Bago pa man ako pumunta sa kwarto ay nagtext muna ako kay kuya para sa ******* Park kung nakaready na ba iyon para sa susunod kong surpresa kay Nicx. Nawa'y magustuhan niya doon. Maya't ay nagreply agad si kuya na nakahanda na. Kaya't maliligo na ako't magbibihis.

At the bedroom..

Pakarating ko sa kwarto ay magmemake up na siya.
"Bilis mo naman makapagligo, Love"
"Matagal ka lang nasa baba, busy?"puna niya.
"Hindi, curious ka?"
"Nagtatanong lang, hintayin na lang kita sa baba or kita na lang tayo diyan sa malapit na cottage"untag niya.
"Nagkumusta si kuya at hintayin mo na lang ako sa baba"at pumunta na ako sa toilet.
"Ok"tinig niya bago lumabas ng kwarto.

Makalipas ng ilang minuto ay tapos na ako maligo't magbihis. Pero magustuhan kaya niya doon?Habang pababa ako ng hagdan ay narinig ko na tila meron siyang kausap at nagkakatawanan. Nang palapit na ako ay ganoon pa rin hanggang sa nakarating ako sa kanya na nasa sala. At lumapit na ako sa kanya't umupo din at bumati na din sa kanyang kausap na mga kaklase niya pala.
"Hi Justin, saiyo pala iyan na resort!?"bating saad ng kaklase niya sa kabilang linya.
"Oo, pumunta rin kayo kapag free time niyo at bigyan ko kayo ng discount"
"Ganoon ba, huwag na, kakahiya naman sayo at kaya naman namin pero salamat sa alok"ani ng kaklase ni Nicx.
"Sige maya na lang ulit guys at meron kaming pupuntahan"pagpaalam ni Nicx.
"Sige at ingat"batid ng kaklase ni Nicx.
"Let's go!?"pagaya na niya.
"Ladies first"
"Ok"ani niya.

Honestly, nasa kabilang isla iyon na pupuntahan namin na kaharap nitong resort.
"Malapit na ba tayo?"punang tanong niya. Akala siguro niya malapit lang dito o katabi nito.
"Hindi pa, Love, tatawid pa tayo ng dagat"
"Ganoon ba, anong sasakyan natin papunta doon?"sambit niya.
"Yate, Love"
"Meron pala kayong yate"wika niya.
"Oo at regalo iyon ng kaibigan nina Lola kay Lolo nung kaarawan niya last year kaya tayo ang una makakasakay doon at malapit na tayo sa dako"
"Wow!!!bait naman nun at swerte ng Lolo mo na nagkaroon ng ganoong kaibigan"panayam niya.
"Oo nga eh, andito na tayo"pakarating namin sa dako kung saan nakalatay o nakapark ang yate.
"Good morning Young Master and Miss" batid na bati ni Tuscan.
"Good morning din"balik bati ni Nicx.
"Nakahanda na ba?"pakatapak namin sa yate.
"Opo Young Master"sagot ni Tuscan na siya rin ang aming taga monitor sa yate.
"Nasaan na iyong magmamaneho nito?"
"Papunta na daw po dito, young master"sambit ni Tuscan.
"Alam na ba niya ang pupuntahan namin?"
"Opo, ito na po pala siya, ipinakilala ko po sayo young master, si Sean ang iyong makakasama ngayon at maghahatid sa inyo"pahayag ni Tuscan.
"Hi, Sean, ano ang iyong last name?"
"Sean Xander po, sir"saad ni Sean.
"Sean, siya ang may-ari nitong yate at iyong resort na pinasukan mo kanina bago ka makarating dito"ani ni Tuscan.
"Hello po Sir, nais ko po kayong makilala ng mabuti"aniya ni Sean ng iabot ang kanyang kanang kamay bilang pagkilala at respeto at inabot ko rin ang aking kanang kamay sa kanya  at nagshake hands.
"Sige po Young Master, maiwan ko na po kayo"tinig ni Tuscan.
"Sige Tuscan at salamat"
"Maghanda na po tayo, sir"wika ni Sean at kami ay pumasok nang dalawa.
"Sir, tayo lang ho ba ang pupun-ta?"batid na napahintong tanong si Sean na meron pa kaming kasama. Tila natulala ng kunti si Sean sa kanyang nakita. At iyon ay si Nicx.
"Ahh girlfriend ko, Sean, si Shanica, Love si Sean nga pala ang tila piloto natin ngayon"
"Hi, Sean"bati ni Nicx at naglahad din ng kamay si Nicx sa kanya.
"Hello din po, Ma'am, ang cute mo naman po"mariing sabi ni Sean nang naglahad din ng kamay at nagshake hands din ang dalawa.
"Ahem...Sean maghanda ka na at aalis na tayo"pagputol ko sa pagitan nila. Kailangan ba talaga diretso ang pagcompliment sa girlfriend ko. At tila slow motion!!dapat pala hindi ko pinakilala ang dalawa pero nagkakitaan na o dapat pala ako ang naunang pumasok sa loob. Nakakainis!!!
"Opo sir"sagot ni Sean at umalis na't pumunta na sa driving station. Maya't lumapit na ako kay Nicx at hinawakan ko ang kanyang kanang kamay kung saan nagshake hands ang dalawa at tumungo kami sa kwarto.

Mr. Playboy meets Ms. MatarayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon