Chapter 35❤️❤️

344 9 0
                                    

Shanica Pov

At the kitchen of Justin's house..

"Saan pumunta si Justin iha?"batid na tanong ni Mrs. Aaron nang pagpasok ko sa kanilang kusina.
"Sa kwarto niya po Tita"
"Ok, nailabas ko na ang mga kailangan na gamit at ingredients natin para sa paggawa ng rice cake, so tuturuan kita kung paano"pahayag ni Mrs. Aaron.
"Opo Tita"at sinimulan na akong turuin ni Mrs. Aaron sa paggawa ng rice cake. At madali lang pala itong gawin. Ilan minuto lang ay matatapos na kami sa paggawa ng rice cake. Habang tinturuan ako ni Mrs. Aaron sa paggawa ng rice cake ay nagkukwentuhan kami tungkol sa kanyang mga anak noong mga bata pa sila hanggang ngayon at ako rin naman mula pagkabata hanggang ngayon.
"Magkano naman binabayaran mo sa apartment kada buwan?"batid na tanong ni Mrs. Aaron habang naghihintay kaming maluto iyong rice cake.
"**** pesos po Tita"
"Mura naman tsaka maganda ba iyong apartment doon?"wika ni Mrs. Aaron.
"Opo at modern po siya, kaso wala po akong picture ng apartment ko dahil busy po ako minsan"
"Sabagay pero pwede naman kita bisitahin doon, anong oras ba or araw na available ka?"ani na tanong ni Mrs. Aaron.
"Pwede po sa araw ng Huwebes na umaga po or sabado, minsan po kasi hindi ako nakakauwi sa amin kapag sabado dahil project sa school at sa part-time ko"
"Sige mga sabado na lang na hapon"untag ni Mrs. Aaron.
"Sige po"
"Oh tingnan natin iyong ginawang rice cake natin at baka pwede na"aniya ni Mrs. Aaron nang tiningnan iyong ginawa namin.
"Pwede na siya, alisin na natin"wika ni Mrs. Aaron.
"Tikman natin, ay teka meron pala nakasilip sa tabi kaya siya muna ang ipatikim ng ginawa natin"untag ni Mrs. Aaron nang nakita si Justin malapit sa refrigerator.
"Ang bilis mo makita Mom, hahaha, pero sige ako mauna titikim"wika ni Justin nang lumapit na sa amin at kumuha na ng isa sa ginawa namin na rice cake.
"Ano?pwede na ba?hehehe"
"Ako susunod titikim iha, tagal kasi nito magcomment eh"ani ni Mrs. Aaron.
"Hahaha, Oo pwede na at mas masarap siya kesa iyong kanina, hehe"pahayag ni Justin.
"Oo nga iha, dinaig mo pa ako ahh, hahaha"mariing sabi ni Mrs. Aaron na may tuwa.
"Tikman mo, Love"untag ni Justin.
"Sige"nang kumuha din ako at tumikim ng aking ginawa.
"Masarap nga at creamy kesa nga doon sa nagawa mo Tita, hehe"
"Tila ngayon expert ka na paggawa niyan iha, magbisita ka ulit dito sa susunod para naman meron akong nakakasama minsan sa pagluluto at magshopping din tayo, para na kasi kitang anak iha, dahil wala akong anak na babae, pamangkin meron sa kapatid ko ngunit bihira lang sila dito magbakasyon"panayam sakin ni Mrs. Aaron.
"Wala pong problema Tita"
"Dito ka na mananghalian iha, kung iyong mararapatin"suhestiyon ni Mrs. Aaron sakin.
"Salamat po Tita sa alok at gusto ko po sana kaso meron po akong kailangan gawin ngayon sa Shop at nagpapasalamat po ako na nagkakilala po tayo Tita, see you later again po Tita"
"Sige iha at nagalak ako na nagkakilala tayo at sa time kanina na nagkabonding tayo"panayam ni Mrs. Aaron.
"Salamat rin po Tita sa pagturo mo sa akin sa paggawa ng rice cake, it's a great pleasure po sakin"
"Nakasupot na ba iyong rice cake mo iha?"saad na tanong ni Mrs. Aaron.
"Opo Tita nakasupot na, binigyan po ako ni Manang Rose nang supot, alis na po kami"
"Sige at ingat"wika ni Mrs. Aaron at palabas na kami ng kanilang bahay.
"Opo Tita"pahabol kong sigaw. At umalis na kami ni Justin papuntang Shop.

At the Flowerin Cake Shop..

"Good morning Ma'am Nicx"bati sakin ni Jack.
"Good morning din, andiyan ba si Mommy?"
"Opo Ma'am, hinihintay po kayo sa iyong office"batid ni Jack.
"Salamat, ikaw Love, saan ka na pupunta?"
"Uuwi na ako at meron kasi kaming assignment, tawagan na lang kita mamaya, ok!?i love you"wika ni Justin.
"Ok I love you more"then goodbye kiss on the lips bago siya umuwi.
"Ingat"then pumasok na ako sa Shop at diretso sa office ko.

At My Office..

"Hi Mom"
"Meron tayong problema dear"saad ni Mommy.
"What??"
"Yeah, yung isa nating driver ay naaksidente a while ago and dinala na namin siya sa malapit na hospital"panayam ni Mommy.
"Paano siya naaksidente Mom?ano talaga nangyare?"
"Pabalik na siya dito sa Shop sabi ng isa nating driver kasi nakita niya ito sa kabilang daan at parehas na daw silang papunta na dito nang meron isang kotse sa harapan niya ang magpapark sa nadaanan nitong furniture company at iyong nasa harapan niyang kotse ay mabilis daw magpark nang iyon nabangga siya nito"pahayag ni Mom sa nangyare.

Mr. Playboy meets Ms. MatarayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon