Shanica Pov
"Maraming salamat iha sa mainit na pagtanggap at pinatuloy mo kami dito sa iyong apartment, sa pagkain na masarap at presko at sa unit tour"mariing wika ni Mrs. Aaron.
"Lubos rin ako nagpasalamat na nakilala kita iha at tama nga sila na napakabuti mong tao, nawa'y ikaw na mapangasawa ng aming anak"panayam ni Mr. Aaron.
"Walang ano man po iyon Tita at Tito nagpasalamat din po ako na nagkakilala po tayo, magbisita ulit po kayo dito"
"Alis na kami iha at meron pa kaming pupuntahan, gusto sana namin na maya't maya pa kaso meron dumating na bagay na kailangan asikasuhin, maraming salamat ulit iha"mariing pagpasalamat ni Mrs. Aaron.
"Opo at ingat po kayo"nang hinahatid ko sila palabas ng apartment at umalis na at nang wala na sa tanawin ko mula dito sa apartment ang kanilang kotse ay naghugas at nagbihis na ako dahil susurpresahin ko si Justin sa gym at magpapadala ako ng kanilang snacks.Habang nasa taxi ako ay kinocontact ko na si Tin para sa snacks na ipapadala ko. At hintayin ko na lang sa parking lot ng paaralan.
Ilang minuto na dumaan ay nakarating na ako sa paaralan at pumunta na sa parking lot. Maya't maya ay dumating na si Tin at Francis dala ang mga snacks na pinadala ko.
"Salamat sainyo at sige balik na kayo sa Shop at ako na ang bahala dito"
"Samahan ka po namin ni Francis"saad ni Tin.
"Sige at salamat"At SMU GYM..
Habang nagpapractice pa sila ay pumasok na kami sa loob at tamang nakatalikod sila. Subalit nakita kami ni Coach at bumati samin kaya napatingin samin ang mga players at napahinto sa pagpractice.
"Good afternoon Miss Ricks, sa amin ba yan?"bating puna ni Coach.
"Good afternoon din po Coach at opo sainyo po ito"at lumapit na sa akin si Justin na ubod ng pawis.
"Hi Love, ngayon ikaw naman nagsurpresa sakin at dinalhan mo pa kami ng snacks at salamat"wika ni Justin.
"Ngayon full energy na si Captain dahil nandito ang kanyang Lab-lab, haha"biro ni Moby.
"Haha, hello Love, syempre kasi tila kulang na ang iyong mga lakas mula kanina pakatapos ng pananghalian at nasaan iyong towel mo at pawis na pawis ka na"
"Nandoon sa bench, teka kunin ko"ani ni Justin nang kukunin na sana niya.
"Huwag na at ito na lang"at kinuha ko ang towel na dala ko at ipinunas ko sa kanya.
"Linalanggam na kami Coach, ikaw ba hindi!?"biro ni Drew.
"Ahem...Ma'am alis na po kami"tinig ni Tin.
"Ah sige at salamat sa paghatid at pagsama dito sa loob"
"Alis na po kami Sir"pagpaalam nina Tin at Francis at umalis na.
"Sige kain na po kayo at ikaw sumabay ka na sa kanila"
"Ikaw hindi ka ba kakain o kaya hati na lang tayo sa pagkain ko na dala niyo"aniya ni Justin.
"Huwag na kasi para sayo yun, tabihan na lang kita"
"Salamat dito Miss Ricks at masarap at hindi siya masyadong matamis"sambit ni Coach.
"Wala po yun"
"Sige na hati na tayo at baka maya maglaway ka habang kumakain ako, haha"bungad sakin ni Justin.
"Haha, ako maglaway!?hindi ah at baka kasi magkulang sayo kapag naghati tayo, hahaha"at tumabi na ako sa kanya sa pagupo.
"Haha, basta sa ayaw at gusto mo hati tayo at ayaw kitang magutom"mariing sabi sakin ni Justin.
"Sige na po hati na tayo, pero isa lang kutsara gamit natin?"
"Ok lang, parang nagkiss lang tayo niyan, haha"wika ni Justin.
"Haha, kaya naman pala"
"Hahaha, para-paraan si captain"birong saad ni EJ.
"Kayo talaga napansin niyo pa, haha"untag ni Justin.
"Ikaw na muna kumain, Love"batid ni Justin.
"Hahaha, ok"
"Nasaan na pala sina Mama?"mariing tanong ni Justin.
"Hindi ko alam pero ang sabi ni Tita meron daw silang asikasuhin"
"Ah iyong sa resort dahil si Papa na mamamahala na at kawawa naman si Tuscan kung kaya't nasuhestiyon ko na gawin na lang siyang assistant ni Papa"pahayag ni Justin.
"Ah ok, kain ka na"
"Ok at pasensiya na kung hindi na kita natanong o nasuhestiyon kung meron kang kilala na magiging secretary namin dahil alam kong dami mong iniisip at ginagawa"panayam ni Justin.
"Ok lang, Love"
"Love, meron akong suhestiyon sayo"bungad sakin ni Justin.
"Ano yun, Love?"
"Pwede ba akong makitira sa apartment mo?hehe"ani na suhestiyon niya.
"Tila naglive in lang tayo but ok para hindi ka rin mahirapan umuwi kapag free time niyo minsan or kapag uwian pero alam ba ito ni Tita at Tito?"
"Sasabihin ko pa lang mamaya, at para magkasama tayo lagi, I always miss you"wika niya at hinalikan niya ako ng mabilis sa labi.

BINABASA MO ANG
Mr. Playboy meets Ms. Mataray
RomanceJustin Aaron ay 20 yrs old. At isa siyang dakilang playboy sa university ng St. Montgomery. At isa rin siyang criminology student. At kasali rin siya sa varsity ng basketball ng kanilang university at tinitilian ng ilang mga kababaihan dahil sa angk...