Chapter 26 ❤️❤️

411 16 0
                                    

Justin Pov

At ******* Paradise, *******

"Andito na tayo"
"Sa resort!?"wika niya pakarating namin sa resort.
"Bakit?hindi mo ba gusto?"at papasok na kami sa loob ng resort. Sa totoo lang sa amin itong resort at kabibili pa lang nung isang buwan.
"Nabigla lamang ako dahil tila tayo lang ang tao dito"puna niya ng naipark ko itong motor at bumaba na kami.
"Sa totoo lang sa amin itong resort at kabibili pa lamang namin ito nun isang buwan"
"Kaya naman pala at maganda dito"saad niya habang tumatanaw sa paligid.
"Sabi ko na nga ba at magugustuhan mo dito, tara doon tayo sa Villa namin para makapahinga tayo"
"Sino nagaasikaso dito kapag wala kayo?"panayam niya.
"Pumupunta dito sina Lola at Lolo at malapit lang kasi dito bahay nila, maya't maya pupunta iyon dito at makikilala mo sila"
"Ganoon ba, akala ko nakatira sila sa inyo"aniya niya.
"Good morning, young master and miss, tamang tama lang pakarating niyo at malinis na po ang Villa at meron na po kayong makakain para mamaya  dahil namalengke po kanina"bati sa amin ni Tuscan ang aming pinapamahala.
"Hello din saiyo"balik bati niya kay Tuscan.
"Ganoon ba, mabuti at salamat, teka ano oras pumupunta dito sina Lola at Lolo?"
"Mamaya pa po iyon hapon, young master"sambit ni Tuscan.
"Sige salamat ulit, Tuscan"
"Sige po, young master"untag ni Tuscan.
"Pasok na tayo, love"
"Ang ganda naman nitong villa niyo at open floor plan siya, ilan kwarto niyo dito?"manghang tanong niya.
"3 lang, kung gusto mo nang magpahinga doon ka sa right side sa isang dulo dahil alam kong pagod ka sa byahe natin at ako na lang magaayos dito"
"Bakit hindi ka ba napagod?tulungan na kita magayos at magluluto pa tayo at saka na tayo makapahinga pakadating ng iyong Lola at Lolo"batid niya. Maalalahanin din siya. Feeling ko ang swerte kong boyfriend dahil siya ang napili ko na kahit cute ang height niya, at kahit mataray siya minsan ay deep inside mabait siya, tulad ngayon maalalahanin, at maalaga at maganda siya syempre.
"Meron bang dumi sa mukha ko at tulala ka na rin"punang pahayag niya na nakatuon lang pala ako sa kanya.
"Ahh,..wala ang ganda mo kasi"
"Nambola pa"wika niya nang nilagay niya muna sa upuan ang aming mga bag.
"Haha, maganda ka naman talaga"
"Anong iluluto natin na ulam?ano ba nandito sa ref?"mariing sabi niya at ki-nita (tiningnan-Bicol)ang loob ng refrigerator.
"Anong nandiyan o nabili niya?"nang lumapit na ako sa kanya.
"Mga gulay, some fresh fruits, and fish"saad niya.
"Anong naisip mong iluto natin?"pakalapit ko sa kanya in 1 meter. Pero amoy ko pa rin ang bango niya at kahit ganito kalapit namin ay ramdam ko ang init sa pagitan namin.
"Sweet and sour at fresh fruit and vegetables salad"sambit niya.
"Ok at bibili ako ng juice, anong gusto mong flavor?"kailangan ko muna magpahangin at lumayo ng kunti dahil alam kong hindi pa kami parehas na handa na gawin iyon at ilang araw pa lang kami magkarelasyon. At unang date pa lang namin ngayon. At may respeto ako sa kanya.
"Buko juice para presko"aniya niya nang naghahanda na siya sa lulutuin namin na ulam.
"Sige at ingat sa paggamit ng kutsilyo"
"Oo at ikaw din ingat sa daan"untag niya kahit nakatalikod siya sa akin. Pakalabas ko ng aming Villa ay tama ay ang pagdating naman nina Lola at Lolo.
"Oh apo, andito ka pala"bungad sa akin ni Lolo.
"Akala ko 'Lo, mamaya pa kayo darating"
"Meron kami mamaya pupuntahan ng iyong Lola kaya napagdesisyon namin na ngayong umaga kami pupunta dito at sino pala ang iyong kasama pumunta dito?"sambit ni Lolo.
"Bago ko pong girlfriend, 'Lo, at alam kong magugustuhan niyo siya"
"Siguraduhin mong iba siya sa mga naging ex mo"banta ni Lola sa akin.
"Pasok na po tayo at tatawagin ko po siya para makilala niyo siya"
"Nasaan ba siya?"tanong ni Lola nang umupo na sa sofa sa living room.
"Nasa kusina po 'La, naghahanda ng aming kakainin mamaya"
"Ganoon ba, sige"wika ni Lola.
"Love, meron akong ipakilala sayo"
"Akala ko bumili ka na, sino iyon Love?"batid niya nang humarap sa akin.
"Sina Lola at Lolo andito na"
"Napaaga naman sila, hindi pa tayo nakapagluto"wika niya.
"Lola at 'Lo, si Shanica Ricks po, girlfriend ko, at Love, sina Lolo at Lola"
"Hello po sainyo, mano po Lola, at mano po Lolo"ani niya sa aking Lolo at Lola.
"Bless you, iha"sabay wika nina Lolo at Lola.
"Napaaga ho kayo, dito na po kayo kumain mamaya ngunit hindi pa po ako tapos magluto"panayam niya kina Lolo at Lola.

Mr. Playboy meets Ms. MatarayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon