Ashi:
“Kamuka ka nya...”“Ha? Ano sinasabi mo?”
Di nya ako sinagot kaya hinayaan ko nalang sya. Habang papadaan kami ng corridor, ay pinag titinginan kami ng nga tao. May halong gulat at pag tataka. Pero wapakles, kaya nilagay ko yung kamay ko sa bulsa.
Charot. Syempre nakakahiya no! Anuba.
Pero. Bakit?
Bakit.wala.akong.makapa.na.candy.sa.bulsa.ko!?
Wala akong makapa!? Nasan na yung mga candy ko!? Yung lollipop!? Yung chubby!?
Unti unti nag labasan ang mga luha ko, napa singhot singhot nalang ako. At pinupunasan ko nalang ito.
‘Ashi hindi ka umiyak nung nagaway kayo ng pamilya mo! Pero dahil wala kang chocolate, iiyak ka!?’
Pero nasa kalagitnaan na kami ng corrider ng Ilagay nya ang ulo ko sa dibdib nya at sinuklay ang buhok ko. At nag lakad uli. Shett ! ANG BANGOO NYAA!!
Nung nasa tapat na kami ng room ay baba na sana ako ng kumatok na sya.
Binuksan nmn ni maam ang pinto, kaya nabaling samin ang atensyon nilang lahat. Parang bang nagulat sila sa nakita nila. Naka tulala lang si maam kaya, sinipa nya ang pinto para lumaki ang bukas nun at makapasok kami.
“Asan upuan mo?”
Tinuro ko yung bakanteng upuan sa likod. Habang nag lalakad sya papunta sa upuan, biglang tumunog tyan ko.
Nanlaki ang mata ko habang namumula ang mga pisnge. Pilit kong bumaba sa pagkakabuhat nya sakin at dali daling tumakbo sa upuan ko.
Nakakahiya ka self. I hate you tyan! Bakit kayo ganyan sakin?! Sa harap pa talaga nila.
Napatigil sila. Bigla namang nagtawanan ang lahat kaya mas lalo akong namula.
Ibaon nyo na ako sa lupa! Nakakahiya!
Mung tumigil na ang lahat. Bumuntong hininga nalang ako at tumingin dun sa lalaki. Naglakad sya papunta sa una at humarap samin.
He wore a straight face. He gave of that intimidating aura. Making most of the class to get nervous.
“Sorry for the interuption, you may proceed to your disscussion. Thank you.”
He bowed 90° and stood straight again. Bago sya umalis humarap uli sya samin at tumingin sakin.
May kinuha sya sa bulsa nya at binato yun sakin. Nanlaki ang mata ko, tumayo agad ako at sinambot yon.
He left. Umupo naman ako at tumingin dun sa binato nya. Nanlaki ang mata ko nung nakita kong candy yon.
Waoh. Nice one! Thank you mister!
Tinagtag ko yung wrapper. Sinubo ko naman yung lollipop, sabay tingin sa bintana.
“Di pa ba tayo mag sisimula ng klase maam?”
Tumango si ma'am at nag discuss na. Bumuntong hininga nalang ako at tumingin kay Aki.
She was gesturing something. Nanlalaki yung mata nya habang tinuturo yung notebook. She then mouthed something when she realized that I didn't understand her.
‘Magsulat ka’
Umiling nalang ako at sumimangot.
Pass. Masakit tuhod ko.
YOU ARE READING
Cypheria Academy [COMPLETED] = [REVISING]
Teen FictionComplete [Revising] Ashianna Alexandrea Xenon She was always happy, despite of her past. Her past left a big scar in her heart but she moved on and made herself stronger. Everything was so fast. Bumalik sya sa lugar kung saan sya pinanganak. Ang lu...