Cypheria 23 : Heartless

3K 98 4
                                    


A

shi:


Nandito kami ngayon sa SSG Room na sinasabi ni King. Nakatunganga lang ako at manghang mangha sa paligid. Anlaki ng loob at ang ganda.

May living room, flat screen TV, kusina, conference room at may isang kwarto. Pag kapasok ko ay sumalubong sa 'kin ang 11 na table.

Ang set up nya ay may nasa gitnang gitna na table at limang table kabilang  side, na naka-hilera. Ang nakakabigla pa ay kumpleto ang gamit sa loob. May laptop, printer, Xerox machine at puro cabinet.

Ta's yung kusina nila ay kompleto sa mga gamit, pati na din ang mga ingredients. May karne,manok, gulay at seasonings. Antaray lang!

Ta's nung tiningnan ko ang nasa babang lagayan nung ref. Punong puno 'yon ng chocolates! Iba iba din ang flavor at brand.

“Ashi okay kalang?” tanong ni king kaya napatingin din sila sakin.

Nakita kong blangko ang expression ng muka nila. Si King naman ay nagpipigil ng ngiti habang naka tingin sakin.

“Nahiya kapang tumawa king.”

Tumawa naman sya at umiling.

“Ba't ka tumatawa?” Hindi nya 'ko pinansin at tumawa uli. “Sasabihin mo itatapon ko sayo 'tong ballpen?”

“Kanina ka pa kasi bulong nang bulong dyan pati minsan ginugulo mo pa ang buhok mo. Pati ngumunguso ka nalang bigla bigla” sabi ni King kaya namula ako.

“Sorry! Shit. Nakakahiya,” Bulong ko at tumawa nang naiilang. “Ano ginagawa mo habang pinapahiya ko ang sarili ko?”

“Kakatapos ko lang magpaalam kaya ngayon, ikaw naman dito sa unahan.”

“Ha!?” Gulat kong sabi at bumuntong hininga. “Okay.”

Tumayo ako at naglakad pauna. Ramdam ko naman ang titig nila kaya nakaramdam ako ng konting hiya.

Nung makalapit ako sa kanya, hinigit ko yung tastas nung damit nya. Tumimgin sya sakin, mukang nagtataka.

“Ano nga pala sasabihin ko?” tanong ko kay king kaya natawa sya.

“Ano ba gusto mo malaman or sabihin. Ikaw bahala,”

Tumango tango ako at tiningnan sila.
Nakatingin lang sila sakin ng blanko at walang reaction. But, I saw something.

“King pwede mo ba kami iwan?”

“Sure. Punatahan ko lang sina Aira.”

Nang makalabas sya ay tumingin ako sa kanila isa isa sa mata. Halos lahat sila ay matalim ang titig sa'kin.

“Names n'yo?” I softly said as they rolled they eyes. Or am I just seeing things?

Tumayo yung mga lalaki at sunod sunod na nagpakilala.

“Raven Dominic Zayn Cyrill, Vice President.”

“Lorex Rin Sier Sison, Secretary”

“Lexus Dave Sait Luminus, Tresuerer”

“Roger Pierce Sayver Lieno”

“Angelo Rey Inao Montante”

“Rence Gelo Inao Montante”

“Kian Rage Ziwon Loreño”

“Senators” sabay sabay nilang sinabi.

“Ethan Ram Gillermo Acuzer”

Cypheria Academy  [COMPLETED] = [REVISING] Where stories live. Discover now