1

211 47 17
                                    

Once a week lang kung umuwi si Mama because of her work at twice a week naman si Papa. Kaya't si kuya lamang ang lagi kong kasama.

"Pa, what time po ang dating ni mama?" Tanong ko ngunit abala ata ito sa pag-babasa ng diyaryo.

"Pa, anong oras po makakarating si mama?" Ulit ko, sapagkat alam kong nakikinig siya sa'kin at ako lamang ay hindi niya pinapansin.

Binaling ko ang tingin kay kuya't sa kanya nag-tanong, "Kuya? Anong oras?" Ngunit, tiningnan lamang ako nito't hindi tumugon.

"Kuya? Papa?"

"Hindi ko alam." Sabay na sagot nila. "Huwag ka ng makulit, manahimik ka na lang diyan at mag-hintay." Dugtong pa ni papa.

Pass 11 na ngunit hindi pa din nadating si mama. Hindi na nakayanan ni kuya kaya't natulog na siya sa kanyang kama. Samantalang si papa nama'y lumabas muna upang bumili ng dutch mill.

"Anak, Kiara. Lumipat ka na sa kwarto mo." Sabi ni mama habang inuuga-uga ang katawan ko dahil napa-idlip na pala ako sa sofa.

Pag-bangon ko'y agad ko siyang niyakap dahil namiss ko talaga siya ng sobra. "Sige po, Good night. Tulog na din po kayo."

Mabagal akong nag-lakad patungo sa aking silid. Diretsyo higa sa kama at ipipikit na sana ang mga mata. Ngunit naaninag ko ang aking cellphone kaya't napag-desisyunan kong mag-scroll muna sandali.

Maya-maya lamang narinig kong parang may nag-lalakad patungo sa aking silid.

Kaya't agad kong tinago ang aking cellphone at agad panggap na tulog.

(Ihh gawain din naman nung nagbabasa hahahas)

Sinigurado lamang nila kung ako na talaga'y tulog. Nang maisarado na ang pinto, syempre balik scroll na ulit. Ngunit bigla akong nakaramdam ng pananakit ng tiyan tila may namumuo atang tae. Hayst.

Naisipan kong mag-papanggap na lang ako na nagising kasi nga natatae.

Palabas na sana ako pero narinig kong nag-uusap sina mama at papa. Kaya't sige ipagpapaliban ko na lang muna sandali ang pag-tae.

Isasarado ko na sana ang pinto ngunit natigilan ako ng mag-salita si mama, "Alvin, heto na ang divorce paper. Pirma mo na lamang ang kulang."

What? Divorce? Wtf.

"Sa wakas, mabuti naman kung ganito. Saan ba ako pipirma?" Tanong ni papa na parang napag-kasunduan talaga nila

Umurong bigla ang tae ko ngunit mga luha naman sa'king mata ang namuo.

Marahan kong isinarado ang pinto. Sa pader ay sumandal at luha'y nag-simulang kumawala—tumulo.

Binuksan ko muli ng kaunti ang pinto't muling nakinig. Nag-babakasakaling mali lamang ang narinig o kaya madumi lang ang tenga kaya't humina ang pandinig.

"Mag-popropose na din naman ako kay Aida at alam ko namang binanalak niyo na din bumuo ng pamilya ni Russel." Sabi ni papa na parang masaya pa siya.

"Ngunit paano nga pala natin sasabihin kay Kiara?"

Wow? Talaga?  So, alam ni kuya?

"Huwag na lamang nating ipaalam sa batang yun. Hindi naman nun malalaman, tiyaka patuloy pa din naman natin silang susuportahan. Panigurado'y hindi nun mahahalata."

Hindi ko na mapigilan pa. Hindi ko na kaya. Lumabas ako ng kwarto at dumiretsyo sa harapan nila ng may namumugtong mata. Kaya't agad silang napatayo.

"Kiara, gising ka pa pala." Gulat na gulat na wika ni mama.

Huminga muna ako ng malalim at pinunasan ang mga luha't nag-simulang mag-salita.

"Pa, ma. Anong divorce? Sino si Aida? Si Russel? Iiwan niyo na kami? Ganto na lang ba kadali? Parang hindi niyo kami anak ni kuya ah? Hindi niyo ba naisip kung anong mararamdaman namin." Walang tigil na sabi ko habang palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.

"Anak hindi ko alam kung anong sinasabi mo." Tugon ni mama.

"Wala kaming pinag-uusapan na ganun, nananaginip ka ba Kiara? Bumalikk ka na sa kwarto't matulog." Sabi ni papa habang si mama'y sumasang-ayon naman.

"Uy, grabe naman po kayo sa'kin. Nag-sisinungaling nanaman po kayo. Huwag na po tayong mag-lokohan dito, hindi po ako bingi para hindi marinig mga pinag-uusapan niyo. Alam po ba ito ni kuya ha?"

"Anak, huminahon ka muna."

"Para nga pong planado ang lahat e, kung alam niyo naman po pala na sa ganito hahantong ang lahat. Sana hindi niyo na lang sinimulan. Sana hindi niyo na lang ako, kami ni kuya binuhay."  Napa-upo na lamang ako sa sobrang bigat ng nararamdaman.

"Sana nga hindi na lang kayo nabuhay at ng wala na kaming pinoproblema pa." Mahinang bigkas ni papa pero rinig pa din naman.

"Alvin, tama na, huwag ka ng mag-salita."

Tumayo ako't pineke ang ngiti. Agad akong bumalik sa kwarto upang mag-suot ng jacket at para kuhanin ang aking cellphone.

Nagmadali akong maglakad patungo sa pinto't sandaling huminto. "Pakiusap, huwag niyo po akong sundan."

Anytime, Day Or NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon