8

146 43 18
                                    

Naka-titig lamang ako sa kinauupuan ni Thea habang lahat ng mga kababaihang kaklase naka-tingin sa'kin.

Tinakpan ko ang aking bibig at pasimpleng nag-bitaw ng salita, "Akiro."

Napatingin naman siya sa'kin at binaling ulit ang tingin sa librong kanyang binabasa, "What happenned when i'm gone? Why are they starring at me?"

Napa-tungo na lamang ako sa'king lamesa, "And why'd Thea ignores me as if she don't know me at all."

Hindi naman ako pinapansin o sinasagot ni Akiro. Ano ba kasing nangyari hayst.

"Good morning, class 10-A," Pag-bati ni Ms. Ysa. "Atin munang palakpakan si Kiara dahil kahit hindi pa siya maayos pumasok siya upang paghandaan ang pagligsahan."

Wala ng ibang pumalakpak maliban kay Ms. Ysa at Akiro, ang iba nama'y nakatingin lang kay Ms. Ysa.

"Class 10-A, " Sigaw ni Ms. Ysa. "Hindi ba't isang karangalang pumasok ang isang may dinadamdam para lamang sumali sa kompetisyon."

Nag-palakpakan naman ang lahat ng mabagal, "Anong nangyayari sa inyo? Hindi ba kayo kumain." Sabi ni Ms. Ysa.

Nagkatinginan naman kami saglit ni Akiro.

"Thank you again, Kiara. Now, all boys please fall in line and proceed to the ground, the principal will announce something."

Kumilos na nga ang lahat ng lalaki, "Mr. D'andre, after 20 minutes proceed to the library and do your task, as well as you Ms. Leannan." Dagdag pa ni Ms. Ysa.

"And for all of you left, it's a free time. I'll head to the ground as well, please don't go outside." Sabi sa'min ni Ms. Ysa't umalis na siya.

Napansin kong nakatingin ang lahat sa'kin, "Maaari ko bang malaman kung bakit kayo nakatingin sa'kin?"

Bigla namang tumayo ang isa kong kaklase, "Simply because you're too close to Akiro."

Nanahimik na lang ako habang pinapakinggan sila.

Sinundan pa siya ng isa, "Ang pangit mo, Kiara hindi kayo bagay."

Alangan tao kami.

Tumayo naman si Thea't akala ko'y maganda ang kanyang sasabihin, ngunit mali pala ako.

"Kiara Leannan, you're no longer my friend. Sabi mo hindi ka interesado sa transferee I mean kay Akiro but, tsk." Sabi ni Thea.

"Dahil sa lalaki hindi mo na ako kaibigan? Ganun ba kababa ang ugnayan natin para maputol na lang basta?" Namumuo na ang aking mga luha.

"From the start ginagamit ka lang niya manhid ka ata ay hindi man lang naramdaman yun o baka bulag kasi di mo nakikita." Pag-singit ng isa kong kaklase.

"Thea?" Ani ko habang tumutulo na ang aking luha.

Hindi na nila ako pinansin kaya't pumunta na lang ako sa library kahit 10 minutes pa bago kami mag-simula ni Akiro.

Walang tao sa library maliban dun sa librarian. Naupo ako at tumungo sa mesa't umiyak ng walang tunog. Ang kanan na kamay ko'y nasa mesa na parang tumutugtog ako ng piano.

Bigla namang may humawak sa kamay ko't agad din naman itong binitawan, "Ah, Akiro." Alam kong halatang umiyak ako dahil sa pugto kong mata.

"Why are you crying?" Umayos naman ako ng upo. "They changed, they hate me."

Kumuha naman ng papel si Akiro't nagsulat at binigay sakin, "I'll get books."

Umalis siya't binasa ang sulat.

05. 08. 19

Remember that moment?
When you got hit by the ball
That's their comment

Sorry it's my fault. But,

Promise me. No matter how bad people treat you, never be a bad person to take revenge. Don't let them mess your reputation. Karma will hit them. Fight but not in a bad way.

Do not stress yourself out on every thing,
We're continuously growing
Grow with people who can see your worth
Not with people that just treats you like a dirt

Don't chase people who doesn't deserve you

Don't push yourself to people who doesn't want you to be in their life.

You have me— You always will.

-Akiro

Napatitig na lang ako sa sulat na binigay niya.

"Kiara, let's start?" Ang pang-anyaya sa'kin ni Akiro habang inaabot ang librong kinuha niya para sa'kin.

Itinago ko ang sulat sa bulsa at nagsimula na aking mag-basa.

———

"Akiro, Kiara. Gawin ninyo ang kaya niyo, ipakita ang inyong talento." Sabi ni Ms. Ysa't kami'y kanyang niyakap.

Umalis si Ms. Ysa at ang aming mga kaklase naman ang dumating, "Hoy, Kiara ayusin mo ha, pag-butihin mo."

"Sali, sali ka pa matatalo din naman, tsk." Sambit pa nila. "Kiara, huwag ka ng tumuloy masasayang lang yung tinta ng panulat, uwi uwi na."

Umabante naman ng hakbang si Akiro at tinakpan ako, "Back-off"

"Uhm, sorry Akiro goodluck, fighting!" Umalis na sila't sinundan si Ms. Ysa upang maka-upo't mapanood ang paligsahan.

Humarap naman sa'kin si Akiro at sa bulsa niya'y may kinuha, "Kiara, here's a tiara." May hawak siyang kwintas.

"What?" Napakunot noo ako. "Wear this necklace." Hindi naman ako nakibo.

Tinaas naman niya ang aking buhok, "Hold your hair." Sinunod ko na lamang siya't siya na ang nagsuot sa'kin.

"When someone brings you down, don't let yourself drown. Instead, walk like a model and wear your crown."

Hindi na ako nakapagsalita
Dahil sa mga binitawan niyang kataga

"Good luck" Sabi niya't ako'y kanyang niyakap.

Puso ko'y baka sumabog,
Sa pagmamahal mo'y ako na'y nalulunod
Ano pa kayang susunod?






















Anytime, Day Or NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon