5 A.M.
"Hoy, Kiara gumising ka na nga!" Hinila ni kuya ang kumot ko.
"Ang aga-aga pa eh, ano bang problema mo?" Tugon ko habang sinisipa-sipa ang unan sa paanan ko. "Umalis ka nga dito, nag-papahinga pa yung tao eh!"
"Yun na nga ang problema, ang aga-aga pa pero si Akiro ay naandito na." Napa-bangon ako't kinusot ang aking mata. "Anong sabi mo?"
"Si Akiro'y naandito na."
Grabe excited ka atang makasama ako ah? Charot.
Hinigit ako ni kuya upang maka-tayo, "Bangon na, mahiya ka naman sa tao, hindi porket hindi mo kami kauri ga-"
"Oo na, heto na nga mag-hihilamos lang lumabas ka na't sabihin mong ma-upo muna." Pag-putol ko sa kanya.
Nag-tungo nga ako sa cr upang makapag-hilamos man lang.
Nang ako'y pabalik na sa aking silid sinilip ko kung may tao sa sala, ngunit wala naman.
"Kuya, ang galing mo manlok-" Hindi ko na natapos ang aking sinasabi dahil ng buksan ko ang pintuan sa'king silid. Ako na lamang ay napanga-nga't napa-titig.
"Good morning, Kiara" Pag-bati ni Akiro. "Good morning" Saad din ng isang lalaki sa tabi niya.
Maybe si Andrei yun, yung kasama ni Akiro sa bahay. Wait, bakit? Akala ko ba for two lang? Baka hindi na ako kasama hayst.
"Good morning din" Napa-baling naman ang tingin ko kay kuya, "Anong tingin yan Kiara? Oh, na andito naman talaga si Akiro."
"Kuya sabi ko paupuin mo sila ah." Ngumiti ako ng bahagya. "Oh, naka-upo naman sila?"
"Pero bakit naman dito sa kwarto?" Lumapit si kuya. "Bakit may sinabi ka ba kung saang parte ng bahay papaupuin?"
Duhhhh alangan sa sala. Mayghad cassie.
Napa-irap na lang ako't si Kuya ay lumabas na sa'king silid.
"Ay, good morning ulit." Sabi ko naman kila Akiro't ngumiti naman sila.
"Hi, I'm Andrei roomate ni Akiro. Makakasama niyo ako sa trip para ako na lang mag-drive 'pag nasa laguna na tayo para tayo yung may hawak ng oras."
"Oh, magandang ideya. Want some coffee?" Nagkatinginan silang dalawa. "Sure."
"Tara sa baba nood na din muna kayo sa tv habang naliligo ako." Pinag-timpla ko nga sila ng kape't binuksan ang telebisyon. "D'yan muna kayo."
Agad akong kumuha ng damit at dumiretsyo sa cr nakakahiya naman kasi kung pag-hihintayin ko pa sila ng matagal.
"I'm done." Tumayo na silang dalawa sa kinauupuan nila. "Hintayin na lang natin yung kotse ng school. Padating na din yun." Sabi ni Andrei.
Saktong 6 nga dumating ang sasakyan. "Kuya, alis na kami."
Sa unahan na-upo si Andrei so kami ni Akiro sa likod at sa pagitan namin nakalagay ang aming mga gamit.
"Aalis na po tayo." Sabi ng driver.
"Kiara" Tumingin naman ako kay Akiro. "Lakes, parks and such ang pinili ko kaysa sa enchanted kingdom."
"Oh, nice choice, yieee nagtatagalog na siya." Pabiro kong sabi't tumawa naman siya.
"Ehem, ehem" Pag-singit ni Andrei na naging dahilan ng pag-tawa naming lahat.
"Kayo muna'y mag-pahinga para mamaya kayo't may sapat na lakas." Payo ng driver.
Sumunod naman agad si Andrei at Akiro habang ako'y naghahanap pa ng earphones para mas relax kaso naiwan ko ata bahay.
Tinapik ako ni Akiro't inaalok ang kanyang earphones, "Ah, wag na baka gagamitin mo eh."
Syempre nakakahiya pero pahiram HAHAHAHHA.
Sumandal na lamang muli ako't pumikit. Ngunit ako'y nagulat ng isinuot ni Akiro sakin ang earphones, "Sleepwell"
I'll be there through the highs and lows
Give you mine when your heart gets broke
By your side when you're all alone
I'll be there~Ang kantang bumungad sa akin. Sa cellphone niya kasi naka-connect. Hindi ako maka-tulog sa pag-iisip sapagkat ang mga pinapatugtog niya'y parang may pinapahiwatig siya. Yung tipong sa paraan na ito malaman ko yung hindi niya kayang sabihin, pero ewan ko mahirap mag-assume.
A/N:
So, maikli yung part na ito kasi hindi mahaba hahahasha char. Kasi 'pag tinuloy ko dito yung part na nasa Laguna na sila hahaba masyado.Sorry sa 6 days na walang update hahhash tinamad kasi ako sorna.
BINABASA MO ANG
Anytime, Day Or Night
RomanceIt's so hard to trust again when our life is encompassed of lies- when we already experienced to be fooled, especially, by our love one's. Kiara Leannan began to believe that promises are meant to be broken, due to the challenges, struggles in her l...