3

180 50 12
                                    

Kay lakas  ng tunog na aking narinig mula sa pintuan na naging dahilan ng kaagad na pag-gising ko.

"Anak, Kiara gising na baka ma-late ka pa!" Sigaw ni mama habang patuloy pa din ang pag-katok niya na parang walang nangyari kagabi.

Bumangon na nga ako at agad nag-hilamos. Dumiretsyo sa hapag-kainan at lahat sila'y naka-titig sa'kin kaya kumain na lang ako ng mabilis. Sapagkat hindi ba't nakakainis?Agad na akong naligo, nag-linis at nag-bihis. Oras na ata upang ako'y umalis.

"Anak dun sa ka-"

"Alis na po ako" Ang pag-putol ko kay mama kasi alam ko namang sa'kin siya'y muli nanamang mag-sisinungaling.

"Ingat ka."

Pag-kalabas ko ng bahay napatingin na lang ako sa cp ko and sobrang aga pa pala para pumunta sa campus.

Nag-tungo na lamang muna ako sa sa park, wala papahangin lang ulit siguro. Naupo ako sa puwesto kung saan ako naupo kagabi 'coz maganda talaga yung view sa part na yun.

Magandang puno,
Bulalak na mababango,
Makukulay na paru-paro
Katahimikan sa paligid ko

Kinuha ko na nga ang dutch mill sa aking bag. Tamang sipsip lang habang nakatulala sa kawalan. Hinihiling na sana bumalik ako sa nakaraan. Baka hindi siguro ako mag-kakaganto kung di ko sila pinakinggan.

Utak ko'y walang maisip
Abala lang ako sa pag-sipsip
Mga mata'y ipinikit
Habang naka-ngiting pilit
Dinadamdam ang sakit
Kasiyahan nga ba'y muli kong makakamit?
Kung sa sitwasyong ito'y iyon ay  ipinag-kakait

"Boo!"

Napamulat na lamang ako ng biglang may nag-salita. Nasamid dahil ngiti niya ang una kong nakita.

Napatayo naman ako dahil mukha nami'y malapit sa isa't isa. Nakatayo siya sa likod ng bench iniyuko ata ang sarili upang mag-katapat ang aming mukha.

Gulat na gulat ako dahil nag-mistulan siyang kabute na basta na lang sumulpot. Hindi ko kasi siya naramdaman.

Napa-kunot na lamang ako ng noo. "Sino ka? Ang gulo ng buhok mo."

"Oh, hold up."

Tumindig na siya ng maayos at buhok niya'y inayos. Muli naman akong umupo at walang ginagawang kahit anong kilos.

Maya-maya lang, ipinatong niya ang braso niya sa sandalan ng bench para medyo magka-level pa din kami.

Ewan ko ba kasi ba't di na lang siya umupo sa'king tabi. Nag-papakahirap sa buhay. Pero ang lakas ng dating niya.

"Sino ka nga?"

Tumingin lamang siya sa'kin at binaling agad ang tingin sa katapat naming puno.

"Remember last night.." Tumigil siya sa pag-sasalita at binalik ang tingin sa'kin. Ngumiti muna siya bago mag-patuloy "I'm Akiro."

Hindi ko naman agad nahalata kasi kagabi nga'y naka-full black outfit lamang siya.

"Ohh, Akiro nice to see you again."

Shete naman oh pagkaaga-aga english agad ako ng english. Gurl gusto mong mag-nose bleed ako?! Tapos nag-dadalawang isip pa ako sa mga sinasabi ko like tama ba grammar tama ba?

"Likewise, have you read the note?"

Magiging awkward siguro pag sinabi ko ang totoo.

"Actually, i don't use my phone. Uhm, by the way about last night. I'll really appreciate  if you can forget about it 'coz you know." Nakalimutan ko pa english sa nakakahiya.

"What's your na-"

"And also thank you for what you did. I'm sorry but i have to go now. Have a good day, Akiro." Pagputol ko sa kanya, ewan ko natatakot lang siguro akong malaman niya name ko.

Anytime, Day Or NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon