Inalis na niya ang pag-kakayakap sa'kin at hinawakan naman niya ang aking balikat at itinapat ang mukha niya sa'kin, "We can do this, Kiara."
Binitawan na niya ako't naki-halubilo na sa mga magiging katunggali niya't ganun din ang aking ginawa.
"Inaanyayahan na ang mga kalahok na pumasok sa entablado't nag-hihintay na ang maraming tao. " Sabi ng host habang isa-isa kaming pumasok na may kasamang masigabong palakpakan mula sa madla.
Pag-kaupo ko nga sa aking puwesto namalayan kong tinapatan pala ako ni Akiro. English ang gagawin niya, ako Tagalog so nasa kabilang part siya.
Nag-katinginan kaming dalawa't ako'y kanyang nginitian at kinindatan. Samantalang akin lamang siyang inirapan.
Adik ka Akiro? Ba't may pa kindat ka pang nalalaman? 'Pag ako talaga na-fall, edi na-fall hahahaha.
"Ngayon atin ng sisimulan ang on the spot poetry making, nasa kanila na ang desisyon kung sila ang din ang bibigkas o isa sa mga kaklase nila."
Lumapit ang host sa'min, "Ang tema ng tulang gagawin niyo'y patungkol sa tropa, kaibigan, barkada. Mayroon lamang kayong 20 minutes upang gumawa. " Umalis na siya't lumipat na sa kabila.
Sampung minuto na ang lumipas ngunit papel ko'y blanko pa din. Halos lahat ng kalahok ay abala maliban sa'kin. Hindi ko kasi alam kung paano gagawa kung may sakit na nadarama.
Napatingin na lamang ako kay Akiro't maya-maya lang ay natapos na ata siya kaya't nagka-tinginan kami. Sumenyas siya kung tapos na ba ako pero ibinaling ko na lang ang sa iba ang tingin ko.
"Time's up!" Sabi ng host.
Handa na ang lahat samantalang ako bahala na kung anong masabi. Sabi nga nila bahalana si batman.
"Uunahin po natin ang Tagalog, Bigyan po natin ng masigabong palakpakan si Ms. Cassandra."
Sunod-sunod na nga nilang itinanghal ang kanilang gawa't nahahalata kong nakatingin sa'kin si Akiro.
1 Message from unknown contact
UC: Hey, this is Akiro, you can do this!
Kiara: I have no piece
UC: Are you serious??
Hindi ko na siya nireplayan at nginitian ko na lamang siya. Halatang alalang-alala na siya, ako din naman pero dapat chill lang hahaha.
Magaganda ang mga ginawang tula ng mga kalaban ko kaya duhhh ba't pa ako gagawa, certified tamad kaya 'to.
"Ngayon atin ng tunghayan ang talento ni Ms. Leannan." Tumayo na ako't pumunta sa gitna habang hawak ang mikropono.
Shit. Ba't kasi 'di ako gumawa.
Nag-titinginan ang lahat sapagkat napansin nga nilang wala akong hawak na papel or what so ever.
"Hinihiling po namin ang inyong katahimikan, salamat, maaari ka ng magsimula."
Luhh mukha na siguro akong tanga dito, bahala na nga.
"Walang titulo ang aking tula, ako na'y magsisimula" huminga ako ng malalim.
"Bumuo tayo ng sarili nating mundo
Kung saan sa isa't-isa'y nangako tayo
'Walang iwanan, wala tayong hangganan'
Ngunit, nasaan ka na ngayon?
Nakalimutan mo ba ang pangako mo noon?Dinadamayan natin ang isa't-isa
Sinusolusyon ang mga problema
Dati mga luha ko'y pumapatak dahil sa saya
Pero ngayon, luha ko ata'y naaaksayaTandem tayo sa kabaliwan at kalokohan
Mag-kasama tayo lagi kahit saan
Kain dito, kain diyan
Sabihin mo naman sa'kin,
Paano mo nagawang talikuran lahat ng iyan?
BINABASA MO ANG
Anytime, Day Or Night
RomanceIt's so hard to trust again when our life is encompassed of lies- when we already experienced to be fooled, especially, by our love one's. Kiara Leannan began to believe that promises are meant to be broken, due to the challenges, struggles in her l...