"Rise and shine, good morning!"
"Morning din sa'yo, Akiro." Tugon ko kahit ako pa rin ay naka-pikit.
"Hoy, Kiara anong Akiro?" Napa-bangon naman ako ng mabilis at napa-dulat ng mata.
"Ah, eh, Kuya ikaw pala 'yan, good morning. Buti naman at umuwi ka na." Napakamot na lang ako sa'king ulo.
"Akiro, Akiro pala ha? Masaya bang kasama siya?"
"Tangi, mag-kaboses kasi kayo kaya napag-kamalan kitang si Akiro tas 'di ko naman alam na ngayon, as right now ka uuwi, duh"
"Palusot mo bulok," Sinapok ako nito ng mahina. "Hindi man lang nabawasan ang mga pinamili ko bago umalis, hindi kayo kumain kagabi?"
Atleast yung palusot lang yung bulok, eh ikaw? Ikaw mismo yung bulok. Ngi.
"Luh? Sabi sa'kin ni Akiro kagabi wala daw mga pagkain." Napa-kunot na lamang ako ng noo.
———
Limang araw na din ang lumipas,
Ngunit sa isip ko'y hindi pa din kumukupas
Noong akin siyang niyakap ng mahigpit,
At tumugon naman siya ng hindi pilitAko'y nakakalakad na datapwat sa kasunod na dalawang araw pa akong maaaring pumasok upang makasiguro na ok na talaga.
Sa haba ng aking pamamahinga at pagtunganga dito sa bahay. Ganito din kahaba ang kawalan namin ng komunikasyon ni Akiro. Hindi ko naman kasi alam ang numero niya't hindi naman niya ako pinupuntahan.
Syempre ba't naman ba ako nun dadalawin? Sino ba naman ako sa buhay niya. Tsk. Isip-isip din naman Kiara.
Incoming Call..
09238291637Shit, Akiro ikaw ba 'to? Ehem. Ehem.
Kiara: Good evening po, ano pong maitutulong ko sa inyo?
Ms.Ysa: Anak, si Ms. Ysa ito. Good eve din sa'yo anak.
Hayst, kala ko naman si Akiro.
Kiara: Ah Ma'am kayo po pala yan, ano po kayang dahilan ng pag-tawag niyo?
Ms. Ysa: Kasi may gaganapin na paligsahan sa dadating Biyernes
Kiara: Opo, opo
Ms. Ysa: Kamusta ka na ba? Ikaw kasi sana ang aking isasali at alam kong magaling ka sa larangan na iyon. Ngunit ako kasi'y nag-aalala baka 'di mo pa kaya.
Kiara: Ah ganun po ba, maayos naman na po ako. Kakayanin ko naman po, ano po bang paligsahan?
Ms. Ysa: Sa pag-likha ng tula anak
Kiara: Kakayanin ko naman po't uupo lang naman po pag-likha ng tula.
Ms. Ysa: Buti naman kung ganun mas maganda sana kung pumasok ka na bukas. Sa library lang kayong dalawa mag-hapon basa-basa lang.
Huh? Kayo?
Kiara: Po?
Ms. Ysa: Mas maganda siguro kung sabay kayong magbabasa ni Akiro bukas, siya kasi ang napili ko sa medium na english.
Luh pantanga naman. Luh, bat kinikilig ako. Hala.
Ms. Ysa: Kiara?
Kiara: Yes po Ma'am mukha mong maganda iyang ideya. Sige po, papasok po ako bukas. Good night po.
Ms. Ysa: Maraming salamat, good night. See you tomorrow.
The contact ended the call
Luh baka sign na talaga 'to. Pantanga excited na agad ako para bukas. Baka di pa ako maka-focus ng ayos bukas ah. Shete.
*Kring* *Kring*
Sumikat na nga ang araw at ako'y nag-gayak na agad patungo sa campus. "Hoy, Kiara papasok ka na? Kaya mo na?"
"Ako pa, may sasalihan din kasi akong paligsahan." Inayos ko ang aking buhok. "Mag-ingat ka ha?"
"Yes Kuya, bye!"
Nag-hintay ako ng masasakyang taxi papuntang campus para naman hindi agad mabanat ng husto ang aking paa.
"Sir, sa Hartley Campus po." Sabi ko sa driver, hindi naman kalayuan ang campus kaya't mga 3 minutes lang ay nakarating na agad ako. "Heto po ang bayad, salamat."
Marahan akong nag-lalakad patungo sa main door ng building namin. At rinig kong sa may likod ko'y may nag-lalakad ng mabilis o baka sadyang mabagal lang ako.
Bigla namang naramdaman kong may mukhang malapit sa tenga ko, "Good morning, Kiara." Bulong sa'kin ni Akiro't ako lamang ay kanyang nilagpasan.
Sana all mabilis mag-lakad! Shit, nakapukaw din pala sa mata kahit likod lang niya ang kita. Focus, Kiara.
Hindi kalaunan sa'king pag-lalakad nakita ko Thea. "Thea, Thea!" Tawag ko sa kanya pero di niya ata ako naririnig.
Pinilit kong bilisan ang paglalakad at naabutan ko naman siya sa may hallway. Weird nga e, halos lahat ng tao sa paligid naka-tingin sa'kin.
Niyakap ko si Thea, "I miss you, bal." Pumiglas naman siya't kaya natumba ako sa sahig.
Anyare sayo Thea? Hindi mo ba alam na hindi pa ako ganun kaayos?
Hindi ako makatayo sapagkat ang hirap tapos mga tao sa paligid ko kinukuhanan ako ng litrato at bidyo. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari.
Humarap naman at tumingin sa'kin si Thea habang magka-krus ang braso niya, "Sino ka?" Umirap siya't nagka-titigan kami habang sinusubukan ko paring maka-tayo.
"Thea, stop the prank na. Sanay na ako sa'yo baliw, tulungan mo akong tumayo." Sabi ko habang naghihinatay kay Thea upang ako'y tulungan.
Tinaasan niya lamang ako ng kilay, "Excuse me?" Napatungo na lang ako ng sabihin niya iyon.
Bigla namang may umakbay sa'kin, "Stand up." Sabi ni Akiro't tinulungan akong tumayo.
Habang si Thea at ang karamihan ay pumunta na sa kanya-kanyang silid. At ang iba naman ay patuloy pa din sa pag-kuha ng litrato.
BINABASA MO ANG
Anytime, Day Or Night
RomanceIt's so hard to trust again when our life is encompassed of lies- when we already experienced to be fooled, especially, by our love one's. Kiara Leannan began to believe that promises are meant to be broken, due to the challenges, struggles in her l...