CAROUSEL

3 1 0
                                    

Nakaplano na ang lahat.Ang pagpunta ko nalang kai sister Jen ang kailangan kung gawin.

Sabi ng kaibigan ko ay mai mamatay ngayong araw but Hindi nya sinabi kung sino.Ang alam ko lang ay kailangan kung ihanda ang sarili ko kasi alam na daw ni sister jen ang mga nangyayari.

Nagmamadali akong nag suot ng aking bistidang itim na mai kasamang lasong pula na ginawa kung panali sa aking mahaba at itim na buhok.

Nagmamadali akong nagpunta sa kanyang kwarto.
Nga pala gabi na at ang ibang mga bata ay naghahanda na sa pagtulog.

Bago ako pumasok ay kumatok muna ako rito.

Ng makumperma kung pinapapasok na nya ako ay dahan dahan kung pinihit ang pintuan at dahan dahang pumasok.

"Umupo ka Elizabeth". Saad nya at dinaluhan ang pintuan at isinara ito.

Ng makaupo ay napansin kung pula ang mga mata ng madre mapapasing kagagaling lang ata nya sa pag-iyak.

Sister Jen

Ng maipagluto nanamin ang mga bata ay agad akong pumunta sa bahay kumpisalan para mangumpisal at para narin magdasal.

Ng nasa bahay kumpisalan na ako ay Nasa kalagitnaan na yata ako ng aking pagsasaad ng mga kasalanan ko ng mai pumasok.

" Father john?".saad ko ngunit hindi ito sumagot sa kabilang kwarto.Ang totoo nyan ay nagkukumpisal ako mag isa kaya nagulat ako ng mai paring pumasok sa kabilang silid nito.

"Sister....hehehe Hindi ako pare". Saad nito na agad naghatid ng kilabot saakin.

" Sino ka?.....".saad ko.

"Wag kang matakot sister...... Alam mo bang dapat kang matakot doon sa bagong pasok na bata?". Saad nito na ikinagulat ko.

" Anong ibig mong sabihin?mabait si Elizabeth at sino ka namang nanghuhusga?".Tanong ko rito.

"Alam mo sister ito lang masasabi ko.................maamo at innocente si Elizabeth kung titignan....... Ngunit alam mo bang sya ang nasa likod ng mga pagpatay?".saad nito na ikinagalit ko

" Bata pa si Elizabeth at sino ka para iparatang iyan sa isang mosmos na bata?".saad ko ngunit laking gulat ko ng bigla bigla nalang itong humarap.

Gamit ang mga butas ng bahay kumpisalan ay nakita ko ang mga matang mapupula katulad ng matang nakita ko nong gabing mai kausap ang bata sa bintana.

Marahas nyang kinakalampag ang dingding na naghahati sa dalawang kwarto at kalaunay tumawa ito ng napakalas.

"Sister......diba malapit sa Diyos ang mga bata?.....". Tanong nito ngunit nakatikom lang ang mga bibig ko at tahimik na nanalangin.

" hehehhe.......pwes Oo malapit nga pero si Elizabeth?......Matagal na syang kai satanas ha hahahhaha".Agad kung hinawakan ang aking kwentas na cross at itinapat sa demonyong nakausap ko at naluluhang nananalangin.

Our father
Who art in heaven
Ha-

Pagbibigkas ko ng isang dalangin habang naka taas ang kamay at nakatutok sa dimonyong KA harap ko ang maliit kung cross.

Ng namalayan kung wala na ito ay agad akong napahinto sa pagdarasal at iminulat KO ang aking mata ngunit...Laking gulat ko nong bumulong ito.

"Hindi ako tinatablan ng memoryadong dasal sister.....at mas lalong di ako tinatablan ng cross......lahat ng demonyo mai cross na dala sister". Saad nito at umupo ulit sa kabilang  silid,mukha itong usok na agad agad nawawala at makikita mo nalang sa ibang bahagi ng silid na ito.

" Alam mo sister mai ibat ibang klasse ng demonyo,mai mga magnanakaw,mga sinungaling,mga pumapatay,at mai mga demonyong nakikisimba rin at nagkukumpisal,pero si Elizabeth?...... Hahahhaha pinanganak syang demonyo, mamamatay syang demonyo at ipapanganak ulit na demonyo................".saad nito

Di ako makaimik at napapaluha lang na nakikinig.

"A-nong gagawin ko?". Paos kung saad na nagtatanong sa demonyo.

" Hahahaha Ewan?....magdasal ka nalang sister kung gusto mo........hahahaha but kung gusto mo talaga mawakasan ang lahat?............."bitin nitong saad.

Naghihintay naman ako sa sasabihin nya ng bumulong ito ulit.

"End the unstoppable race of the carousel by killing its horse......hahahhahahahha". Saad nito at naglahong Padang bula.

Agad akong napasalampak galing sa pagkakaluhod ko upang magdasal.

Napaluha akong napahawak sa aking kwentas na cross at naguguluhan sa aking nalaman.Di ko lubos maisip na nakausap ko ang demonyo na nagmamanipula ng lahat.

Anong gagawin ko?.tanong sa isip ko habang humahagolgol dahil sa takot na aking naramdaman.

CAROUSEL(RACE IN HELL)Where stories live. Discover now