Wise men say
Only fool's rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I say?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with youSabay ng pagtugtug ng malakas na kanta sa radio ang pag alingasaw ng mga sigaw ng mga Batang nasasapian sa kanilang silid.
Mga Batang nagwawala at nagpapatayan,nagbabatuhan at kung ano ano pa.
Take my hand
Take my whole life too
For I can't help fallen in love with youNagliliparang mga unan, kumot,at ibat ibang laruan ang bumungad sa mga pare,madre,at mga taga silbi ng simbahan ng puntahan nila ang silid ng mga bata.
Itim na mga mata,matatalas na mga kuko at ngipin,at mga bibig na walang makikita kundi purong dugong itim ang umaagos sa mga ito.
Nagbabaliktarang katawan at ang iba naman ay sadyang nahahati.Nagkalat na mga bituka at mga lamang loob ang makikita sa silid.
"Sister's please help this children, isa isa nyo sila dito at magsasagawa kami ng exorcism". Saad ng isang pare na agad naman sinunod ng mga ito.
Ngunit bago pa man makuha ng isang madre ang isang bata ay." Hindi nyo ako mapapaalis dito".at agad na pinihit ng demonyo ang ulo ng Batang sinaniban nito.Takip bibig na napalayo ang madre at agad naghanap ng panibagong bata.
Mai mga pare ng naka hawak ng cross at Bible at ang iba naman ay sinusundan ang mga batang gumagapang sa mga kesame ng silid at ang iba ay nakalabas na ng kwarto.
Pagbigkas ng mga dasal ng mga madre at mga taga silbi ang namumutawi,sigaw naman ng mga batang nahihirapan ang sumasagot sa mga dasal at pagbibindita ng pare ang tanging sandata sa mapait na kapalarang nararamdaman ng mga bata.
Agad na humingi ng tulung ang ibang mga pare sa iba pang nagsasagawa ng exorcism sa kadahilanang napakaraming bata ang nasapian sa di malamang dahilan.Habang nagsasagawa ng exorcism ang mga pare ay abala naman sa pagpapakiusap si sister Jen kai Elizabeth na itigil na ang pagpapahirap sa mga ito.
Ngunit di ito minsang pinakinggan ng bata.
Agad na nabahala si sister ng nagdilim ang buong paligid namatay ang ilaw at nawala ang musikang kahit na love song ay naging masalimoot na kanta sa gabing ito.Agad nyang kinapa ang kanyang crosse fix at ang kanyang flashlight at inilawan ang buong kwarto,ngunit nagtataka itong naigala ang ilaw ng Hindi na ito ang silid nya.
"Elizabeth". Galit nyang tawag sa Batang Hindi nya na mahagilap." Elizabeth ".tawag nyang muli ngunit isang malakas na hampas sa likurang paa nya ang kanyang natanggap.
Hiyaw ng madreng gumagapang ang naririnig Sa madilim na silid.Baling benti ang kanyang natamo at mai sugat itong kailalim dahil sa pagkakabaon ng bagay na iyon.
" Itigil mo na ang kasamaan mo Elizabeth maawa ka sa mga bata".hinagpis nitong saad habang gumagapang papunta kung saan.
"Hehehhe sister baliw kana". Saad ng malalim na Bose's at dahil sa liwanag ng buwan na tumatagos sa kakaibang kwarto sa bintana nito ay nakita nyang nakatayo ang Batang si Elizabeth dito, naka hawak ito ng isang itak sa kaliwang kamay at martilyo naman sa kanan nito.
" Nabalitaan mo ba yung pare na itinago ang anak sa kumbento sister? ".tanong nito sa madre at dahan dahang nilalapitan ang na ngagatog nitong katawan.
" Anong pakealam ko don?".matapang nitong saad.Agad naman na napatawa si Elizabeth sa saad ng madre.
"Syempre dapat alam mo yun diba?....sangkot ka doon diba?". Saad ng bata na nagpagulo sa utak ng madre.
" Anong pinagsasabi mo?....Hindi ko naman alam ang tinutukoy mo".saad nito at dahan dahang kinakapa ang matulis na lapis na nahanap nya.
Napakapit ng husto ang bata sa hawak nyang palakol,at kalaunay napaluha sa saad ng madre.
Agad na inangat ng bata ang palakol at ibinagsak sa balikat ng nakadilat na madre sa harap nito.
Agad na bumaon ang palakol at nagsanhi ng malaking sugat sa kaliwang balikat ng madre, di pa man nawawalan ng Malay ang madre ay buong lakas nyang hinawakan ang palakol at agad na hinila ito para makalapit ang bata sa kanya at doon ay buong lakas nyang sinaksak sa puso ang bata gamit ang lapis na hawak nito.
Napabuga ng dugo ang bata ngunit di nakikita ng madre ang pagkamuhi sa mga mata ng bata habang nakatingin sa mukha nito.Hinila ni Elizabeth ang lapis na nakatarak sa puso nito at inihagis papalayo sa kanya.Agad na napaluhod ang bata sa harap ng madre at napayukong nakangiti.
"Pl-please remember everything NaNa". Saad nito at agad na hinampas ang madre sa martelyong Nasa kamay pa nito.
Sabay silang bumagsak sa sahig at sabay na nawalan ng buhay.
" please comeback Nana".huling saad ng bata at dilat na nakatingin sa mukha ng madre.
YOU ARE READING
CAROUSEL(RACE IN HELL)
Mystery / ThrillerHindi lahat ng kabutihang nakikita ng mata ay maganda. Sa likod ng magandang pakikitungo sa iba,nagkukubli ang mga kasalanang kahit si Satanas ay aayawan ka sa kaharian nya. Warning: This is just a fictional story.Nothing in my chapte...