Chapter 1

474 20 3
                                    


Warning: This story is unedited. It might have typographical and grammatical errors.

Please be advised that this story contains mature themes and strong languages that are not suitable for very young audiences. Read at your own risk.

***


Hindi na ako makapaghintay. Sa sobrang excitement ay muntik ko ng makalimutan ang hard drive na gagamitin ko para sa presentation mamaya.

This is it! Feel ko na talaga that this will be my big break!


Dahil sa pagmamadali, minabuti kong gamitin ang motorsiklo ko dahil sigurado kong aabutin ako ng siyam-siyam kung magko-commute ako.

This will be my first time handling this kind of project. Bukod sa mas madadagdagan ang experience ko sa trabaho ko, malaking tulong ito para matubos ang bahay namin. Naisanla kasi namin ito nung magpa-opera si papa. Heart transplant kaya malaki-laking pera ang kinailangan namin.

-Phone vibrates-

Sandali ko munang itinabi ang motorsiklo ko at saka naupo sa bench malayo-layo kung saan naka-park ang motor ko.

"Mitch asan kana, kanina ka pa hinahanap ni Miss Vasquez." Tukoy ni Hilda sa boss namin.

"I'm on my way na....Med---"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ng may mapakinggang banggaan. Nagpalinga-linga ako sa paligid at hinanap kung nasan ito at napako ang paningin ko sa pwesto kung saan naka-park ang motor ko.

Nakita ko ang motor kong nakatumba, at ang kalat kalat na files. Maging ang laptop ko'y nakakalat din. Inis na naisabunot ko ang kamay ko sa aking buhok. Dali-dali kong nilapitan ang gamit kong nakakalat.

"Hoy may-ari ng kotseng bumangga sa motor ko, bumaba ka jan!" Inis na sigaw ko habang isa-isang pinupulot ang mga gamit ko. Pano na 'to, huwag naman sanang mapurnada ang presentation ko!

"Ano ba! Hindi mo ba ako narinig, baba nga sabi. Baba!!" Asik ko habang lumalapit. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng biglang may lalaking lumabas mula rito. Hindi maitatangging napaka gwapo niya, halos lahat ng detalye sa kanyang mukha ay kapuri-puri. Maging ang pagkaka-ayos ng buhok niya'y nakadagdag sa kanyang charisma. Bago tuluyang mawala sa huwisyo dahil sa perpekto niyang mukha ay hinugot ko ang aking sarili. Siya nga pala ang bumangga sa nananahimik kong motor!

"What's your problem miss?" Halata sa tono ng pananalita niya ang inis. Aba't ang kapal din naman pala ng mukha neto. Hiyang-hiya naman ako, parang siya ang napinsala. Peste!

"Hoy mister obvious naman po na yung kotse mo ay binangga ang motor ko!" Nakapameywang na saad ko habang tinuturo ang motor kong ngayon ay nakatumba pa din. Hindi siya nagsalita bagkus ay isinuot ang kanyang shades na animo'y pagkataas-taas ng araw.

"Tingnan mo kung anong nangyari. Pati yung laptop ko nasira, ang mga files ko nadumihan. Ano na lang ang gagamitin ko nyan mamaya hah! Ano!" Patuloy ko.

"Look miss, don't blame me. Why don't you try to blame yourself first. Just so you know, this is a highway not a parking lot." Sinabi niya ito sa tono na para bang gusto niyang iparating na napakatanga ko.

"Excuse me, nakatabi kaya yung motor ko." Depensa ko.

"That's it. That's why I didn't see it." Nagtitimping usal nito saka dumukot sa coat na suot. If I am not mistaken, cheque 'yon. "Here take this. Hindi na ako magsasayang ng oras para intindihin ka at 'yang mumurahin mong motorsiklo. Mas importante pa ang meeting na pupuntahan ko, kaysa sa ipinuputak ng bibig mo. So miss, I'll excuse myself if you don't mind." Aroganteng usal nya.

Waves Of MemoriesWhere stories live. Discover now