Chapter 10

62 0 0
                                    

Vote and Comment 😊

***


Maagang maaga akong nagising sa sumunod na araw. Kinuha ko ang phone ko at pinatugtog ang favorite song ko. Napapakanta at napapasayaw ako habang nagluluto ng bacon, sunny side up, hotdogs at tocino para sa breakfast namin.

"You know just what to say
Shit, that scares me, I should just walk away
But I can't move my feet
The more that I know you, the more I want to
Something inside me's changed
I was so much younger yesterday, oh..."

Ginawa ko pang mic ang spatula na hawak ko. Kumembot at gumiling pa ako habang pinaglalaruan ang buhok kong naka braid.

"I didn't know that I was starving till I tasted you
Don't need no butterflies when you give me the whole damn zoo
By the way, by the way, you do things to my body
I didn't know that I was starving till I tasted you..."

"Aba good mood ah!" Nakangising bati sa akin ni Cindy na kalalabas lang ng kwarto niya.

Ginantihan ko siya ng ngiti na agad niya namang nakuha.

"OMG!! It's a success! Tell me what happened girl!" Tili nito na ikinatawa ko naman. Lumapit ito sa akin habang sinusundot ang tagiliran ko dahilan para mapa-iktad ako.

"Sure, I'll tell you later" Pagtatapos ko sa pangungulit niya sa akin. Natapos ko na ang niluluto ko na agad kong inilagay sa plato.

"Hmm, amoy pa lang ang sarap na..." Nakapikit na nilalanghap ni Cindy ang mga ulam na kaka-serve ko lang sa mesa.

"Tawagin mo na sila at kakain na tayo" Agad niya naman akong sinunod matapos ay bumalik siya sa dining table. Maya-maya lang ay nagsipunta na din ang iba naming mga kasama.

"Wow, mukhang mapapadami ang kain ko ngayon!" Excited na sabi ni Kian.

"Lagi ka namang madaming kumain, masiba!" Kontra ni Cindy.

( A/N: masiba is another term for matakaw. Just in case hindi familiar sa inyo yung word na 'yon => )

"Kumontra na naman si tomboy," Ganti naman ni Kian.

"Aba tala---"

"Hep, hep, hep, tama na muna ang away mga bagets. Kumain na tayo." Putol ni Mama E sa pagsagot sana ni Cindy sa pang-aasar ni Kian.

"Mamaya ka sakin!" Banta ni Cindy na masama ang tingin.

"Good morning Mitch..."

"Good morning Topher,"

Pansin kong natigilan ang lahat maliban sa aming dalawa. Naguguluhan at nagtataka gayong alam nilang hindi kami nagpapansinan ni Topher at heto kami ngayon at nagbabatian pa.

"Errr, could someone tell us what's happening?" Pagpaparinig ni Cindy.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Topher at parehong natawa sa inaasta ng mga kaibigan namin.

"Tama ba itong nakikita natin guys?" Hindi makapaniwalang sabi ni Kian na ngayon ay natigil na sa pagkain at nabaling ang atensyon sa amin.

"Yes, we're okay.." Sabi ko na lang. Pero gaya ng inaasahan, pinaulanan nila kami ng tanong habang nag-aagahan.

"So, you two are finally okay....how come?" Unang intrega ni Cindy.

"Oo nga paano nangyari? Tapos kami wala man lang kaalam-alam? Kailan pa?" Sunod-sunod na tanong ni Hilda.

Waves Of MemoriesWhere stories live. Discover now