***
It's already past 2:00 in the afternoon ng magising ako kinabukasan. Napahawak ako sa ulo ko ng sumakit ito.Damn! This is why I don't drink alcoholic drinks too much. I hate the feeling of having hangovers. Pero ngayon kailangan kong magdusa. Bukod sa sakit ng ulo dahil sa hangover. Alam kong sasakit ang tenga ko sa sermon ngayong umaga.
Si Cindy!
Nakauwi din ba siya? Paano ako napunta sa kwarto ko? Sinong naghatid sa akin?
"Oh buti naman at gising ka na Mitch. Halika na dito. Sasabunin ka lang naman namin." Salubong ni Hilda paglabas ko.
Sinasabi ko na nga ba.
Kinuwento ko sa kanila ang pagtakas naming dalawa ni Cindy. Tinanong pa nila ang dahilan kung bakit ako uminom pero pinili ko na lamang magdahilan ng...
"Sobra akong stressed lately dahil sa trabaho. Isa pa miss ko na ang Maynila lalo na si mama at papa kaya siguro di ako makatulog. Kaya ayun niyaya ko si Cindy. Alam ko naman kasing hindi kayo papayag."
Totoong stress ako pero di dahil sa trabaho. Kundi dahil kay....PSH WHATEVER!
Oplan: MOVE ON MITCH! Ganyan ako kasawi. Biruin mo walang namagitan samin pero kailangan kong mag move-on. Tanga ko ba?
"Buti na lang at hinatid ka dito ni sir Ezekiel. Nakakahiya nga at buhat-buhat ka na niya dahil sa kalasingan mo" Aniya habang nagbabalat ng mangga.
It takes two minutes bago mag sink-in sa utak ko ang sinabi niya. Agad akong napadaing ng mapaso ang bibig ko sa biglaang pag-inom ko ng kape.
"Ano ba naman Mitch! Kape yan. Baka akala mo tubig kaya pabigla-bigla ka!"
"Uhm s-sigurado ka bang...si s-sir yun?"
Nangunot naman ang noo nito. Nagtataka niya akong binalingan matapos isawsaw ang kinakain sa bagoong.
"Oo naman. Kitang kita pa nga yung suka mo sa damit niya e. Nako! Nakakahiya talaga!"
"ANO!!!?"
"Kelangan talaga pasigaw? Gulat na gulat? Di makapaniwala? Pwede namang mahinahon ah" She asked me in a sarcastic tone. Napahawak ako sa labi ko. Kung ganon, totoo ang lahat.
Totoo din yung halik...
Another reason why I hate being drunk. Nakakalimutan ko yung mga nangyari lalo na kapag lasing na lasing ako. And guess what? Maaalala ko lang kapag nakita ko yung mga taong nakasalamuha ko that night.
Speaking of....
"Si Cindy ba? Nakauwi na?"
"Oo. Nauna pang umuwi yun sayo"
"Pano?"
"Hmm...Yun lang ang hindi ko alam. Oh siya tanungin mo na lang siya tutal pabalik na din naman yun dito"
Kating kati na akong malaman kung ano ang mga nangyari kagabi. Matapos maligo, dito na ako nagtigil sa kwarto ni Cindy. Gusto ko siyang tanungin ng kami lang dalawa ang magkasama. Ayokong malaman ng iba ang mga kahiya-hiya kong nagawa kagabi. Lalo pa't alam kong totoo yung halik niya sa akin.
Biglang bumukas ang pinto at tumambad ang gulat na si Cindy.
"Oh Mitch. What are you doing here. Tagal mo din natulog ah. Kahit kailan talaga ang hina mo sa alak." Umiling ito saka umupo sa kama.
Sumunod ako sa kanya.
"What happened last night? Pano ako nakauwi? Ba't mo'ko iniwan kagabi?" Pinaulanan ko siya ng tanong.
YOU ARE READING
Waves Of Memories
Storie d'amoreMitch didn't expect to meet an arrogant guy one morning. Unfortunately, she will be working for him. From that day, her life becomes complicated. Different memories are flashing back to her. 'Memories fade, but feelings remain' Date Started: April...