***
Mag-iisang oras na akong nag-iintay sa lobby. Akala ko ba 7 am sharp. Pati pala sa kan'ya uso din ang Filipino Time. May pa 7 am sharp pa siyang nalalaman, e sya naman pala itong hindi marunong tumupad sa usapan. Nakakainis kung alam ko lang sanang ganito edi sana nag-almusal man lang muna ako bago umalis.Late na din kasi ako nagising kaya ayon nagdali-dali ako kasi akala ko late na ako. Yun pala hindi! Pambihira. Asan na kaya yung lalaking 'yun? Huwag niyang sabihing nakabangga na naman siya kaya siya male-late ngayon.
"Mitch let's go." Aba't akalain mo nga naman, kadarating lang naman ng magaling kong boss. Ni hindi man lang ako inintay.
Hindi manlang nagawang mag-sorry kung bakit siya na-late. Wait? Teka, itong lalaking 'to magso-sorry? Mas posible pa yatang pumuti ang uwak kesa mapakinggan kong mag-sorry ang Ezekiel na yan.
"Sorry for being late."
Muntik ko ng maibuga ang tubig na iniinom ko. Is that true?
"Ano po?" Tiningnan ko siya. Kita ko ang pagbuntong hininga nito saka humarap sa akin.
"I'm really sorry for being late. I just came home early this morning. Nakaidlip ako, pasensya na." Tama ba 'tong naririnig ko. Nag-sorry siya?
"WHAT ARE YOU DOING MITCH?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko, bigla ko na lang siyang hinawakan sa noo. Wala naman siyang lagnat ah.
"Nevermind sir. Chini-check ko lang po kung okay talaga kayo."
"Pft. Whatever." Anak ng tinola! Tama ba ang nakita ko? Si sir Ezekiel tumawa?
AMBER's POV
Halos magdadalawang oras na kaming naglilibot sa buong resort. Madami na din kaming lugar na napuntahan.
"Woah! Ang ganda!" Humahangang sabi ni ate Cindy.
Kasalukuyan kaming nasa isang compound kung saan puro bulaklak ang paligid. May sampaguita, rosal, rose, daisy, at kakaibang uri ng mga bulaklak na ngayon ko lang nakita. Sa pinakang sentro, mayroong daan na gawa sa bubog, kung kaya't kitang kita ang crystal na tubig sa ilalim nito. Sa dulong bahagi naman ng tulay na bubog, mayroong swimming pool. Napakaganda!
Madaming pool area na kaming napuntahan subalit kakaiba ang isang ito. Napuntahan na namin ang hot spring volcano pool. Pool area kung saan anyong bulkan ang hugis nito. Mayroon din jacuzzi na iba't iba ang kulay ng tubig. Siguro'y dahil sa ilaw na nasa ilalim nito.
"KIAN! AYUSIN MO NAMAN!!" Bulyaw ni ate Cindy. Nagpapapicture kasi siya kay kuya Kian. Halatang bagot na na ito dahil lahat ng lugar na napuntahan namin, siya ang camera man ni ate Cindy.
"Oo na. Hindi ka ba nag-aalala?"
"Saan naman?"
"Na baka mabasag na itong camera sa pang-- ARAY!"
At heto na naman po sila....
MITCH's POV
"Siya si Aling Marta. Matagal ng katiwala sa resort yan kasama ang asawa niyang si Mang Berto. Sila ang nag-aasikaso sa mga produktong ipinapasok sa loob ng resort. Sila din ang nag-iintindi sa hacienda Stanford." Tumango-tango ako habang pinapakilala niya sa akin ang mag-asawa.
"Magandang umaga po." Bati ko dito pabalik.
Pinakilala niya sakin ang lahat ng tauhan ng resort maging ng hacienda. Magdadalawang oras na kaming magkasama. Gaya ngayon nasa hacienda kami. Napakalawak ng lugar, sari-saring mga hayop na may kani kaniyang kulungan. Mayroong iba't ibang mga pananim, mga bulaklak, puno, maging prutas at gulay. Sa dulo at pinaka sentrong bahagi naman ay nandoon ang mansion ng mga Stanford.
YOU ARE READING
Waves Of Memories
RomanceMitch didn't expect to meet an arrogant guy one morning. Unfortunately, she will be working for him. From that day, her life becomes complicated. Different memories are flashing back to her. 'Memories fade, but feelings remain' Date Started: April...