***
Ilang araw ang lumipas matapos ang pangyayaring iyon. Wala namang nagbago. Normal lang ang pakikitungo namin sa isa't isa. Napapatulala na lang kami sa biglang pagtawa niya ng minsang magbiruan kami ng mga barkada ko.Hilda gave me her questioning look. Habang si Cindy naman ay napapa-awang ang bibig.
Gusto kong itanong sa kanya kung may ibig bang sabihin ang sinabi niya ng gabing iyon. Ayokong mag-assume lalo pa't sanay na akong masabihan ng maganda, choss! Pero ewan ko ba kung bakit napakabig-deal lalo pa't sakanya ito nanggaling.
"Hahaha. Ganon ba" Napatulala ako. Tumatawa na naman siya. Maraming beses na itong nangyari pero parang laging bago sa akin.
"Tapos alam niyo ba sir sobrang swerte ng pamilya niyang si Mitch sa kanya...mabait, masipag, matulungin tapos maganda pa" Nabaling ang atensyon ko kay mama E. Ba't napunta sakin bigla yung usapan?
"Oo....sobrang ganda" Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa init nito.
"Ah...eh...k-kuha lang a-ako ng juice, nauuhaw kasi ako"
What the fudge! Ba't ba ako nauutal?
Dahil ba sa titig niya o sa sinabi niya? Maganda naman talaga ako at alam ko yun! No need to mention it. Argh! Okay...erase..erase..Mitch. Maganda ka talaga kaya niya nasabi yon. It doesn't mean anything okay. He's just stating the fact.
Hindi naman talaga ako nauuhaw. Talagang nagdahilan lang ako. Hindi ko lang kasi talaga matagalan yung mga titig niya lalo na nung sinabi niyang 'oo...sobrang ganda' Grrr! Nakakainis! Nag-aasume ako!
Hindi na ako bumalik don. Mas gusto kong mapag-isa. Hindi sa ayokong makasama sila. I just want to be alone right now. Sumulyap ako sa kanila. Nakita kong nagtatawanan pa din sila. Si Ezekiel na tumatawa. Marunong pala siya non?
Napalunok ako ng nahuli niya ang titig ko sakanya. Sinubukan kong labanan ang tingin niya subalit hindi ko ito natagalanan. Nabigo ako. Ako ang unang sumuko.
Ipinatong ko ang baso na hawak ko sa mesang nasa tabi ko saka humalukipkip. Sinubukan kong libangin ang sarili ko sa magandang tanawing nasa harapan ko kahit na ayaw makisama ng utak ko.
"Mitch"
"Ay kupal!" Naramdaman ko ang braso niyang pumulupot sa baywang ko. Na out-balance ako sa gulat na agad niya namang nasalo.
"Careful" Ramdam ko pa din ang kamay niya hanggang ngayon kahit na kanina niya pa ako binitawan.
"Okay ka lang?"
"Ayos lang ako"
"You sure? Pwede namang magpahinga ka na kung...."
Umiwas ako ng akmang hahawakan niya ako sa braso. Hindi pa nga ako nakakaget-over kanina, tas madadagdagan pa? Ewan ko na lang.
"Kaya ko po." tumalikod ako at aalis na ng biglang.....
"Iniiwasan mo ba ako?" Hinarap ko siya.
"Hindi si---"
"Bakit umiwas ka kanina" Putol niya sa sasabihin ko.
Napansin niya pala yun.
"Sumakit po kasi yung braso ko kaya h-hinigit ko kanina." Akala ko'y lusot na ako. Bigla niyang hinila ang braso ko at saka minasahe.
"Feeling better?" Napatitig ako sa kanya.
Seryoso? Ang isang Ezekiel Stanford marunong magmasahe?...
Napapikit ako.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako na parang kinikiliti. Bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko tuwing magkatagpo ang balat naming dalawa.
YOU ARE READING
Waves Of Memories
RomanceMitch didn't expect to meet an arrogant guy one morning. Unfortunately, she will be working for him. From that day, her life becomes complicated. Different memories are flashing back to her. 'Memories fade, but feelings remain' Date Started: April...