Chapter 2

165 18 0
                                    

***

-6:00 a.m.-

Muli akong tumingin sa listahan ng mga dadalhin ko.

☑Clothes

☑Towel

☑Laptop

☑Snacks

☑water

☑hygiene kit

Nang makonteto sa dalahin ay tinext ko sina Hilda, mama E, Amber, Cindy, Kian, Jude at Topher.

"Mitch bumaba ka na dito may naghahanap sayo." Sigaw ni mama mula sa ibaba.

'Baka si Hilda'

Sa pagmamadali ko'y muntik pa akong mawalan ng balanse sa pagbaba ng hagdan.

"Ma asan po si Hilda?" Agad na tanong ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid at nakita ang isang itim na SUV sa tapat ng bahay namin.

"Kayo po ba si Mitch Mendoza?" Ani ng lalaking nasa gilid ko. Kung titingnan ito'y halos kaedad lang siya ng papa ko.

"Ako nga po,"

"Ms. Mitch pinapasundo po kayo sa akin ni Sir Ezekiel." Kinuha naman nito agad ang mga gamit ko. Nagpaalam ako kanila mama at papa bago tuluyang sumakay.

"Hi Mitch." Bati ni Jude pagbukas ko samantalang nakaalalay naman si Topher sa pag akyat ko.

So lahat pala kami ay pinasundo.

"Ibang klase talaga ang Stanford na yon, akalain mo bang ipasundo pa tayo." Ani Kian.

"It's so sweet kaya."

"He's thoughtful. Gosh naiin-love ako lalo sa kanya!"

"Tumigil ka nga Cindy, nakakaasiwa ka!"

"At bakit Kian nagseselos ka?"

"Ako? Selos? In your dreams!" Napatawa kami sa bangayan ni Cindy at Kian. Lagi na lang kasi silang ganyan.

"Oh teka, baka naman magkatuluyan kayo niyan" Ani Topher na natatawa sa inaasta ng dalawa.

"YUCK/NEVER!!" Angal ni Cindy at Kian. Masamang tumingin ang dalawa sa isa't isa. Kami nama'y di natigil sa pagtawa hanggang sa di na namin namalayan ang byahe.

"Andito na po tayo." Anunsyo ni Mang Ben short for Ruben. Family driver ng mga Stanford for 20 years at siya din ang kasalukuyang tagapangalaga ng resort.

"Manong saan po tayo pupunta? " Tanong ko ng mapansing nasa dalampasigan kami.

"Sasakay ho tayo ng yate Ma'am para makarating sa kabilang isla."

At napahanga na naman kami sa yate na pag-aari ng mga Stanford. Yayamanin talaga. Ano pa kaya ang ibang pag-aari nila? Curious lang. Sa yaman ba naman ng pamilya nila, hindi na'ko magtataka kung bukas-bukas pag-aari na nila ang Pilipinas. Hehe, char lang.

"Wow! ang ganda naman dito ate Mitch." Ani Amber.

Kararating lang namin sa isla Villaroca matapos sumakay sa yate ng mga Stanford.

"OMG! this place is so nice. Picture picture."

"Kian picturan mo kami ni mama E para may pakinabang ka naman sa mundong ibabaw."

"Aba't talagang sumusobra ka na ah...Itong tomboy na--OUCH ba't ka ba nambabatok hah?"

"Andami mong satsat. Dalian mo na!" Padabog nitong kinuha ang camera. Kawawang Kian.

Waves Of MemoriesWhere stories live. Discover now