A/N:
Bago ang lahat gusto ko munang magpasalamat sa gumawa ng book cover na'to. Salamat nak😘***
Sa sumunod na araw nga, sinundo kami ni Mang Ruben para ipasyal sa Kabugsakan Falls sa kabilang bayan. Tago ang lugar at pribado. Konti lang ang nakakapunta dahil may kamahalan ang entrance fee.
Maganda ang lugar pero hindi ko ma-enjoy dahil hanggang ngayon naaalala ko pa din ang kahihiyang nagawa ko. Si Topher at Kian ay nag-aayos ng tent na tutulugan namin mamaya. Sayang daw naman kasi kung hindi namin susulitin yung binayad ni......basta yun na yon.
Ayokong maisip ni mabanggit ang pangalan niya dahil bukod sa gwapo niyang mukha, naaalala ko yung sagutan namin at yung halik.
Si Jude at Amber ay tinutulungan si Hilda sa paghahanda ng kakainin namin. Si mama E at Cindy naman ay abala sa pagpipicture sa isa't isa. At ako naman na hindi pa din makaget-over, tulala sa isang sulok.
"Buti naman at nakasama ka."
Kamalas-malasan nga naman oh! Akala ko ba hindi siya kasama.
"Ak-kala ko hindi...kayo..kasama sir?"
Pilit kong umakto ng normal yung parang walang nangyari. But I failed, nauutal pa din ako.
"I canceled all of my appointments for today. Gusto ko kayong makasama....lalo ka na." He looked at me intently. Yung tipong matutunaw ka sa tingin.
"Ahh...e...punta lang ako kay Hilda. Aayusin ko lang yung kakainin natin"
Humarang siya sa dadaaanan ko. Humakbang siya papalapit kaya umurong ako hanggang sa mapasandal na ako sa railings ng tulay na kinatatayuan ko.
"Iniiwasan mo ba ako?" Mas lalo niya akong kinulong gamit ang mga bisig nya. "I know you are..." Napabuntong hininga siya saka malungkot na tumingin sa akin. "I'm sorry Mitch...I'm really sorry if I kissed you" Nangibabaw ang kabang nararamdaman ko.
Kung ganon, wala lang pala sa kanya ang halik na 'yon.
"Okay I understand."
Sinubukan kong maging kaswal. Pakiramdam ko'y nanghihina ako. Hindi dahil sa kabang dulot ng presensya niya kundi dahil sa katotohanang wala lang sa kanya ang lahat.
Ano nga bang karapatan kong mag-assume? Maaaring ginawa niya lang 'yon para patahimikin ako. It doesn't mean anything okay,..
Umalis ako at tinalikuran siya. Agad kong pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko. Shit! Bakit nga ba ako umiiyak. Grabe. Ang OA ko na talaga.
"Where have you been Mitch? O sya, ikaw na lang ang mag-ihaw ng mga barbecue ng makakain na tayo"
Agad naman akong sumunod sa pinag-utos ni Hilda. I want to divert my attention.
YOU ARE READING
Waves Of Memories
RomanceMitch didn't expect to meet an arrogant guy one morning. Unfortunately, she will be working for him. From that day, her life becomes complicated. Different memories are flashing back to her. 'Memories fade, but feelings remain' Date Started: April...