Chapter 7

65 3 0
                                    

Vote and Comment!

***


Lumipas ang limang araw ng hindi ko pa din gaanong iniimikan si Topher. Unlike before na lagi kaming magkasama. I know that I'm being too much to act like this, pero naiilang talaga ako kapag naaalala ko ang sinabi nya.

I only see him as a friend, no more and no less.

"Ilang araw na yan ah. Wala ka pa rin bang balak kausapin yung tao?"

"Cindy hindi ko pa kaya,"

"Hindi mo kaya..? E dati nga kulang pa ang isang araw pag kayo ang magkasama."

"Dati yun, nung hindi ko pa alam na may gusto siya sakin. Ayoko lang umasa yung tao, ayokong umasa siya na may chance na maging kami."

"Kaya hindi mo kinakausap, kaya hindi mo iniimikan, ganon ba?"

"Ayoko siyang saktan, hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya..."

"At sa ginagawa mo, tingin mo ba hindi siya nasasaktan,"

That hit me. Sa ginagawa kong pag-iwas sa kanya, alam kong nasasaktan sya. Lalo na sa part n'ya na naglakas na nga sya ng loob na umamin sa kabila ng consequence na kapalit ng pag amin niya. Na handa siyang harapin at tanggapin ang consequence na 'yon maamin lang ang totoo ng walang hinihintay na kapalit.

"Ayoko lang ma-mis-interpret niya yung trato ko sa kanya, Cinds."

"Edi ipaliwanag mo sa kanya. Sabihin mong friendship lang ang kaya mong ibigay sa kanya. Hindi yung ganyan na hindi mo siya pinapansin."

"Pero paano?"

"Aba'y alamin mo! Gaga ka, ikaw yung may problema tapos sakin mo itatanong kung anong gagawin mo. Binigyan ka na nga ng advice lahat-lahat, abuso ka na."

"Hindi ko kasi talaga alam kung paano ko siya kakausapin."

The next day in the morning. Sunday kaya day-off namin. Minabuti ko munang mapag-isa para makapag isip-isip na din.

"Ate mag kano po dito?" Turo ko sa marmol na vase. Souvenir para kay mama. Nagpunta ako sa mall para aliwin ang sarili.

"350 po ma'am, bibili po kayo?"

"Yes." I gave her 500 pesos and wait for my change.

Matapos aliwin ang sarili sa pamimili, nagdesisyon na akong umuwi. Madami-dami na din kasi 'yung dala ko.

Halos lahat na yata ng boutique na madaanan ko, bumibili ako.

"Miss tulungan na kita,"

"Hindi na kailangan ka-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng mahulog ang ibang dala ko.

'Maybe a little help will do.'

"Thanks." Nahihiyang sabi ko ng kunin nya ang mga nahulog na dala ko.

"I bet you're not a resident here, right?"

"Yeah. I'm just here for work."

"I'm Darius Santillan by the way."

Santillan?

"You're the owner of the Santillan's Resort right?" Agad na tanong ko.

"My parent actually but technically I'm the owner too, why?"

"Nothing. Sa kabilang resort kasi ako nagtatrabaho."

"The Stanfords, so you're working for my childhood friend huh,"

Waves Of MemoriesWhere stories live. Discover now