Chapter 9

59 0 0
                                    

Vote and Comment 😊

***

Gaya ng nasa plano, magpapanggap akong nalulunod once na nasa may entrance na siya ng resort kasama si Ezekiel. Kaya nandito kami ngayon at pinapa-alis ang ibang tao sa may beach area. Pati ang mga mangingisda, mga turista at bangkero ay hindi nakaligtas kay Cindy.

"Kuya pogi!" Tawag niya sa mangingisda na kadarating lang. Kasalukuyang hinihila ang bangka patabi.

"Bakit po Ms. Ganda?" Aba mukhang kinilig pa ang bruha ng tawagin siyang Ms. Ganda.

"Me and my friend po kasi needs your help. We want this area to be clear so that we can establish our plan firmly. Pwede po bang dun muna kayo sa other side, kung gusto niyo naman punta po kayo dun sa cottage na iyon.." Sabi niya sabay turo sa cottage kung nasaan si Hilda. "May mga foods po doon. Sabihin niyo na lang po dun sa friend namin na ako ang nagpapasabi. Doon niyo na din kainin, pameryenda po namin sa inyo ng friend ko for your cooperation." Napatampal na lang ako sa noo sa ideyang pumasok sa kokote niya.

"Aba'y nakakahiya naman po sa inyo ni Ms. Cute..." Kamot batok na saad nito. Bakit sakin cute lang tapos kay Cindy Ms. Ganda. Ang unfair naman yata ni kuya!

"Oo nga po ma'am." Sang-ayon ng isa sa mga kasama niya.

"Nako don't worry mga kuya. It's fine, right Mitch?" Sabi niya na pasimple akong pinandilatan ng mata. Grabe ang isang 'to, magtatanong tapos pag sasagot pwersahan naman. Sana hindi na lang siya nagtanong.

"Uhm yeah."

Ngiting tagumpay ang bruha ng mapapayag niya ang mga mangingisda at bangkero na kinausap niya kanina. Tingnan na lang natin mamaya kung nakangitika pa ng ganyan kapag nasermonan ka na ni Hilda. Good luck na lang sayo Ms. Ganda.

"Ano pa nga ba....oh shoot! Tama tama I need to get him out of the scene!" Bulalas ni Cindy sa tabi ko na parang akala mo'y nanalo sa loto na ipinagsisigawan ang pagka-panalo. Mabuti na lang at hindi nabasag ang eardrum ko.

"Ano na naman yan?"

She face me with a pair of eyes wide open.

"We need to find Topher! Sure kasi ako na baka kapag nakita ka na niyang kakapag-kapag ay maunahan niya pang pumunta si Ezekiel para sagipin ka. Alam mo naman na may gusto 'yon sayo diba. Edi kapag nagkataon, mission failed tayo. Aba hindi pwede 'yon! Ni minsan hindi pa sumablay ang isang Cindy Monreal! Ayoko naman masira ang magandang record ko!" Napairap na lang ako sa naisip niya.

"We need to find him immediately!" Sabi niya saka nagmadaling maglakad at maghanap kay Topher.

"Hey Mitch faster wag kang kilos pagong!" Sigaw niya sa akin ng makitang malayo ang pagitan naming dalawa. Sumunod naman ako sa kanya dahil ayoko namang masermonan niya kung hindi ko susundin ang gusto niya.

"Oh there you are!" Turo niya kay Topher na ngayon ay papasok na ng resort. Mukhang kagagaling lang sa pag-jogging dahil bukod sa suot nito ay pawis na pawis ito. Seryoso ba siya sa lagay na 'yan? Tanghaling tapat nag-jogging siya? Baka imbes na ganda ng katawan ay heat stroke ang abutin niya.

"Me?" Turo ni Topher sa sarili.

"Yes you!" Hinihingal na sagot ni Cindy matapos takbuhin ang pagitan nilang dalawa ni Topher. Alanganin naman akong lumapit sa kanilang dalawa dahil ang totoo'y hindi pa din kami nag-uusap ni Topher. Napaka-awkward naman kasi ng sitwasyon naming dalawa.

"Why?" Napa-iwas ako ng tingin ng mapako ang tingin niya sa akin.

"Hey yow! I'm the one who's talking here Topher, not her. So sa akin dapat ang tingin hindi sa kanya. It's so rude to act like that, you know?" Agaw atensyong banat ni Cindy. Naiiling naman itong tumawa sa sinabi ng kaibigan namin bago alisin ang tingin sa akin.

Waves Of MemoriesWhere stories live. Discover now