Chapter 8

54 2 0
                                    

Vote and Comment 😊

***

Isang linggo ang lumipas na malamig ang pakikitungo sakin ni Ezekiel. Kapag may kailangan akong papirmahan sa kanya, laging sa sektetarya niya ang bagsak ko. Kapag magkakasalubong naman kami, lumilihis siya ng daan. Kapag kakausapin ko siya, sasabihin niyang may important meeting siyang dapat puntahan.


Lahat na ng paraan ay ginawa ko magka-ayos lang kaming dalawa pero ni isa sa mga 'yon ay walang gumana sa kanya. Lagi niya na lang akong inietchapwera.


"Naka-usap mo na ba siya?" Tanong sakin ni Cindy pagpasok ko sa kwarto niya. Sa kanilang lahat, si Cindy lang ang sinabihan ko sa mga namagitan samin ni Ezekiel dahil bukod sa maiintindihan niya ako, mas mabuti na din ito para naman may malapitan ako. Hindi naman sa hindi ako maiintindihan ng iba naming kasama, mas komportable kasi akong sabihin ang lahat ng 'yon kay Cindy para na din hindi maging awkward sa iba. Gusto ko kasi na hanggat maaari walang ibang makaalam pero dahil nga sa tiwala ako na kahit papaano gagaan ang pakiramdam ko kung may masasabihan ako, minabuti ko na lang na sabihan si Cindy.


"Hindi pa nga e, lagi na lang nya akong dinedeadma." Bumuntong hininga ako dahil ang totoo'y nahihirapan na din ako. Hindi na nga kami nagpapansinan ni Topher tapos ngayon pati na din si Ezekiel. Hindi ko naman masisi si Topher kasi ako din naman ang may kasalanan dahil sa twing lalapitan niya ako, umiiwas naman ako at nagdadahilan parang gaya ng nangyayari samin ni Ezekiel. Naisip ko tuloy na baka kinakarma na ako.


"Isang linggo na yan ah. Ito ngang si Hilda nakakahalata na. Kinukulit nga ako nung nakaraan kung ano ang nangyari sa inyo ng boss natin buti na lang nakaisip agad ako ng dahilan para hindi na siya maghinala..." Sa aming magkakatrabaho, si Hilda ang mapagmasid sa ikinikilos namin at mga nangyayari sa paligid kaya hindi na ako magtataka pa na sa mga susunod na araw ay malaman niya na tama ang hinala niya. Talagang hindi siya titigil hanggang sa makumpirma niya ang hinala n'ya.


"May pagka-detective pa naman ang isang 'yon." Dagdag pa niya na sinang-ayunan ko naman.


Mabuti na lang at na-extend ang pag-stay namin sa resort nila ng isa pang buwan sa kadahilanang hindi pa tapos ang trabaho namin dito at hindi pa naiisa-ayos ang lahat. Pati na din ang magazines to promote their resort.


May isang buwan pa kami para ayusin ang lahat. At ako naman para ayusin ang kung ano man ang namamagitan saming dalawa.


"Oh my Gosh! I have a plan girl!" Nagulat ako sa pagtili nito. Tumayo pa ito at nagtatalon na parang nanalo sa loto.


"Ano naman 'yon?" Sumenyas naman siya sa akin na ibubulong niya ito kaya't lumapit ako sa kanya.


"Come closer," Utos niya na agad ko namang sinunod. Humagikhik muna siya bago ibulong ang plano niya.


Bigla tuloy akong kinabahan sa hagikhik nyang 'yon. Kapag ganoon kasi'y sigurado akong kalokohan ang naisip niya.

Waves Of MemoriesWhere stories live. Discover now