Chapter 24: Ms.Minchin, Whoops Kirri, and Cooking Lessons?!

44 2 1
                                    

Sinabi ko ang plano kay Karen at Gillian, pati na rin kay Mother. Siyempre alam na rin nina Sebastian, Michael at Gerard.

So ang plano ay ,mapa-experience kay Cassie (may nickname na?) ang hindi niya pa nae-experience.

Si Karen at Gillian may plano, mag-girls night out daw sila-pero siyempre hindi pa alam ni Cassandra -umoo naman ako-kahit na hindi ko alam kung anong ginagawa sa girls night out-. Gusto nga nila ako isama, pero ang sabi ko ako ang gagawa ng cake. . .er. . .kasama ko nga pala si William. Sa moment na sinabi ko yun, nagmukha silang isdang tinanggal sa tubig sa sobrang kilig.

" Ang sweet naman, ikaw pa ang nagyayang sumama si koyang William!" sigaw ni Gillian

" Kilig to da bones!" ani Karen

" Ewan ko sa inyo!" tinignan ko yung orasan na nakakabit sa pader. " Hoy, lubog na ang araw, pwede na kayong mag-girls night out" nag-share ng ngiti ang dalawa at nagsimula nang hanapin si Cassandra.

Ano kaya'ng gagawin nung dalawang yun kay Cassie?

Sabi nila ita-transform daw nila si Cassandra, excited na nga akong makita yung transformation niya. Lagi kasi siyang naka-bun, at naka-salamin pa. Kung tutuusin, maaalala mo si Ms. Minchin sa itsura niya, pero sobrang taliwas naman sa ugali ni Ms. Minchin ang ugali niya.

nagtext na sa'kin si Karen, umalis na daw sila. The birthday plan will now commence!

-- -- -- -- -- --

Si Gerard, Michael, Sebastian at yung ibang maids (lalo na yung mga kaibigan ni Cassie) ang tumulong na mag-organize nung venue, which is sa garden. Si Mother hinahanda na yung sound system, siya daw yung emcee!

At kami naman ni William. . .


" I've done cakes before, but I'm not familiar with strawberry cake" I broke the silence in the kitchen. Nakalatag na lahat ng ingredients at utensils sa counter, ang kulang na lang ay magsimula kami

" I have! lots 'a lots 'a lots 'a lots 'a times before!' para siyang bata. Sa sobrang excited niya, iisipin mo tumungga siya ng kalahating kilong asukal (A: OA!)

' Let's start!" he exclaimed

-- -- -- -- -- --

Ang una, ni-preheat muna namin yung oven, tapos siya yung nag-sift ng flour. Ako naman kumuha ng cake pans at nilagyan ito ng parchment papers.

Ako uliyung nag-mix ng butter at sugar hanggang sa naging fluffy na sila. Pagkatapos nilagyan ko ng itlog, pero isa-isa yun. Nang nahalo na lahat, nilagay na ko na ang vanilla extract at food coloring.

Natatakam ako sa amoy, pinigilan ko ang sarili ko sa pagsundot ng daliri ko sa batter.

Once na nailagay ko na lahat ng ingredients, ini-tap ko muna yung pan sa counter at tinulungan ako ni William na ilagay ito sa loob ng oven, baka daw mapaso ako, natats naman ako (X'D)

Si William naman ang gumawa ng frosting. Ni-mix niya yung butter at cream cheese sa loob ng malaking bowl. Hinalo niya na rin ng one by one ang vanilla at strawberry puree. Pagkatapos nilagay na niya ang asukal, at hinalo uli.

" Boop" nilagyan niya ako ng frosting sa ilong. 'ba'y loko 'to ah! sinundot ko rin yung daliri ko sa frosting at nilagyan din siya sa ilong " hahaha! Bleh!" nilabas ko yung dila ko at sinabihan siya ng 'belat!'

" Oh, so you're challenging me now?" unti-unti siyang nag-smirk at kumuha siya ng natirang flour.

I replied with," Don't. You. Dare" 

Princess Tomboy (On Hold for who knows how long..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon