Nasa palasyo na kami,gabi na at malapit na kami matulog. Iniisip ko uli yung mga nangyari kanina. Nung binigay niya sa'kin yung rosas, may naaalala ako. Ano nga ba yun???
Bahala nga nga! maliligo na ako at matutulog!
Ang sarap ng feeling ko sa shower, nag-concert nga rin ako dun eh,paglabas ko ng banyo nakita ko sa higaan ko may red rose nanaman tapos may card, ang nakasulat:
So when is our first date?
Don't worry,I'll wait for it!
*sweatdrop* ewan ko ah, pero kahit aminin kong crush ko siya,nao-awkwardan pa rin aako kapag kasama siya o kapag kaming dalawa lang. May feeling din na komportable, ANG COMPLICATED!
Nako-confuse na rin ako sa gender ko,ano ba talaga?! saan ka ba masaya Maria Sunshine Wilhelmina Evangeline Renee de Clarin???. Baka mamaya malaman ko na lang na bisexual pala ako! (atleast hindi mapili :) )
Inilagay ko yung RED rose ko sa vase na may tubig, kung saan ko na rin inilagay yung RED rose na binigay niya sa akin kanina lang.
.
.
.
Na-realize ko lang...pumasok sa loob ng kwarto ko si William?..........................O_O
Ibig sabihin narinig niya rin akong kumanta?!
-- -- -- -- -- -- -- --
Crash!
Napa-upo ako bigla sa higaan ko, nakakagising yung tunog. May nabasag 'ata.
Pumunta ako sa pinto dala-dala si Mr.slice-a-lot. Pagbukas ko ng pinto lumingon muna ako sa kaliwa at kanan tapos naglakad. Sinundan ko kung saan ko narinig yung tunog.
Nandito na ako sa Main Hall, hindi dito galing yung tunog. Naglalakad uli ako papunta sa.......sa kwarto ni Mother. Pagtingin ko sa pinto may nararamdaman akong presensya.....may tao dito.
Imposibleng si Mother ito kasi kung nandito siya, maaamoy ko dapat yung perfume ni Mother na 'pag naamoy ko eh baktol na kung dumikit sa ilong ko!
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. May nakita akong anino, nasa safe ni Mother! isa lang ang ibig sabihin nito. Isa siyang MAGNANAKAW!!!
"Wag kang gagalaw-" Ay tangek! bakit ba ako nagta-tagalog?! "Ah...I mean, don't move!" hindi nga siya gumalaw pero nanginginig yung balikat niya "What's wrong?" tanong ko "....haha,epic fail..." aba'y loko 'to ah! tinatawanan ba naman ako!
Naka black hood siya kaya hindi ko siya makilala pero yung boses niya...pamilyar..."Turn around" utos ko. nang humarap siya sa'kin...................Hala! hindi ko inexpect 'to! (A/N: ako rin eh -__-')
.
.
.
.
.
.
"M-Michael?" nakatitig lang ako sa kanya. Ganun rin siya."Bakit ka nandito?!" tanong ko sa kanya.,tumingin ako sa likuran niya at salamat naman sa Diyos! hindi pa nakabukas yung safe.
Sa tingin ko nagulat din siya...sa tingin ko. Mahirap kasi basahin ang nararamdaman niya. Mukha nanamang bored.At sobrang bilis ng pangyayari nakalabaas na siya. Tumalon sa nabasag na bintana, yung narinig ko kanina na nabasag. Haay...kailangang higpitan ang security dito sa palasyo.
BINABASA MO ANG
Princess Tomboy (On Hold for who knows how long..)
RandomIto po ay isang istorya tungkol sa prinsesang tomboy na nagngangalang Maria Sunshine Wilhelmina Evangeline Renee de Clarin...*hingal* *hingal* Siya po ay nagcro-crossdress,at mayroon siyang dalawang katauhan.Si Willy ang tomboy mode,at si Maria ang...