CHAPTER 6

23 9 0
                                    

MAYAMAYA'Y dumating na sina Rhaiin at Shintaro. Agad nakaagaw pansin sa dalawa ang dalagang si Ecaii.

"Ciejhay!" nakipag-apir muna ang mga ito.

Ipinakilala ng binata ang mga ito sa kanyang mga kaibigan. Umahon muna ang iba para makilala ang dalawa.

"Hi, I'm Jean!" nakipagkamay ito kay Shintaro.

Agad napalagayan ng loob ng mga ito ang dalawa dahil sa hindi mahiyain. Habang nag-uusap ay panay ang sulyap ni Rhaiin kay Ecaii.

"Boyfriend niya ba 'yang John Mark?" bulong na tanong ni Rhaiin kay Ciejhay.

"Oo. Bakit mo naman natanong?" nagtataka si ang kaibigan.

"Wala!" tanging tugon nito.

Kinikilig naman si Jean kapag kumikindat sa kanya si Shintaro. Nagyaya muli sila na maligo sa dagat. Sumama na sina Ecaii at John Mark. Maliban kay Ciejhay at sa dalawang nakababata.

"Ciejhay! Makinig ka. May sasabihin kami," seryosong sabi ni Rhaiin.

Nakangiting makikinig ang binata.

"Doon sa Site na pinag-research-an natin, may mga taong naghahanap ng ganoong klase ng larawan at magbabayad daw ng malaki." Sabi ni Shintaro at tinitigan ng mabuti ang kaibigan.

"Ano? Bakit niyo sinasabi 'yan?" hindi maunawaan ni Ciejhay ang ibig nitong sabihin.

"Death Pictorial ang nakalagay sa Site. Isa iyong organisasyon na magbabayad ng malaking pera kung gagawin natin ang utos nila. Nakuha ko na ang number ng namununo roon." Hinawakan sa magkabilang balikat ni Rhaiin ang binata. "Mga kaibigan mo ang gagamitin natin," ngiti nitong dagdag.

"Huwag niyo akong pinagloloko. At isa pa..." putol nitong sabi.

"Makinig ka muna." Hinigpitan na ni Rhaiin ang pagkakahawak dito. "Isang milyon kada buhay!" nang sabihin niya iyon ay naglakas-loob na bumitaw si Ciejhay at mababakas sa mukha nito ang galit.

"Kayo ba talaga ang mga kababata ko? Ang sama niyo naman! Kung pumapayag kayo sa Death Pictorial na pinagsasabi ninyo, maghanap kayo ng mga taong lolokohin ninyo!" mataas ang tinig na pagkakasabi ng binata.

Napatingin ang iba niyang mga kaibigan dahil alam nilang nagagalit ang binata. Napatingin din si Ciejhay sa kanila at kumalma. Lumapit na si Nick upang matukoy kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Ano'ng nangyayari mga 'tol?" tanong ni Nick.

Huminga ng malalim si Ciejhay at umalis palayo dahil hindi makapaniwala sa mga sinabi ng kanyang mga kababata. Si Nick na lang ang natirang nakikipag-usap sa mga ito.

Natapos na sila sa pagliligo sa dagat. Sama-sama silang kumain sa Cottage. Tahimik pa rin si Ciejhay sa pinakagilid kaya't lumapit na ang mga lalaking kaibigan.

"Ano ba'ng pinag-usapan ninyo at tila bigla ka yatang nagalit?" tanong ni John Mark.

"Wala 'tol. Baka hindi lang nila napag-isipang mabuti," tanging tugon nito.

"Kung ganoon ay hindi na namin aalamin. Mga kababata mo sila at mas alam mo ang ugali ng mga iyon." Tinapik ni Jerson sa balikat ang kaibigan.

Sa panig nila Nick...

"Totoo naman kaya ang mga nabasa ninyo sa Site kanina?" interesado si Nick.

"Oo at natawagan na namin sila. Handa silang magtungo rito kung kailan naming gusto." Siguradong sabi ni Rhaiin.

Napasulyap si Nick sa mga kaibigang masayang nag-uusap. Nag-iisip siyang mabuti sa mga sinasabi ng dalawa.

"May gusto ka rin ba 'dun sa Ecaii?" biglang tanong ni Shintaro sa binata dahil iba ang titig nito sa dalaga.

Death Pictorial (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon