CHAPTER 11

18 5 0
                                    

"HINDI KO..." napatigil siya sa sana'y pagsalungat ngunit itinutok na sa kanya ang baril.

"Gagawin mo sa ayaw at gusto mo! Mas madali pa nga iyan kung ikukumpara sa naunang sumalang." Galit na tinig ni Marvelo.

Napapatingin si Jerson sa nakangiting si Nick na tila natutuwa pa sa mga naririnig. Binitawan siya ng mga lalaking humahawak sa kanya. Iika-ika siyang lumapit sa lamesa at hinanap doon kung nasaan ang palakol. Marahan niya iyong kinuha at hinawakan ng mahigpit. Bumalik siya sa harap ni Pearl at alam niyang hinding-hindi niya ito kayang gawin.

"Jerson. Parang awa mo na..." hikbi ni Pearl.

Sa gilid ng mga mata ay kita ng binata ang katuwaang nasa mukha ng mga nagtraydor sa kanila. Sa isip niya, bahala na ang mamatay ng lumalaban kaysa siya ang pumatay sa sariling mga kaibigan.

"Patawarin mo ako." At iniangat ni Jerson ang palakol.

Napapikit si Pearl dahil alam niyang nasa gitna na siya ng kamatayan.

"Hindi..." pasigaw ni Ecaii.

Malakas na pagkakahagis ang ginawa ni Jerson sa palakol patungo kay Rhaiin at tumama iyon sa noo ng binata. Mabilis na pag-agaw sa baril ang ginawa niya sa hawak ni Marvelo at pinaputok niya iyon. Tinamaan ito sa kanang braso at natumaba nang sandali sa kinatatayuan.

"Mga hayop kayo!" papuputukin niya muli sana ito ngunit umalingawngaw na ang sunod-sunod na ingay mula sa baril.

Lumabas sa bibig niya ang napakaraming dugo at gimbal ang makikita sa lahat ng kanyang mga kaibigan. Napayuko si Pearl sa takot at pagkabigla. Ngumiti pa si Jerson sa harap ni Nick na siyang bumaril dito bago tuluyang bumagsak at malagutan ng hininga.

"Nick! Bakit? Walang hiya ka!" pagsisigaw ni Ecaii dito.

Ibinaba nito ang baril na dinukot mula sa Short ni Rhaiin na wala ng buhay dahil sa palakol sa tumama sa noo nito. Sa mukha ni Ciejhay at John Mark ay makikita ang galit na hindi na kayang pigilan pa. Ang sarili pa mismo nilang pinagkatiwalaan ang pumaslang kay Jerson. Tumayong muli si Marvelo na hawak ang brasong nagdurugo.

"Hindi kasi siya nag-iisip bago gumawa ng kilos." Ngiting sabi ni Nick at lumapit pa sa bangkay ng kaibigan. "Pasensya na 'tol. Mukhang hindi ka na nga inabot ng bukas." Pang-iinsulto pa nito bago bumalik sa wala na ring buhay na si Rhaiin.

"Nakita niyo na ang nangyari sa taong hindi sumusunod sa gusto namin." Ibinalot ng lalaki ng pinunit na tela ang braso at muling pinulot ang baril na inagaw ni Jerson.

"Tito! Demonyo kayo. Demonyo!" hindi na rin mapigilan ni Ciejhay ang sarili.

Sinisisi rin ng binata ang sarili dahil hindi niya agad sinabi sa mga kaibigan ang mga binalak ng kanyang kababata. Hinintay niya pa kasing humantong sa ganito. Siya pa ang nagdala sa mga ito sa kapahamakan. Pati ang lolo at lola niya hindi matanggap na wala na ang mga ito.

"Ang demonyo, sa Impyerno ko pa makakaharap. Pero ang pera, araw-araw kong malalasap." Tanging sabi ni Marvelo bago muling humarap sa nakaluhod na si Pearl. "Bumangon ka! Ako ang pipili ng magiging kaparehas mo." At pinagmasdan nito ang magkakaibigan.

Tumigil ang masama niyang titig kay Shaira. Sumulyap siya sandali kay Ecaii na nagtataka at ibinalik ang tingin sa kapatid ng dalaga.

"Ikaw, Baby Shaira!" at tila sasabog na talaga ang puso ni Ecaii.

"Huwag! Huwag ang kapatid ko. Pakiusap! Ako na lang." Hikbing pagkakasabi ng dalaga.

Hindi siya pinakinggan ng lalaki at inalis sa pagkakagapos ang kapatid nito.

"Ate..." iyak din nito habang nagmamakaawa ang mukha sa nakatatandang kapatid.

Lumapit si Desiree at sinampal ito sa magkabilang pisngi.

"Tumahimik ka!" at inulit pa iyon.

"Wala kang karapatang saktan ang kapatid ko. Hayop ka!" ngunit kahit anong pagsisigaw ni Ecaii ay wala naman iyong magagawa bagkus ay tinawanan lang siya ng mga ito.

Kinuha muli ni Marvelo ang kristal na garapon at inilapit sa harap ni Pearl. Naluluha siyang ipinasok ang isang kamay doon at nanginginig na kumuha ng isang nakarolyong papel. Kinuha ito ng lalaki at binuksan.

"Mukhang masuwerte ka at lumayo sa iyo ang kamatayan." Ipinakita nito ang simbolo sa dalawa. "Tyek ang nabunot mong simbolo kaya ikaw ang gagawa ng Death Pictorial para kay Shaira. Goodluck." At humalakhak ito na sinabayan muli nila Nick at Shintaro.

Mas lalong tumindi ang takot at pangambang nararamdaman ni Ecaii. Kapatid niya ngayon ang nakasalang at papaslangin ng kanyang matalik na kaibigan. Hindi niya gustong mangyari ito.

"Pakiusap! Huwag ang kapatid ko. Ako na lang ang gamitin ninyo para sa Death Pictorial." Patuloy ang hikbi nito. "Ako na lang...." hagulgol pa nito.

"Paumanhin Ecaii ngunit hindi ikaw ang napili ng kamatayan." Ibinalik nito ang tingin kay Pearl. "Umpisahan mo na! Tapusin mo ang dapat sana'y Pictorial na gagawin sa iyo ni Jerson." At binunot nito sa noo ni Rhaiin ang palakol at inihagis sa harap ng dalaga.

"Tandaan mong kapag sumalungat ka, matutulad ka kay Jerson na namatay ng wala sa oras!" pananakot pa ni Nick.

Marahan iyong pinulot ni Pearl na may bahid pa ng dugo. Patuloy sa pag-iyak si Shaira habang nanginginig sa takot. Napasulyap siya sa kanyang ate na halos hindi na makahinga sa kakaiyak.

"Ate..." at ibinaling muli ang titig kay Pearl na hawak na ng dalawang kamay nito ang palakol.

"P-atawarin mo ako Ecaii. Patawarin mo rin sana ako S-shaira." At dahan-dahan nitong iniangat ang hawak na pamatay.

"Huwag..." hagulgol at sigaw pa rin ng nakatatandang kapatid.

"Sige na! Ituloy mo ang Death Pictorial para kay Shaira!" sigaw pa ni Marvelo habang itinututok ang hawak na baril.

Biglang natanggal ni Ciejhay ang taling nakagapos sa kanyang mga kamay. At dahil nasa likod ng nagaganap na Death Pictorial, mabilis niya ring inalis ang mga tali sa paa. Nakita pa siya ni John Mark na mas labis na kinakabahan.

"Patawarin mo ako." At ihahampas na sana ni Pearl ang palakol.

"Ciejhay!" sigaw ni Nick at iniangat ang baril.

Isang malakas na sipa ang pinakawalan ni Ciejhay sa pinsan nitong si Desiree sabay agaw sa hawak na baril ng kanyang tito Marvelo. Mabilis niya itong ikinulong sa braso at tinutukan din baril.

"Sige, magpaputok kayo kung ayaw ninyong mamatay 'to!" at idiniin ni Ciejhay ang baril sa leeg ng kanyang tito Marvelo.

Ibinaba ni Pearl ang hawak na palakol at napatingin sa bagong nagaganap na eksena. Lumuwag nang bahagya ang kalooban ni Ecaii ngunit hindi pa rin mawala ang kakaibang takot sa mga maaaring mangyari.

"Relax lang 'tol. Bakit? Kapag hawak mo ba ang buhay ng lalaking iyan ay matatakot na kami?" tanong ni Nick habang nakataas pa rin ang baril.

"Bakit? Hindi ba?" lumakad si Ciejhay habang kulong pa rin ng braso si Marvelo papalapit kay Pearl. "Tumayo ka at putulin ang mga taling nakagapos kina Ecaii." Mahina niyang sabi at sandaling napasulyap kay Shaira na may nagmamakaawa pa ring mukha.

Si Shintaro na may hawak ng Video Camera ay nagpatuloy pa rin sa pagkuha ng mga nangyayari. Biglang itong humalakhak at sinabayan ni Nick.

"Patayin mo na 'yan 'tol. Hindi naman namin kailangan 'yan!" utos na pasigaw ni Shintaro.

Ang ilang kalalakihang nakasuot ng maskara ay nakatitig lamang at hindi kumikilos hangga't hindi inuutusan. Marahang lumakad si Pearl patungo kina Ecaii habang hawak ng mahigpit ang palakol. Sa isang hampas ay natanggal niya sa pagkakagapos ang mga paa at kamay nito. Sunod niyang natanggal ang kay John Mark.

Nanginginig silang nagtungo sa likod ni Ciejhay na matapang pa ring nakikipag-usap kina Shintaro at Nick.

"Nagkamali ka ng naging desisyon mo Ciejhay." At umalingawngaw ang sunod-sunod sa pagputok.

Nanlaki ang mga mata ng binata sa nasaksihan.
__________

IPAGPAPATULOY...

Death Pictorial (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon