NAPASULYAP kung saan sina Ecaii dahil narinig muli nila ang ingay ng putok mula sa isang baril. Napatayo ang magkakayakap na mga babae.
"May napahamak na naman ba?" halata sa mukha nila Emily at Cherry ang takot.
Hinawakan ni Ecaii ng maigi ang baril. Humakbang siya ng dalawang beses.
"Kailangan na natin silang tulungan." At nagpatuloy ito sa paglalakad.
"Ecaii!" sigaw ni Joseph nang matanaw ng kanyang mga mata ang nakamaskarang lalaki na papuputukan ang dalaga.
Mabilis na pagyakap ang ginawa nito kaya't sabay silang natumba. Maririnig ang ingay ng putok. Agad na ikinasa ni Jeff ang armas at walang alinlangan pinatamaan iyon.
"Bulls eye!" ngiti pa nitong bigkas.
Napayuko sina Cherry at Emily mula sa pagkagulat. Napabangon muli si Ecaii at napatingin sa mga mata ng lalaking muling sumagip sa kanyang buhay.
"Salamat." Tangi niyang bigkas at inanalayan siyang tumayo.
Mabilis na nilapitan nila Jeff ang bangkay at hindi na nga iyon humihinga.
"Marahil pinasunod sila ni Nick upang tugisin at patayin kami ng tuluyan. Wala talaga siyang kasing sama." Makikita ang galit sa mga mata ni Emily.
Naikuwento rin ni Cherry ang nagawang Death Pictorial sa kaibigang si Noby. Hindi makapaniwala ang isa na wala na nga iyon. Ilang sandaling pag-uusap ay nagpatuloy sila.
Sa panig nila Nick...
Tuluyang nalagutan ng hininga si John Mark mula sa pagbaril ng binata. Ang gimbal ay nadadagdagan pa ng pangamba nang marinig nila ang ilang putok kung saan. Mula iyon sa panig nila Ecaii.
"Wala na ngang may natira pa sa mga pinahabol ko." Tumawa ng panandalian si Nick. "Paumanhin, John Mark. Napag-utusan lang din ako." At muli niya iyong pinaputukan na parang hayop na pinatay.
"John Mark..." kahit lalaki ay maririnig ang hikbi ni Eric sapagkat isa iyon sa pinakamatalik niyang kaibigan at kababata.
Ang mga matatamis na alaala ay panandaliang nanumbalik sa kanya. Noong sabay silang lumaki. Noong mga panahon na sabay silang nag-aral, naglalaro at naghahabulan. Lahat iyon tila hanging hindi na nakikita.
Sunod na lumapit si Nick kay Marz. Ngumiti at sandaling pinalitan ang lalagyan ng bala mula sa hawak na baril.
"Ikaw ang susunod na sasalang." Inutusan nito ang ilang tauhan ng Organisasyon na tanggalin sa pagkakatali.
Tuluyan itong naalis sa pagkakagapos at mahigpit na hinahawakan ng malalaking katawang mga tauhan. Hindi makikitaan ng takot sa mukha ni Marz at gustong-gusto niya na itong masuntok sa mukha o mapatay.
"Para hindi ka makalaban dahil alam kong lalaki ka." Bahagyang iniangat ng binata ang hawak na baril. "Babawasan natin ang lakas mo." At pinaputukan ito sa kanang binti.
"Hah!" pasigaw nito at nagdurugo iyon.
"Ngayon, pumili ka na ng makakapares." Itinuro gamit ng baril ang mga natitirang nakagapos.
Ramdam pa rin ni Marz ang hapdi sa binti. Napapa-isip siya kung sino ang pipiliin na alam niyang may pagkakataon. Napatingin siya sa mga mata ni Jaynoel at nakikita niyang sinasabi nitong siya ang piliin.
"S-si..." nagkukunwari siyang nagdadalawang-isip. "Si Jaynoel. Patawad kaibigan." Napayuko siya.
Inalis sa pagkakatali ang napiling binata at hindi pa man ito nakakagawa ng hakbang ay pinaputukan din iyon sa binti. Sa gulat at sakit ay malapit na siyang matumba. Nanlalaki lamang ang mga mata nila Dyen, Lynvic at Eric. Hinawakan muna ito ng dalawa pang mga nakamaskara.
BINABASA MO ANG
Death Pictorial (Completed)
Mystery / ThrillerPAGBUBUKAS: Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may mga taong nasilaw at nalunod sa pera. Sa modernisasyong paraan, ang salapi ay mabilis na nakukuha. Ngunit sa bawat piso ay panganib ang kapalit. Buhay ang kapalit ng libo-libong barya. Paano kung ik...