CHAPTER 8

25 8 0
                                    

"SINASABI ko na nga ba!" pagsabi ni Ecaii ay nakaramdam sila lahat ng takot at kaba.

"Takbo! Kailangan nating makaalis agad." Hinawakan ni John Mark ang kamay ng dalaga.

Hindi nila batid ang dadaanan dahil masyadong mapuno at madamo.

"Ano ba'ng nangyari kina Elle?" iyak na tanong ni Pearl.

"Totoo nga ang panganib na sinasabi ng lola ni Ciejhay. Pero nasaan sila?" hingal na tanong ni Jerson.

May mga pagputok ng baril ang maririnig at napatumba si Pearl.

"Hah!" sigaw nang tamaan siya ng bala sa binti.

Tumigil si Jerson at inalalayan itong tumayo.

"Magpatuloy na kayo John Mark! Ako na ang bahala dito." Wika ng binata at isinakay ito sa likod.

"Diyos ko!" mas lalong lumakas sa pag-iyak si Elajoy.

Naguguluhan si Ecaii kung ano ang mga nangyayari at bakit sila gustong patayin. Nagpatuloy sila sa pagtakbo at may muling umalingawngaw ang mga pagputok. Natumba si Jerson dahil may tama rin ito sa binti at pareho sila ng sitwasyon ni Pearl.

"Tumakas na kayo! Bilisan ninyo!" pagsisigaw ng binata.

"Ecaii. Takbo!" iyak din na sigaw ni Pearl at may pagputok muli ang maririnig.

Hinawakan ni John Mark ng mahigpit ang kamay ng dalaga at ni Shaira. Nagpatuloy sila sa pagtakbo hanggang sa makalayo.

"Hindi. Dapat hindi natin sila pinabayaan." Napahinto si Ecaii na labis ang tangis.

May maliliit na karayom ang tumama sa batok nila John Mark, Shaira at Elajoy kaya't mabilis na natumba sa kinatatayuan ang mga ito. Napanganga ang dalaga sa mga nakita. Sa hindi kalayuan ay napagmasdan niya ang tatlong lalaking nakamaskara at tila may ihahagis sa kanya.

"JM, Shaira! Elajoy!" hindi na ito nalapitan ng dalaga at mabilis siyang tumakbo kung saan. "Tama na!" patuloy niyang iyak at kahit saang direksyon siya nagtutungo.

Napatigil siya nang makita ang isang lalaki sa harapan na may hawak na panghampas.

"Hindi ka na makakatakas Ecaii my Dear!" at hinampas niya ang dalaga sa ulo.

Sa itaas ng bundok...

"Sino kayo? Bakit ninyo ako dinala rito? Mga hayop!" pagsisigaw ni Ciejhay na nakatali sa isang malaking puno.

"Malalaman mo rin mamaya!" tugon ng nakamaskara at pamilyar iyon sa binata.

Sa ilang sandali ay nagdatingan ang mga kalalakihan na hatak-hatak ang katawan ng kanyang mga kaibigan. Mas lalong tumindi ang galit na nararamdaman ni Ciejhay.

"Bakit?" napaiyak na siya nang isa-isang itali ang mga iyon at ang ilan ay duguan pa.

Nagmulat ng mga mata ang lahat ng kanyang mga kasamahan. Pinagmasdan pa ng mga ito ang kanilang kinalalagyan ngayon.

"Ciejhay?" wika ni Ecaii.

"Sino sila? At bakit tayo dinukot?" nananakit pa rin ang binti ni Jerson.

Hindi makapaglabas ng tinig ang binata at isa lang ang nasa isip niya kung sinu-sino ang mga may pakana nito. Nagtipon ang mahigit 10 mga nakaitim at nakamaskarang kalalakihan.

"Magandang umaga sa inyong lahat." Isang tinig lalaki ang naglakad papunta sa gitna. "Welcome sa araw ng inyong kamatayan!" at nagtawanan mga ito.

Labis na takot ang naramdaman ng iba lalo na ang mga kababaihan.

"Mga hayop! Magpakilala kayo!" pagsisigaw ni Ciejhay.

"Sige, kung iyan ang nais mo." At tinaggal ng limang tao ang mga suot na maskara.

Death Pictorial (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon