KINABUKASAN ay dumaong na ang barkong sinasakyan ng grupo ni Dyen. Masaya silang bumaba habang walang tigil sa pagkuha ng larawan si Shiela.
"Good Bye, Manila. Welcome, Mindanao!" bigkas pa nito.
Ngunit kabaligtaran sa ekspresyong makikita kay Dyen sapagkat hindi pa rin maalis sa isipan nito ang napaniginipan kagabi habang sila ay nasa barko pa. Tila tumatak na ang kaibigang nakitang duguan at sinasabing huwag silang tutuloy. Saan? Tanong na hindi niya masagot ngunit itinago niya na lamang iyon sa nalulungkot na damdamin.
"Panaginip lang 'yun, hindi ba sabi ko?" at inakbayan ito ni Eric dahil sandaling natulala ang dalaga habang sila'y papasok sa Pier Station.
Tumango lamang at ngumiti ng walang katotohanan sapagkat hindi niya maipagkukunwaring wala siyang iniisip. Napatingin sila sa paligid kung sino ang sundo na sinabi sa mensahe ng kaibigan nilang si John Mark.
"Nasaan naman kaya ang sundo natin?" palinga-linga rin si Jaynoel.
"Groupie muna tayo." At pinindot ni Shiela ang Cellphone. "Matagal pa naman siguro ang mga iyon kaya gala muna tayo!" anyaya pa ng dalaga.
"Huwag na. Maghintay na lang tayo. Baka dumating 'yun at maiwan tayo rito!" suhestyon ni Lynvic, mapagmasid ang mga mata nito.
Napatingin ang limang babae sa kaibigang kanina pa hindi nagsasalita simula nu'ng magising sila at bumaba ng barko.
"Dyen? May problema?" nakangiting tanong ni Emily.
Imbis na tumugon ay ibinaba lamang ng dalaga ang nalulungkot na mga mata.
"Dyen!" lumapit na si Cherry at hinawakan ang dalawa nitong mga kamay. "Sabihin mo kung ano 'yang iniisip mo. Baka makatulong kami." Pinisil pa iyon ng kaibigan.
Huminga ng malalim ang dalaga at pilit na ngumiti. Lumapit ang iba pang mga babaeng kaibigan upang makinig sa kanyang sasabihin.
"Kagabi. Nanaginip ako tungkol kay Ecaii." At isinalaysay nito ang lahat pati ang huling nakitang taong may hawak na patalim bago siya magising mula sa napakasamang panaginip.
"Ow! Matindi pala 'yan. Ano naman kayang ipinapahiwatig ng panaginip mo?" nagtatakang tanong ni Noby.
"Squad, panaginip lang iyan at hindi dapat bigyan ng kahit anong kahulugan. Malay niyo nagkataon lang na ganyan kasi magkikita-kita ba muli tayo nila Ecaii. Kaya kung ako sa inyo, Picture!" sigaw ni Shiela at kumuha ng larawan kasama ang seryosong si Dyen.
"Kung sa bagay. Pero ang hindi ko maunawaan ang may hawak ng kut..." naputol sa pagsasalita.
"Baka sila na 'yung sundo natin." Pagtuturo ni Marz sa hindi kalayuan mula sa mga kalalakihang tumingin-tingin sa paligid na tila may hinahanap.
Napatingin silang lahat doon at nagtataka kung bakit ang mga mukha ng mga iyon ay sobrang seryoso.
"Sila na ba talaga iyan? Bakit mukha yatang Holdaper 'yung isa." Maarteng sabi ni Emily habang tinititigan ang isang may mahabang balbas.
Natanaw sila ng isa sa mga iyon at sabay-sabay na lumapit sa kanila. Napahawak ng mahigpit si Dyen sa kamay ni Eric dahil bigla siyang nakaramdam ng kaba at bumilis sa pagtibok ang pintig ng kanyang puso.
"Magandang umaga! Kayo ba ang mga ipinasusundo ni Ciejhay?" tanong ng isang kalmado ngunit napakalaki at bilog ang tinig.
Napatitig muna sandali ang mga magkakaibigan dahil halatang hindi mapagkakatiwalaan ang mga mukha ng mga ito.
"Oo. Kayo ba ang mga kamag-anak niya?" pagtatanong ni Eric.
Nagkatinginan muna ang apat na lalaki bago may muling magsalita at tumugon.
"Kami nga. Kahapon pa sila naghihintay sa inyo at kinakailangan na nating magmadali. Iyon ang Van na gagamitin natin." Pagtuturo ng lalaki sa sasakyang iniwan sandali.
Sa panig nila Ecaii...
Nakasakay ang dalaga sa isang sasakyan kasama ang isang lalaking tumulong at panandaliang kumupkop sa kanya. Napapatingin siya sa labas ng bintana at hindi mapakali sa kinauupuan.
"Wala na ba tayong mas ibibilis? Kuya?" nagmamadaling tinig ng dalaga sa lalaking siya ring nagmamaneho.
"Magdasal ka lang na mauunahan natin ang mga tauhan ng Death Pictorial bago nila masundo ang mga kaibigan mo. Hindi mo ba sila nakausap kagabi?" tanong ng lalaki.
"Hindi." Malungkot na tugon ni Ecaii at pinagtatama ang dalawang palad. "Naputol ang pagsasalita sa kabilang linya at hindi ko na muli pang na-contact." Dagdag pa nito at napabuntong hininga.
Hindi na muling nagtanong ang lalaki at ipinagpatuloy ang seryosong pagmamaneho.
•••FLASH BACK•••
Narinig nito ang mga sunod-sunod na putok ng baril sa gitna ng kagubatan. Ang unang pumasok sa isip niya ay ang mga magkakaibigang nakitang umakyat sa itaas dahil batid na nitong may hindi magandang mangyayari.
"Pare, sino ba 'yung mga lalaking may Van? Bakit nakamaskara sila at patungo sa tahanan ng lolo at lola ni Ciejhay?" tanong ng isang kaibigan sa lalaking tumulong kay Ecaii.
"Hindi ko masabi pero mukhang hindi sila mapagkakatiwalaan." Tanging sabi nito at itinigil ang pag-inom ng alak.
"Saan ka pupunta?" tanong ng kaibigang iniwan.
Hindi na tumugon pa ang lalaki at pinagmasdan ang mga nakamaskarang lalaki nang mga gabing iyon. Nagtago lamang ito sa puno pinakinggan ang tinatalakay ng mga ito kasama sina Shintaro, Rhaiin, Desiree at Marvelo. Nabigla pa ito nang marinig ang tungkol sa kabayaran kung magagawa ang Death Pictorial.
Noong sumapit ang umaga ay natanaw niya na lamang ang magkakaibigang paakyat ng bundok at kasama pa sina Desiree at Marvelo. Nais man sanang makialam ng lalaki ngunit hindi niya nagawa sapagkat natatakot siyang madamay mula sa mga narinig.
Palihim itong sumunod at nagmasid. Sa hindi nagtagal na pagtatago ay narinig niya nga ang mga nakapangingilabot na mga pagputok kaya't maigi siyang nagmatyag at nagtago. Kita niya ang mga nagtakbuhang magkakaibigan na hinahabol ng mapanlinlang na mga nakamaskara. Nakaagaw pansin sa kanya ang magkapatid na sina Ecaii at Shaira na sobrang natatakot at nagtatangis.
Nang muling umalingawngaw ang pagputok ay natunghayan niya rin ang pagbagsak ni Shaira. Muli sanang magpapaputok ang lalaking nakamaskara ngunit mabilis niya iyong sinunggaban ng suntok at sipa. Binugbog niya ng binugbog ang lalaki hanggang sa mawalan ng malay. Mabilis siyang lumapit sa humihikbi at nagsisigaw na si Ecaii. Natanaw pa siya nito bago mawalan ng malay.
Binitbit niya ang dalaga at maingat na dinala upang hindi sila makita ng mga naghahanap dito. Tamang-tama nang umulan at mabilis niyang nasagip si Ecaii. Inaruga niya ito kahit sa sandaling panahon at itinago sa kanyang tirahan dahil ang lola lamang nito ang kasama.
Nagising si Ecaii at muling nagtangis nang ikuwento ng lalaki at malaman ang mga nangyari sa kanyang mga kaibigan kabilang ang kapatid. Ang lalaki ang nagsilbi niyang mata upang magkaroon ng balita sa mga pinaplano ni Nick at paghahanap sa kanya. Nalaman niyang ginamit ang kanyang Cellphone at kay John Mark upang tawagan ang mga kaibigang nais sumunod sa kanila. Sinubukan niya ring tawagan si Dyen dahil kabisado nito ang numero ng kaibigan ngunit bigo naman siya.
•••END OF FLASH BACK•••
Tanaw na nila Ecaii ang Pier kung saan din sila bumaba noon sakay ng barko. Kinakabahan at nagmamadali siyang bumaba upang hanapin ang mga dumating na kaibigan.
"Dyen. Nasaan kayo?" kaba niyang bulong sa hangin.
Ngunit wala siyang natatanaw kahit isa sa mga ito. Pumunta siya sa labasan ng Station at nagtanong. Ipinaliwanag niya ang itsura at kilos ng mga kaibigan.
"Hindi po ako sigurado pero mukhang sila 'yung kausap nu'ng mga nakaitim na lalaki at isinakay sila ng Van," tugon ng kanyang pinagtanungang nagtitinda ng mga inumin.
Mas lalong nanikip ang dibdib ng dalaga at tila luluhang muli. Niyakap siya ng lalaking kasama.
"S-sina Dyen. Ang mga kaibigan ko..." nanginginig ang kanyang tinig at tuluyang napaluha.
__________IPAGPAPATULOY...
BINABASA MO ANG
Death Pictorial (Completed)
Mystery / ThrillerPAGBUBUKAS: Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may mga taong nasilaw at nalunod sa pera. Sa modernisasyong paraan, ang salapi ay mabilis na nakukuha. Ngunit sa bawat piso ay panganib ang kapalit. Buhay ang kapalit ng libo-libong barya. Paano kung ik...