CHAPTER 13: Episode II

26 5 0
                                    

MASAYANG sinalubong ni Dyen ang mga matatalik na kaibigan sa Pier ng mga barko dahil ito ang pinag-usapang lugar. Nakipagkamay at humalik pa sa pisngi ang iba. Bakas sa kanilang mga mukha ang pagka-excited sa pupuntahang Probinsya kung nasaan din ngayon ang grupo ni Ecaii.

"Squad! This is now the real Adventure!" sigaw ni Shiela, isa sa pinakamasayahin sa kanila.

"Yeah! At ito na ang hinihintay nating bakasyon!" nakipagsabayan din si Lynvic at Cherry.

"Ang buhay kolehiyo ay madadama na..." naputol ang mga kaibigang babae sa sandali nilang Moment.

"Baka naman halos kasiyahan ang ilaan ninyo roon. Tandaan, kasama natin ang ibang matatalik nating kaibigan tulad ni Ecaii. At ang bahay na panandalian nating tutuluyan ay kay Ciejhay. Naiintindihan niyo ba?" paniniguro ni Dyen.

"At isa pa, Probinsya iyon at hindi syudad kaya't marahil iba ang mga gawi nila roon." Dagdag pa ni Eric bago umakbay sa balikat ng dalaga.

"Yup! Bro. Nauunawaan namin." Tugon ni Marz na laging seryoso sa pinag-uusapan, masaya man o malungkot.

"Opo, Dyen at Eric. Para kayong mga tatay at nanay namin. Mula pa sa Group Chat ay panay na ang payo ninyo." Nang sabihin ni Emily ay napatawa silang lahat.

Sumakay na sila ng barko at kani-kanilang pera ang ginugol para sa gagawing pagsunod sa naunang grupo nila Ecaii. Tuwang -tuwa sina Dyen nang payagan siya ng matalik na kaibigan sa lugar kung saan din nag-pictorial ang mga ito.

"Ano? May text na ba sila?" tanong ng nobyong si Eric.

Nasa labas sila at nakaupo sa iilang Benches. Dinadama ang malamig na hanging napakasariwa. Ang iba sa kanila ay gumala at hindi nagsasawang kumuha ng mga Selfie at Groupie Pistures na talagang pinangungunahan ni Sheila. Nasa Dining na bahagi naman sina Marz na mahilig kumain kasama sina Jaynoel at Natashiwa.

"Wala pa naman. Ang huling mensahe sa akin ni Ecaii ay mag-iingat daw tayo sa byahe at sana ay mabilis tayong makararating doon." Ngiting tugon ni Dyen at sandaling inihiga ang ulo sa balikat ng binata.

Ganoon na siya kasanay na maglambing dahil isa na yata sila sa magkasintahang hindi makikitaan ng awayan, kung baga tila may Forever.

"Baka busy!" pabiglang tugon ni Eric. "Si Bro John Mark nga ay wala ring tawag o kahit text man lang sa akin. Nakakatampo nga, kasi si Ecaii lang ang nakapag-mensahe sa atin." Ginawa pa nitong tinig-bata ang boses.

"Baka dahil roon sa Pictorial. Maganda nga raw 'di ba?" tumingin sa mukha ni Eric.

"Oo. Kasingganda mo." At hinalikan sa labi si Dyen.

"Hayan na naman siya." At kunwaring nagtatampo ang dalaga. "Mahilig kang magnakaw ng halik 'ah." Tumayo na ito at pumasok sa loob.

Sa panig nila Marz, Jaynoel at Natashiwa...

"Oh, Bro! Baka lalo kang lumaki niyan." Nakangiting bigkas ni Natashiwa sa kumakaing si Marz dahil mahigit isang oras na rin sila.

"Oo nga. O, baka naman mga higante na ang mga alaga mo diyan!" nang sabihin ni Jaynoel ay nagtawanan sila kabilang ang pinag-uusapan.

"Kayo kung makapang-asar! Minsan lang ako kumain sa mga sosyal tulad nitong nasa barko. Inggit lang yata kayo mga Bro!" at patuloy sa pagkain si Marz.

Sa panig nila Shiela, Emily, Cherry, Lynvic at Noby...

"Ano ba 'yan Shiela! Halos mukha mo lang naman ang lahat ng nasa Pictures." Tawang sabi ni Lynvic.

"Syempre dahil ako may-ari at humahawak ng Cellphone. Groupie!" sigaw niya at muli silang kumuha ng mga larawan.

Kung iisipin, halos ang lahat ng laman ng kanyang SD Card ay mga larawan mula pa lamang sa Pier kanina. Hanggang sa dumilim ang kalangitan ay tsaka lamang natigil sa pagkuha ng mga larawan ang mga ito.

Nagtungo sila sa loob ng isang silid. Tanaw nila sa kristal na bintana ang madilim na kalangitan. Natapos na sa pagliligo ang anim na kababaihan at ganoon din sa apat na lalaki. Mayamaya'y nakatanggap ng mensahe si Eric mula kay John Mark.

"Pagbaba ninyo sa barko ay ipapasundo ko kayo kay Ciejhay." Pagbasa ni Eric.

"Grabe, lalo tuloy akong nae-excite." Niyakap ni Cherry ang unan.

"Ako rin. Maganda siguro ang mga tanawin doon." Panay pa rin ang kalkal ni Shiela sa mga larawang kuha kanina.

Sa tabi nito ay nakikinood sina Lynvic at Emily.

"Matulog na lang tayo Squad!" nakaramdam na ng antok si Noby at naidlip.

"Sabihin mo kay John Mark na hindi ba sila busy? At si Ciejhay pa ang magsusundo sa atin?" pagsabi ni Dyen ay ipinasa ito sa kaibigan.

Ilang sandali lamang ay nakatanggap muli sila ng mensahe.

"Oh, sige. Ang mga pinsan na lang na lalaki ni Ciejhay." Pagbasa muli ni Eric at sumang-ayon na si Dyen.

Natulog na sila at nananaginip ng masama si Dyen tungkol sa matalik na kaibigang si Ecaii.

Sa panaginip...

"Ecaii?" Malamig ang tinig nito dahil nasa isa siyang magubat na lugar.

Papalapit sa kanya ang kaibigang duguan ang bandang tiyan dahil nakahawak pa roon ang kanang kamay nito.

"Dyen! Tumakbo ka na. Huwag na kayong tumuloy. Pakiusap!" nanginginig ang boses ng kaibigan.

"Huh?" pagtataka ni Dyen at hinawakan sa magkabilang balikat ang kaibigan. "Hindi kita munawaan!" malakas na pagkakasabi nito.

Nagpalinga-linga pa si Ecaii sa paligid na tila may kinatatakutan.

"Pakiusap! Lumayo na kayo at..." napitigil ito kasabay ng pag-alingawngaw mula sa putok ng baril.

Lumabas sa bibig ng kaibigan nito ang dugo at napapikit ng mga mata. Bumagsak ito sa kinatatayuan.

"Ecaii!" gimbal ni Dyen at napatingin siya sa paligid.

Nakita niya ang isang lalaking parang anyo ni Nick ngunit hindi niya maaninagan.

"Hindi. Hindi..." malakas niyang sigaw nang makita ang hawak nitong kutsilyo.

Kasabay nu'n ay nagising siya sa napakasamang panaginip. Napayakap siya sa katabi lamang na binata na nagising din sa kanyang pagsigaw. Hindi niya namalayang mapaluha ng bigla at makaramdam ng takot.

"Ano'ng napanaginipan mo?" may pag-aalalang tanong ni Eric at pinapatahan ito.

Ikuwenento ng dalaga ang tungkol sa duguang kaibigan at kung paano ito mawalan ng buhay sa mismong harapan niya pati na ang lalaking may hawak na patalim.

"Bakit ganoon ang panaginip ko? Bakit si Ecaii?" nagtataka at humihikbi nitong sabi.

"Panaginip lamang iyon. Ligtas sila dahil nga nagmemensahe pa sila, 'di ba?" ngiting patanong ng binata upang kumalma ang damdamin nito.

Tumango si Dyen at muling pinatulog ng pinakamamahal na nobyo. Binantayan ito at hindi pa muling naidlip hangga't hindi rin tulog ang dalaga. Ang sandaling katahimikan ay napalitan ng kaunting ingay mula sa pagtunog ng Cellphone ni Dyen. Dahil tulog ay si Eric na ang kumuha noon at tinignan kung sino ang tumatawag.

"Number lang?" at sinagot niya iyon.

"H-hello? D-dyen?" halatang nanginginig ang tinig ng isang babae sa kabilang linya.

"Hello?" hindi maunawaan ni Eric ang nagsasalita dahil putol ang boses nito. "Sino ba 'to?" ngunit nawala na iyon sa koneksyon.

Nagtatakang ibinaba ng binata ang Cellphone at napapaisip kung sino ang tumawag. Alam niyang babae iyon ngunit hindi niya marinig ang sinasabi nito. Ibinalik niya ang Cellphone ng nobya sa tabi nito. Pinagmasdan niya na lang ang maamong mukha nito. Napapangiti siya dahil napakasuwerte niya sapagkat ang isa sa pinakamalambing na babae at mapagmahal ay napasagot niya. Hinalikan niya muna ito sa pisngi bago muling nahiga at natulog.
________

IPAGPAPATULOY...

Death Pictorial (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon