CHAPTER 22

19 5 0
                                    

NAPAPASIGAW ng labis si Nick mula sa sakit na ngayon ay nararamdaman dahil sa mga naputol na kamay. Galit na lumapit si Eric at kinuha sa kamay ni Jaynoel ang palakol.

"Tingnan natin ang kayabangan mo." At sa isang hampas ay naputol ang kanang binti nito.

"Ako naman." Umalis si Ecaii sa pagkakayakap at mabilis na kinuha kay Eric ang palakol.

"Kulang pa ang buhay mo para maipaghiganti ang buhay ng mga kaibigan naming pinatay." Walang alinlangan at naputol ang kaliwa nitong binti.

Maririnig ang malalakas at suno-sunod na hiyaw ng binata. Hindi na iyon makakilos dahil wala ng mga kamay at binti. Napansin nila Ecaii na gustong-gusto rin nila Emily, Cherry, Lynvic, Dyen at Marz na makaganti sa halimaw na si Nick.

"Nais niyo rin ba?" ngiting tanong ng dalaga sa mga iyon.

"Oo. Kaytagal kong nagpigil." Makikita ang mga kamao nila.

Napasulyap si Ecaii sa mga buhay pang tauhan ng Death Pictorial. Sunod na ibinaling ang atensyon sa lamesang may mga natitira ring pamatay.

"Bakit hindi natin gawin sa kanila ang Death Pictorial?" ngiting suhestyon ng dalaga.

"Sang-ayon kami, Ecaii. Ngayon na?" patanong ni Joseph.

"Wala na dapat sayanging oras." Humakbang si Dyen patungo sa lamesa. "Ano ba'ng magandang gamitin sa mga katulad ninyo?" isa-isa niyang hinihimas ang bawat patalim at iba pang kasangkapan.

Inutusan ni Ecaii ang mga lalaki na ihanda ang mga natitirang demonyong tumapos sa buhay ng pinakakamahal nilang kaibigan. Pitong mga nakamaskara at isa para kay Nick. Pinaluhod nila ang mga iyon habang nakapila na tila alipin na daraan sa parusa ng kamatayan. Habang isinasaayos ay nakita ni Ecaii ang bangkay ni John Mark na nakahandusay. Ngayon niya lamang iyon napansin.

"J-john Mark?" nanginginig ang kanyang mga kamay dahilan upang mabitawan ang palakol at nagtatangis na lumapit doon. "Mahal ko, hindi..." mahabang niyang iyak.

Lumapit sa kanya ang mga kababaihan ding natira at niyakap siya. Pinapatahan at pilit itinatayo.

"Ecaii, tama na ang pag-iyak. Wala na tayong magagawa. Kailangan na lamang natin silang ipaghiganti." Pilit pa rin itong pinapatahan nila Dyen ngunit maririnig pa rin ang tangis nito.

Napatingin si Joseph sa kanila. Kita ng lalaki ang pagmamahal ng dalaga para sa namatay na binata. Ang hikbi nitong puno ng kalungkutan at halatang hindi matanggap ang pagkawala ng minamahal. Tumayo ng biglaan si Ecaii na puno ng galit ang mga mata.

"Ecaii?" nagtataka sina Emily.

Marahang pinulot ng mga nanginginig na kamay ang palakol. Panginginig na hindi galing sa takot kundi mula sa galit na matagal na naitago. Mahina ang mga hakbang ng dalaga papalapit sa nakahigang si Nick.

"Una, ang mga kasamahan ko. Pangalawa ang aking kapatid." Hindi na mapigilan ni Ecaii ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng luha sa mga mata. "Sunod ang mga ipinatawag mong kasamahan natin. At ngayon, malalaman kong pati ang pinakamamahal ko?" sa pag-angat ng palakol at paghampas ay nabutas ang tiyan ni Nick.

Hindi na mapigil ang kakaibang galit ni Ecaii. Tuloy lamang ito sa ginagawa hanggang sa tuluyang naligo ang binata sa sariling dugo. Hindi pa nakuntento ang dalaga. Lumapit pa ito ng bahagya at sa huling hampas.

"Totoong kulang pa ang buhay mo sa dami ng buhay na nasayang!" naputol ang ulo nito.

Binitawan na ni Ecaii ang palakol at niyakap na siyang muli ng mga babeng kasama. Marahan ding lumapit si Joseph at niyakap iyon ng sobrang higpit.

"Wala na siya. Wala na." Muling ngang maririnig ang iyak nitong puno ng galit.

Mataman niyang pinagmasdang muli ang bangkay ni John Mark. Sunod na naagaw ang kanyang paningin patungo sa mga bangkay ng kanyang mga kaibigang pinatay at sumalang sa Death Pictorial. Kalunos-lunos at karumal-dumal. Bumabalik sa kanyang isipan ang kakaibang pait at sakit ng nakaraan mula sa nasaksihang mga namatay. Ang walang kaluluwang si Nick at iba pa na nag-utos at nagpasimula ng Death Pictorial. Sa wakas, tuluyan niya ng nailabas ang lahat ng kirot at nagtatagong galit.

Sa ilang sandali, tumunog ang Cellphone ni Nick sa bulsa niyon. Naputol sa pagkakayakap ang lahat. Kinuha iyon ni Dyen at iniabot kay Ecaii. Ang tumatawag ay ang pinakapinuno o iyong nag-uutos kung sino ang sasalang. Inilapat ng dalaga ang Cellphone sa kanyang tainga.

Nais ng Death Pictorial Organization na makipagkasundo sa kanila. Lahat daw ng pera na sana'y matatanggap ni Nick ay sa kanila mapupunta kung gagawin nila ang laro ng kamatayan o Death Pictorial sa mga natitirang tauhan niyon. Napasulyap ang dalaga sa Video Camera na nakaharap pala sa kanila kahit nasa lupa. Kanina pa pala sila napapanood. Ipinakuha iyon ni Ecaii kay Eric at iniharap sa kanya. Sunod na inilapit ng dalaga ang Cellphone sa kanyang bibig at nagbibitaw ng napakasamang tingin sa harap naman ng Video Camera.

"Makinig ka. Ano man ang kasalukuyan, gagawin at gagawin namin ang Death Pictorial. Hindi namin kailangan ng pera ninyo kundi hustisya at paghihiganti." Inihagis ni Ecaii ang Cellphone kung saan at tumama iyon sa isang puno dahilan upang mawasak. "Manood kayo sa Death Pictorial na gagawin namin." Lumakad ang dalaga patungo sa nakapila't nakaluhod na mga tauhan ng Organisasyon.

Ipinasa ni Eric ang Video Camera kay Lan. Iyon ang magdadala nito at magpapakita sa mga nanonood na Foreigner sa mga magaganap na paghihiganti. Halatang handang-handa na sina Dyen, Emily, Cherry, Lynvic, Marz, Jaynoel, at Eric. Saktong pito sila at ganoon din ang bilang ng mga tatapusin nila.

"Sa laro namin sa magaganap na Death Pictorial, walang gagamiting garapon ng kapalaran sapagkat ang kahahantungan din naman ninyo ay impyerno at kamatayan." Tinanggal ni Ecaii ang mga maskara ng mga iyon. "Humanda kayo sa larong inumpisahan ninyo." Makikita ang kakaibang takot sa mga mata ng mga natitirang tauhan.

Hinatak nila Mico at Jeff ang unang lalaki at pinaluhod sa gitna.

"Sino'ng mauuna?" tanong ni Ecaii sa kanina pa nagpipigil na mga kaibigan.

"Ako." Lumapit si Dyen. "Gawin nating kakaiba at malayo sa mga nauna." Sunod siyang humakbang patungo sa lamesa.

Kinuha nito ang Chainsaw na may bahid pa ng dugo mula sa kanilang kaibigang unang sumalang Death Pictorial. Marahan siyang bumalik at pinaandar iyon. Ang ingay na binubuo ng Chainsaw ay mas nakadadagdag ng kilabot at takot sa lalaking kanyang gagawan ng Death Pictorial.

"Alam mo naman kung para saan ang gagawin ko?" ngumiti si Dyen at itinaas ng bahagya ang Chainsaw.

Nasa isipan pa niya ang sinapit ng mga kasamahan. At inilapit niya iyon sa bandang itaas ng ulo.

"Mga Demonyo kayo!" habang pumapatak ang luha ay dahan-dahan niya namang ibinababa ang Chainsaw.

Unti-unting nahihiwa sa dalawa ang ulo ng lalaki at nagtatalsikan ang sariwang dugo. Ilang sandali ay ang utak nito, mga mata at nang nasa pinakababa na ay ang mga lamang-loob. Sandaling tumigil ang dalaga habang hinihingal. Ilang pagbuga ng hangin ay ginawa niyang maliliit at pira-piraso ang bangkay ng lalaki. Matapos ay agad niyang inihagis ang Chainsaw sa mga nadurog na laman. Hindi na iyon masasabing tao kundi mga karne. Pagkatapos ay napayakap si Dyen kay Ecaii na naroon pa rin ang pagtangis.

"Nakapaghiganti ka na." Hinihimas ng dalaga ang likod nito.

Sunod na pumunta sa pinakagitna si Eric. Hinatak nito ang ikalawang lalaki at pinaluhod sa tabi ng pira-pirasong bangkay.

"Ako naman ang susunod na gagawa ng Death Pictorial." Bigkas nito at marahang lumapit sa lamesa. "Kahit ano naman sa mga ito ay ikamamatay mo rin." Kinuha ng binata ang tatlong mahahabang kutsilyo o patalim.

Bumalik siya sa harap ng lalaki. Nakangiti namang nanonood ang iba.

"Sa unang pagkakataon ko pa lamang ito gagawin at para ito kay John Mark na kababata ko pati na sa ibang kasamahan namin." Nararamdaman ni Eric ang paninikip ng damdamin at ayaw niya ng maging emosyonal.

Itinaas niya ang unang patalim at nakangiti iyong pinagmamasdan. Sunod ay isang matalim na tingin sa lalaking nanginginig na sa takot.
________

IPAGPAPATULOY...

Death Pictorial (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon