PINULOT niya ang dalawang maliliit na mga patalim. Sunod na hinatak ang may kalakihang Chainsaw dahil ito ang unang pumasok sa isip na mga gagamitin. Nanginginig pa rin siyang bumalik. Nagsisigaw kasabay ng paghikbi si Shiela. Hinawakan ito ng mahigpit ng dalawang lalaking nakamaskara.
"S-shiela..." nanginginig ang tinig nang sandaling bitawan sa harap ng kaibigan ang Chainsaw.
"Umpisahan mo na at sandaling panahon lang ang kailangan ko sa inyong dalawa sapagkat marami pa ang susunod!" sigaw ni Nick.
Pinagmasdan muna sandali ni Emily ang mga nagigimbal na mga kaibigang nanonood. Napapailing sina Dyen dahil hindi nais ang masasaksihan at gagawin ng matalik na kaibigan. Lumapit siya kay Shiela at sandaling pinagmasdan ang mukha nitong puno ng luha. Hindi niya na ito tinitigan sa mata bagkus ay ibinigay ang atensyon sa kanan at kaliwang pisngi upang sundin ang nasa larawan.
"Patawarin mo ako..." at bahagya niyang iniangat ang patalim.
Hinawakan ng isang lalaki ang ulo at buhok ni Shiela upang hindi makapaglag sa gagawin ng dalaga. Ang isa naman ay sandaling tinakpan ang bibig nito. Halos pigilan ni Emily ang paghinga nang lagyan ng hugis ekis ang kanang mukha ni Shiela. Malalim ang mga hiwang ginawa niya. Maririnig ang sigaw ng dalagang nais lumabas. Tumulo ang sariwang dugo sa pisngi nito.
"Para masaya." Lumapit si Nick at kinunan ito ng unang larawan. "Ipagpatuloy mo!" utos muli ng binata.
"Emily..." pagsisigaw ni Dyen ngunit walang pumansin ditong mga tauhan o maging si Nick.
Sunod na hiniwaan ng hugis ekis ang kaliwang pisngi ng dalaga. Kita ni Emily ang mga mata nitong nasasaktan at labis na nahihirapan. Tumulo na rin doon ang dugo. Nabitawan ng dalaga ang patalim na may bahid ng dugo. Marahan niyang pinulot muli ang Chainsaw. Sunod na itinaas ng isang lalaki ang kanang kamay ni Shiela upang maputol ng dalaga. Tuloy lang sa pagdaloy ang luha ni Emily at alam niyang wala na siyang iba pang magagawa.
"Sige, putulin mo!" natutuwa ang traydor na si Nick habang humahalakhak.
Pinaandar ni Emily ang Chainsaw at maririnig ang andar ng hawak na nakapangingilabot. Marahan niya iyong itinaas.
"Emily! Huwag..." si Cherry din ay nagsisigaw.
"Walang hiya ka! Nick..." sigaw din ni Noby.
Halos hindi na sila marinig. Inilapit ng inilapit ni Emily ang Chainsaw hanggang sa kamay ng kaibigan. Itinaas niya at inilapat.
"Hah!" pagsisigaw at pag-iyak ni Shiela nang maramdaman ang pagputol sa kanyang kamay.
Sa ilang segundo ay nahulog ito at lumabas ang nagtatalsik na dugo. Nanginginig at lumuluha pa rin ang dalaga nang iangat ang pangalawang patalim. Naghihingalo na si Shiela pero nakatitig pa rin sa kaibigang may susunod na gagawin.
"H-huwag..." nakataas ang mga kamay ni John Mark na nakikiusap sa nais pang gawin ni Emily.
Sandaling napatingin ang dalaga sa nakadapang kaibigan ngunit natakot muli nang mapagmasdan din ang nakatinging si Nick na itinutok ang hawak na baril.
"Tapusin mo na!" galit na bigkas ng binata.
Ibinalik muli ni Emily ang tingin. Iniangat ng bahagya ang patalim. Napapikit siyang sandali bago iturok sa noo ni Shiela.
"Hindi..." halos lahat ay nagsigaw at naghikbi sa nasaksihan.
"Shiela!" nawawalan na ng tinig sina Dyen at napayuko ng bigla.
Nanginig ang ulo hanggang katawan. Mayamaya'y unti-unti ng nalalagutan ng hininga. Lumapit si Nick at kinunan ito ng tatlong beses.
"Maganda ang pagkakagawa ng Death Pictorial." At huling kuha ng larawan.
BINABASA MO ANG
Death Pictorial (Completed)
Mysterie / ThrillerPAGBUBUKAS: Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may mga taong nasilaw at nalunod sa pera. Sa modernisasyong paraan, ang salapi ay mabilis na nakukuha. Ngunit sa bawat piso ay panganib ang kapalit. Buhay ang kapalit ng libo-libong barya. Paano kung ik...